Part 5 (Job Hunting & the Girls)
“SGC, this is Janna.. how may I help you?” sabi ng sa kabilang linya.
“Good afternoon Ms. Janna. I am Annabelle Riva. “
“Supposedly, I have an interview this morning but I wasn’t able to show up due to some unexpected circumstances. I would really appreciate it If you could give me another schedule? Please?” magiliw kong sabi sa kanya..
Crossed-fingers. Please Lord. I need a Job, BADLY!
“Sighing” I am sorry Ms. Riva, but that’s not an excuse. Interview mo pa lang pumalpak ka na. Pano pa pag hinire ka na namin?” Masungit na sagot nito
“Pero----------“
(Line is cut …)
Great!Just great! binabaan na ako telepono. Bwisit kasi yung lalaking yun! Dapat sana may trabaho na ako bukas! Confident pa nman ako na matatanggap ako.
Nagtapos ako ng kursong BSBA (Bachelor of Science in Business Administration). Hindi man ako nka-graduate ng Magna Cum Laude, Cum Laude or “whatsoever”, very promising naman mga credentials ko.
And knowing myself, alam kong maipapasa ko ang dapat na interview ko kanina. SANA… Kaso nabulilyaso dahil sa Antipatikong lalake na yun! Kainis talaga! Kapag kami napalayas dito sa apartment dahil sa wala kaming pambayad, hahantingin ko talaga ang lalake na yun!
Waaaahhh! Desperada na ako!
Napatingin ako sa Classified ads na nkapatong sa mesang nasa kaliwa ko. Kinuha ko iyon at binuklat-buklat. Di ako dapat ma- disappoint. I badly need a JOB! Lipat ng page..
Page.. 1 Isa pa…
Page…2 at isa pa ulit..
Page…3
Teka…. Pinikit ko mga mata ko. Hmmmmm..
“Mag-aaply ako sa…………………..Bingo!“ Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at…….
“Edifice Structural Incorporated” …
Sounds prestigious! Dial agad ako ng phone number nila…
(Phone ringing…)and…
“Thank you for calling Edifice Structural Incorporated, this is Layla , how may I help you?” bati ng nasa kabilang linya.
“Hi Ms. Layla! Good Afternoon.” Masayang bati ko sa kanya
“I am Ms. Annabelle Riva. I saw your advertisement in the Classified ads. I would like to apply for any administrative position, One that suit my qualification maybe?”
“May I know your protocol for this ma’m?” magiliw kong tanong
“Well good timing! We’re urgently looking for a Secretary. That is the only position available for now. If you’re really inte------------------”
“Really? Great! I am very much interested!” putol ko sa kanya.. Pwede na yun! Kailangan ko ng trabaho kaya di na ako mag-iinarte.
“Ok then, submit your resume online and we’ll call you afterwards for the interview details” sabi nito
“Sure thing ma’m! Thanks!”
Humarap agad ako sa laptop ko para makapag submit na ng C.V. Ng browse-browse din ako para i-check ang background ng company nila.
Napag-alaman kong pag-aari ito ng isang Don Antonio Velasquez II. Maganda ang background ng kumpanya.
Halos leading ito sa lahat ng construction companies sa bansa. At sinasabi din dito na malaki ang naitulong ng unico hijo ng Don sa pagpapalago nito.
Wow! Such a smart man. Nakaka-intriga ha? Mayaman na, matalino pa. Pero bakit binata pa?
Ang Chaka siguro nya kaya kahit mayaman sya walang magkagusto sa kanya.
Hmmm.. makikilala ko din sya in a way pag nag-umpisa na akong magtrabaho sa kanila As if! Bakit sigurado ka bang tanggap ka?(sabi ng traydor kong isipan) But of course! I will have that job and that’s a promise!
“Anna!” biglang tawag ni mama..
“May bisita ka anak.”
Sino nman kaya bibisita sa akin? Eh nasa office nman si Jake?
Dali-dali akong bumaba. At muntik nakong mahulog sa hagdan sa lakas ng tiling bumungad sa akin.
“Marskyyyyyyyyyyyy! Kamusta ka na?!” sinugod ako ng yakap ng mga ito.
Grabecious! Di ako mkahinga.. sinasakal na ako ng tatlong ito.
“Wait! Excited much mga ‘te??!!
Si Mitch, si Jasmine “or Jaz ganda” at si Trixie “ or negra”. Negra kasi pinakamaitim sya sa amin. Pero wag ka! Maganda si trixie parang bumbay. Tropa ko sila nung college.
“Anong masamang hangin nagdala sa inyo dito ha?”
“Well, how are you too Anna?.” Sarkastikong sagot ni Mitch.
Tsaka ko lang napansin ang porma nila! Dress to kill??Taray talaga ng mga lola ko! Walang kakupas-kupas pagdating sa fashion.
“Wala man lang kumusta ‘Marss? Yun agad ang bati mo sa amin? Ouchh naman!Sakit nun ah!” kunwaring nasasaktan na sabi ni Trix
“Whatever. So ano na nga? Saan lakad nyo at dress-to-kill kayong tatlo?” sabi ko.
“Saan ang lakad natin?! Magbihis ka na dali! Gimik tayo.. dun sa dati! Yesss!! Excited na sabi ni Jaz
Napailing ako..Knowing these three, they don’t accept NO for an answer. This will gonna be a long night!
BINABASA MO ANG
Confession of Love (former Boss Andrew)
Romance"Mahal Kita, mahal mo siya, pero Mahal niya'y iba." HIndi ba maaaring tayo na lang? Alamin natin kung pwede na nga ba. Samahan natin sina Annabelle, Andrew at Jake. :-)