Part 8 (The Interview -1)

1.3K 17 0
                                    

Part 8 (The Interview -1)

Naalimpungatan ako sa nakakagutom na amoy na iyon. Kahit di ko pa nakikita alam kong special sinangag ni Mama naaamoy ko. Bigla tuloy nagrigodon ang tiyan ko sa gutom.

Which reminds me, hindi pala ako nag-dinner kagabi. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang mga pamilyar na mata na iyon. Mapang-akit. Hayssttt. Guwapo talaga ng Scofield ko.

“Good morning Scofield” nkangiti kong bulong sa kanya (parang baliw lang di ba?)

Napabaling ako sa alarm clock na nasa gilid ng kama ko. 7:45AM.

Kailangan ko ng kumilos. Nag-inat-inat ako ng konti. Dumiretso ako sa banyo at mabilis na naghilamos at nag-toothbrush.

Dali-dali akong bumaba pagkatapos at dumeretso na sa kusina. Inabutan ko si Mama na nagtitimpla ng masarap na kape. Nakahain na rin ang espesyal na sinangag with tuyo at egg. Naglagay na din si Mama ng 2 plato sa mesa.

“Good morning Ma!”

“Good morning…mabuti’t nagising kana hija? Sabay na tayong kumain”

Iniabot niya sa akin ng kape. Humigop ako konti.. sarap ng init….

“Thanks Ma. Ayaw na kita maistorbo kagabi kaya di na kita ginising pagdating ko”

Napatingin sa kanya. Kahit may edad na siya maganda pa rin. Sa kanya ko halos nakuha feature ng mukha ko. Maliban sa height. Namana ko nman mata ko at height kay Papa.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Bakit parang pumapayat siya? Saka hindi ganun kasigla ang katawan niya? May dinaramdam kaya siya?

“Ummm.. Ma, ayos ka lang po ba? Kasi parang medyo maputla ka yata?  

“Uhmm..ayos lang ako. Medyo napupuyat lang ako nitong mga nkaraang araw kaya siguro ganun.”

“Siyangapala,  May tumawag sa iyo kahapon. Edifice ba iyon? Ang sabi, nka-schedule ka daw ng interview mamayang alas-dos ng hapon.”  Nakangiting sabi niya

Na-excite ako bigla! Yes! Sabi ko na nga ba at ico-consider ng mga yun application ko eh.

“Talaga Ma?! Pag-uwi ko Ma, may trabaho na ako.” Masayang sabi ko

Nginitian lang ako ni Mama.

Kailangang maipasa ko ang interview mamaya. Para naman matulungan ko na si Mama sa mga gastusin dito sa bahay kahit papano. Alam ko, hirap na siya sa gastusin naming.

Accountant si Mama sa isang maliit na kumpanya sa Pasig. Di kalakihan ang sahod. Tama lang para makaraos kami sa araw-araw.

 Yun ang pinang-suporta nya sa akin para makatapos ako ng pag-aaral. Tapos, medyo nakatulong din yung pagiging half-scholar ko sa school. Kahit papaano, bawas sa tuition.

Sabi ni Mama, Baby pa  ako ng mamatay si Papa. Kaya mag-isa na lang si Mama na bumuhay sa akin. DI ko sinasabing mahirap kami, pero di kami mayaman.

 Hanga ako sa determinasyon nya bilang isang babae. Hindi ko man naranasan na magkaroon ng kumpletong pamilya, Masaya at kuntento na rin ako sa buhay ko.

May mapagmahal na ina, masayahing barkada at may guwapo at mabait na bestfriend! Teka, speaking of Jake…musta na kaya ang mokong na iyon? Mabisita nga!.

“Mauna na ako sa iyo anak. Kailangan kong pumasok ng maaga sa opisina” putol ni Mama sa aking pagmumuni-muni. Di ko  pala nmalayan tapos na sya kumain.

