Part 6 (The Bar-1)

1.3K 16 1
                                    

Part 6 (The Bar -1)


Tinignan ko repleksyon ko sa salamin. Nangiti ako. Perfect!

 In fairness, bagay na bagay sa akin ang damit. Isa itong onse-shoulder blue casual dress na prang shorts style ang pambaba nya.

Hapit na hapit sa katawan ko na nagpalutang sa kaseksihan ko. Conceited much? At dahil above the knee ito, litaw na litaw ang makikinis kong legs..

Nag-apply ako ng konting make-up at lip gloss. I comb my long brown hair…. Hinayaan ko lang yun na nkalugay and to top it all, nag-spray ako ng favorite kong vanilla perfume.

Pagbaba ko ng hagdan, napatingin silang lahat sa akin.

“You look beautiful hija” sabi ni Mama.

“Thanks Ma. Sympre mana ako sa iyo.” Sabi ko

“Tita, beautiful is understatement. She looks stunning!” complimented ni Jaz

“Isa ka talagang tunay na kaibigan Jasmine” nangisi kong sabi

“So…ano pa ang hinihintay nyo ladies? Enjoy your night! Huwag lang masyado magpapagabi” sabi ni Mama

“12:00 is the most Ma. Bye ma!” sabi ko

May dalang kotse si Mitch kaya di namin problema sasakyan. Isang magarang Red Mazda 6.

“Wow Mitch! Bigtime! Bagong-bagong ah!” sabi ko

“Birthday gift ni Daddy sa akin. Hop in girls! Sayang ang oras.”  Nakangiti nyang sabi

Wala nman gaanong traffic kaya wala pang isang oras nkarating na kami agad sa pupuntahan namin. The Conway’s Bar. Isa sa mga paboritonong hang-out ng barkada. Pumasok agad kami sa loob.

Conway's  Bar just so you know, is a  lively area catering the younger but also rich dudes because prices here are on the high side. Ganitong type ang paboritong puntahan ng tatlong bruha, kaya carry ko na rin. Pero dahil expensive nga, usually LIBRE ako!

The bar has separate smoking area that is enclosed kaya maganda sya para sa mga di naninigarilyong gaya ko.

They have a live band that plays the current music like RNB, Pop, Alternative and more. We love it here coz’ the bands are great. Mga sikat kasi halos tumutugtog dito.

Naghanap kami ng table na medyo malapit sa stage. May mga napapasipol at napapalingon na mga lalaki sa bwat mesang madaanan namin. Typical guys you know?

Ganun pa din ang ambiance ng lugar. Maingay, kanya-kanyang kwentuhan ang mga tao, tawanan, inuman, kantahan at sympre di mawawala ang mga love birds na naglalampungan.

At last nka-upo din kami at agad nman kaming nilapitan ng waiter.

“So anong drinks natin ngayon mga girls?” tanong ni Trixie

“1 Stella Artois for me” sabi ni jaz (stella artois is an imported beer)


“Me too” ani Mitch


“Ikaw Manang Anabelle? Ano drinks mo? Don’t tell me magju-juice ka nman? Huwag kang KJ ha? Nanlalaking matang banta sa akin ni Mitch

“Flavored San Mig will do sweety” mabilis kong sagot. Mabilis nman inilista ng waiter order namin na kaagad din naman nyang isinerve pagkatapos.

Maya-maya’y parang teenager na kinikilig si Jaz. Nagniningning ang mga matang nkatitig sa may bandang kaliwa namin.

Lukaret talaga ang babaeng ito. Sa aming lahat kasi sya yung may pagka-liberated.

“Guys, check this out! A guy on a white long sleeve shirt.” Excited na sabi ni Jaz.

Sinundan naman agad ng tingin ni Mitch at Trixie ang sinasabi nya. Napatili din ang dalawa.

Shiiiiiiittttttttttttttttt! Oh my Gosh! Nasa langit na ba ako? Maarteng sabi ni Mitch.

Shucckks! Haller! For sure nagtatalunan na nman ang mga girly hormones ng mga babaeng ito dahil nakakita na nman sila ng high quality testosterone!

“SShhhhhh…luminga-linga ako sa paligid. Girls, wag nga kayong masyadong atat at maingay dyan? Nakakahiya?! “ saway ko sa kanila

Di ako pinansin ng tatlo. Maya-maya pa’y kinakalabit na ako ni Mitch ng walang humpay.

“Holy shit! Nkatingin sila sa atin!” tili ni Mitch

Na-curious na rin tuloy ako. Agad akong bumaling sa bandang kaliwa ko para tignan ang sinasabi nilang hunk.


And that was the biggest mistake I’ve ever made in my whole damn life!

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon