Part 16

907 19 3
                                    

                     -----------------------------------------------------

                          Picture of ANDREW on the side

                     ------------------------------------------------------

                                           Part 16

                                   ~ANNABELLE~

Ohmygawwwd.....

Totoo ba ang nangyayaring ito? Nasa langit na ba ako? Isa ba itong panaginip? Tinitigan kong mabuti ang guwapong lalaking nakahiga sa kama ko. Take note ha, kama ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakasandal sa pintuan at para na akong retarded na nakatitig lang sa Adonis na ito.

Ano ngayon ang balak mo sa kanya Anabelle? Ano nga ba? Atsaka, bakit ba kasi nagpakalango sa alak ang lalaking ito? Ano yun? Trip-trip lang ba niya? O baka naman may malalim na dahilan? Napakibit-balikat ako. Kainis kasi eh. Kung hindi ako nag-magandang loob sa antipatiko na ito eh di sana wala akong iniisip ngayon?

Of all people? Si Andrew yata ang pinakahuling lalake sa mundo na makikita kong nakahiga sa kama ko. Napailing-iling ako. Marahan akong humakbang papalapit sa kanya at naupo sa gilid ng kama.

Tinitigan ko sandali siya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Tama si Jake. Sa akin siya dapat matakot kasi ngayon pa lang, parang natutukso na akong pagsamantalahan ang pagkakahimbing ng lalaking ito.

Napasulyap ako sa mga larawan ng idolo ko. Kamukhang-kamukha talaga niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Andrew. Matangos ang ilong, makinis ang mukha, medyo parang crack ang labi pero sobrang kissable, in short Scofield na Scofield ang dating niya.

My GOsh! Nakakapanginig siya ng laman ha? Magigising kaya ito kapag hinalikan ko? Shocckkkks! Ngayon pa lang ang dumi na ng iniisip ko. Pero lasing naman siya di ba? Kaya hindi na niya malalaman kahit ano pa ang gawin ko sa kanya ngayon. 

Napabuntung-hininga ako. Maingat akong umakyat sa kama. Dumapa ako, itinukod ang dalawang siko ko sa kama at nakapangalumbabang tinitigan siyang mabuti. Umisod pa ako ng konti at dahan-dahan kong inilapit ako mukha ko sa kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. SheyyyT.

Ano ba itong nararamdaman ko. Weird Huh! Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba. HIndi ko pa kaya nararanasang mahalikan ng isang lalaki. Kung hahalikan ko itong Antipatiko na ito, siya ang magiging First kiss ko.

Ang chaka ng ideya. First kiss, pero hindi alam ng lalake ng siya ang first kiss ko? Imbiyerna. Walang thrill. Pero nakakatempt talaga siyang halikan eh.

So, yun na nga. Nanalo ang mala-demonyo kong utak. Ilalapat ko na sana ang mga labi ko sa mapupulang labi niya ng biglang siyang gumalaw.

"Des" ungol nito 

Nagulat ako at medyo napalayo ng konti sa kanya. "Des?" Napakunot-noo ako. Sino yun? Ah..Baka yung babaeng bigla na lang sumulpot noong interview ko. Tama,siya nga yun. Des...short cut ng Desiree. Siya kaya ang dahilan ng paglalasing niya?

At bakit naman niya gagawin yun? Baka nag-away sila? Or nag-break kaya? Teka? Bakit ko ba pag-aaksayahan ng oras na isipin yun? Mabuti pa ay punasan ko na lang ito ng maligamgam na tubig para mahimasmasan ng konti.

Mabilis akong pumunta ng banyo para kumuha ng bimpo at tubig. Pagbalik ko, agad ko siyang pinunasan sa mukha para mahimasmasan siya ng konti. Ungol pa rin siya ng ungol. Puro pangalan nung babae ang sinasabi niya. Kaloka. In-love masyado si lolong antipatiko.

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon