Part 7 (The Bar-2)
Na-curious na rin tuloy ako. Agad akong bumaling sa bandang kaliwa ko para tignan ang sinasabi nilang mga hunks.
And that was the biggest mistake I’ve ever made in my whole damn life!
Dahil pagtingin ko,sumalubong sa akin ang mga mapupungay na mata na iyon.
Those mesmerizing blue eyes, pointed nose and kissable lips… smirking at me?! Oh no!
Pag minamalas ka nga naman! The guy is none other than Mr. Antipatiko! Parang nakakaloko syang nkatitig sa akin.
Biglang kumulo dugo ko pagkakita sa kanya. Naalala ko ang kahihiyang inabot ko kaninang umaga dahil sa kanya. Agad kong binawi tingin ko.
“Damn it!” bulong ko na hindi nman ito nakaligtas sa pandinig ng tatlo.
“Girl, ang lagkit ng tingin sayo nung hot guy at pangiti-ngiti pa” nanunuksong sabi ni Jaz
“Malagkit?? Baka kamo nakakasugat sa talim? Tignan mo nga ang kumag oh…para akong gusto akong patayin sa titig? Bwisit! Pag minamalas ka talaga” sabi kong asar na asar
“Wait a minute girl…Don’t tell me kilala mo ang hot papa na yan?!”
“Hot nga, Antipatiko nman!” sagot ko.
“Wow! So kilala mo nga! Ikaw na talaga ang maganda girl” tili ni Mitch
“You don’t have any idea guys!” sabi ko.
“Excuse me punta lang ako ng restroom” paalam ko sa kanila
Tinungo ko agad ang pasilyo papuntang restroom. Kelangan ko munang um-exit dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya. The hell with that guy!
Ang dami-daming bar dito pa ang napili nyang puntahan?!
Nagpalipas lang ako ng ilang minuto, tinignan ko sarili ko sa salamin, nangiti ako.
Bakit ako papa-apekto sa kanya? Porke ba kamukha niya idolo ko?
Porke ba guwapo sya ganun? Oo na.. kahit ayaw kong aminin, attracted ako sa kanya. Pero dahil kamukha lang sya ng IDOL ko. Yun lang iyon!
No more no less. Huminga ako ng malalim at nagdesisyon ng lumabas kaso mo………..
“Ughh!”
Nagulat ako at mabilis kong naihawak ang dalawang kamay ko sa matigas na bagay para masuportahan sarili ko sa pagbagsak.
“Ooopss! Careful Miss!” Sabi ng isang baritonong tinig
Napaangat ako ng mukha. SYA na naman?!
Amoy na amoy ko ang serbesa sa hininga nya dahil malapit na malapit mukha namin sa isa’t-isa. Nkatukod ang dalawang palad ko sa matipunong dibdib nya habang nkapulupot nman ang isang kamay nya sa aking beywang.
(opo..matipunong dibdib po pala ang binangga ko at di bagay) Sheeeeeeet!
Tinitigan nya ako ng matiim. Pakiramdam ko huminto ikot ng mundo…
Tama ba nakikita ko sa mga mata niya? Paghanga ba iyun? Choz!! Feelingerang palaka!
Maya-maya’y tumigas bigla emosyon ng mukha nya. Ang kanina’y parang humahangang tingin ay napalitan ng inis. Bi-polar much?
“Hanggang dito ba naman Miss dala mo pagka-Reckless mo?!” tuya nya sa akin
Biglang napalitan ng inis ang kanina’y nahihipnotismo kong mukha.
“What did you just say?! Reckless?! Eh ikaw nga itong di nag-iingat!” sita ko sa kanya.
“Oh really??” nakangisi niyang sagot
“Wait…are you some kind of stalker or something??? Sinusundan mo ba ako?” Sabi nya
“What?! Kapal naman ng mukha mo! Bakit naman kita susundan aber?Feeling mo naman!” Naiinis kong sagot
“Simple lang. Dahil gusto mo ako at nagu-guwapuhan ka sa akin! Katulad ka rin ng ibang babae na ang hilig maghabol sa lalake ” nang-aasar na sabi nito
“ Ha. Ha. Ha.. Excuse me? Ako maghahabol sa iyo? Duh! Don’t flatter yourself Mister.” Dahil kahit guwapo ka, di kita pag-aaksayahan ng panahon.” Sigaw ko sa mukha niya
Teka..ano yung sinabi ko? Shit! Me and my big mouth!
Napangiti sya. Yung nakakaloko.
“See? aminado ka na guwapo ako?”
Naumid dila ko. Nag-blush ako. Kahiya! Oh Earth, please swallow me! Now na!
Teka, bakit nakayakap na halos sa akin ang damuhong ito?
“Take your hands off of me! Di ka lang antipatiko ano? May pagka-manyakis ka pa!” sabi ko
At mabilis akong nglakad palayo sa kanya. Hindi ko na hinintay na mkasagot pa damuhong yun! Grrrrrr! Antipatikong yun!
Nagpupuyos ang kalooban kong bumalik sa mesa namin. Pinilit ko nalang huwag pansinin mokong na iyon.
Inenjoy ko ang gabi. Mabilis ang oras. Kung ano-ano lang napagkuwentuhan namin. Maya-maya pa’y, nag-aya na akong umuwi. Ayaw ko kasing mag-alala sa akin si Mama.
Saktong 12:00am ng maihatid nila ako sa bahay. Diretso agad ako sa kuwarto.
Nadaanan kong room ni Mama, sinilip ko, mahimbing na tulog nya. Pagpasok ko sa kuwarto, dumiretso agad ako sa banyo para maligo ng katawan at mag-toothbrush.
Nagbihis at pagal na ibinagsak ang katawan sa kama.
“hayssstttt…” ipinikit ko mga mata ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Mr. Antipatiko.. Sayang….
Nasa kanya na sana katangian na hinahanap ko sa lalaki eh. Kaso nga lang ang pangit ng ugali ng bwisit!
Guwapo pa nman nya.. Kamukha pa nman nya papa Michael ko..
Teka, bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras lalaking iyon? Kailangan ko ng matulog. Maaga pa ako gigising bukas. Magiging loyal na lang ako sa papa Scofield ko.
“Good night Scofield…”
----------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/5216155-288-k98885.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession of Love (former Boss Andrew)
Romansa"Mahal Kita, mahal mo siya, pero Mahal niya'y iba." HIndi ba maaaring tayo na lang? Alamin natin kung pwede na nga ba. Samahan natin sina Annabelle, Andrew at Jake. :-)