“Sige ma.. ingat po kayo. Lilipat din po ako sa kabilang bahay mayang konti.”

Binilisan ko pagkain at naligo agad ako pagkatapos. Nagbihis ako as usual, jeans, loose t-shirt at yung favorite kong malambot na converse shoes. 

Ng-blow dry ako ng buhok at mabilis ng lumabas ng bahay pagkatapos.

“Good morning Belle!” bati sa akin ng mga guwardiya ng Village

“Good morning!”

Magiliw akong ngumiti sa kanila at diretso na ako sa bahay nila Jake. Nag-doorbell ako at mabilis nman akong pinagbuksan ni Manang Selya. Ang matapat na kasambahay nila Jake.

Sa bungad pa lang ng bahay nila makikita mo na ang karangyaan ng pamilya. Mamahaling muwebles at appliances, paintings at kung ano-ano pa. Naabutan ko sa sala Mommy at daddy niya.

“Hi tito Nick! Morning tita!” bati ko sa kanila

“Good morning Anna!” sabay na tugon nila

“Buti pumunta ka dito. Tanghali na at di pa gumigising si Jake. Akyatin mo na sa taas ang batang yun” nailing na sabi ng mommy nya

 Mabilis akong tumalima para puntahan sa kuwarto si Jake. Lima ang kuwarto nila sa taas at sa bandang dulo ng pasilyo ang kuwarto niya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at maingat na lumapit sa himbing na himbing na Jake. Sinundot-sundot ko ilong nya gamit ang isang binilot na papel.

Pinipigilan kong tumawa. Maya-maya pa’y bigla nyang hinawakan kamay ko at hinila ako ng malakas dahilan para bumagsak ako sa ibabaw nya!

 Walang sabi-sabi akong kiniliti sa tagiliran ng walang humpay. Di ko alam kung pano ko sasalagin mga kamay nya.!

“Jake!! Ano ba! Hahaha!”

“ito ang bagay sa iyo para di mo na ulitin ginawa mo kanina!!”

“hahaha! Jake! Oh my gosh! Sorry na! di ko na uulitin!” di na ako makahinga sa kakatawa

Tumigil nman na sya kaagad at tumitig sa akin. Medyo naasiwa ako ng konti.

At maya-maya’y nanlaki mga mata ko na nkatitig sa kanya. Napapitlag ako at mabilis na umalis sa ibabaw nya. Pulang-pula ako sa hiya.

“Yucckksssss! Is that your---------?! Ano ba yung matigas na  yun?!” nanlalaking matang sita ko sa kanya.

“Sorry naman best! Normal sa umaga yan noh!” Sabi nyang nakangisi.

Dun ko lang napansin na nka-boxers lang sya at walang damit pantaas. In fairness, ang ganda ng katawan ng bestfriend ko. At ang abs, Shyeettttt.. pamatay!

“hoy!” sabay bato sa akin ng unan

“Laway mo oh! Tumutulo”! nakatawang sabi nya. Tumayo sya bgla ng hindi man lang ng-abalang takpan ang nakaumbok na pagkalalaki nya.

Naitakip ko ng mabilis ang mga kamay ko sa mata ko.

“Bastos ka best! Magbihis ka na nga!” Sita ko sa kanya

Tatawa-tawa syang pumasok ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag.

Sira ulo talaga itong Jake na to. Mabilis din syang natapos maligo at nkabihis na sya ng lumabas.

Tumawag sya sa intercom para magpahatid ng pagkain kay Manang Selya.

Nagkasundo kasi kaming manood na lang muna ng movie habang nag-aantay ng oras para sa Interview ko.

Nagdesisyon na din si Jake na huwag na lang munang pumasok sa office para masamahan nya ako sa lakad ko.

Ganun ako kalakas sa bestfriend ko. At napaka-swerte ko dahil meron akong Jake sa buhay ko. J

 -----------------------------------------------------------------------------

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon