Part 15

1.3K 29 20
                                    

Part 15 (Annabelle’s POV)

Well, as promised, sinundo ako ni Jake sa office at dumiretso kami sa agad sa Shang Cineplex dito sa may Shangrila Mall para panoorin ang isa sa pinaka-aabangan kong movie. Ang “Man of Steel”. Siguro naman alam niyo na kung bakit gusto kong panoorin ang movie na ito. Ang guwapo kasi ng bida. Si Henry Cavill.

Habang bumibili ng ticket si Jake, pumila na rin ako sa bilihan ng popcorn. Tamang-tamang nabili ko na ang snacks namin ng mamataan kong papalapit na si Jake sa akin. Ngiting-ngiti siyang hinila agad ang kamay ko papasok sa loob ng sinehan. Mukhang mas excited pa sa akin ang mokong na ito ah.

“Hindi ka naman sobrang excited ha best? Eh mukhang mas kikiligin ka pa sa akin sa panonoorin natin eh” natatawang sabi ko sa kanya

Tumingin siya sa akin at kinindatan ako “Excuse me, hindi ako sa movie excited” sabi nitong wagas ang pagkakangiti

Tinaasan ko siya ng kilay “At saan ka naman excited sige nga?” tanong ko sa kanya

“Basta. Huwag ka ng masyadong maraming tanong. Halika na sa loob” sabi niyang sabay akbay sa akin

Hindi ko na lang siya kinulit. After all, as usual libre na naman niya ito sa akin. Mabuti na lang meron akong bestfriend na magpapasaya sa akin pagkatapos ng mahaba at nakakarinding araw ko sa opisina na iyon. Ang dapat ibansag sa Andrew na iyon eh “Boss from hell” Aba eh, saksakan ng sungit eh!

Hmp! Bakit ko ba iniisip ang kumag na iyon? I-eenjoy ko na lang ang panonood ng sine. Nakahanap naman kaagad ng mauupuan si Jake. At tamang-tama ang dating namin, mag-uumpisa pa lang ang palabas. Umupo si Jake sa tabi ko at kaagad umakbay sa balikat ko at medyo hinila ako papalapit sa side niya. Feelingero rin ang isang ito eh nho? Mag-dyowa ang Peg? Pero sanay naman na ako kay Jake. Sweet lang talaga siya. Lagi nga kaming napag-kakamalang mag-boyfriend eh.

Maya-maya pa’y nakatutok na ako sa panonood habang walang tigil ako sa pagsubo ng popcorn. Si Jake naman, walang tigil sa kaka-kalabit sa balikat ko. Tinignan ko siya ng medyo naka-kunot ang noo ko. Ano bang problema ng lalaking ito?

“Jake ano ba?” medyo malakas na boses na sita ko sa kanya

“Ito naman oh. Subuan mo naman ako ng popcorn. Kanina ka pa ngata ng ngata diyan hindi ka man lang namimigay” sabi nitong parang bata lang

“Subuan? Bakit? Wala ka bang kamay?” sabi ko sa kanya

“Ito naman oh…Naglalambing lang eh. Sige na naman” pilit ulit nito

“Jake ano bang-“

“Shhhhhhhhhh….” Sabay-sabay na saway ng mga tao sa likod namin

Napasandal tuloy ako sa upuan at dahan-dahan ini-slide ang katawan ko dahil sa hiya. Sa inis ko, kumuha ako ng isang bugkos na popcorn sa kamay ko at isinubo lahat sa bibig ni Jake. Halos magkanda-ubo-ubo siya sa ginawa ko. Hindi naman na gaanong nangulit si Jake pagkatapos. Alam din kasi niya na gusto ko ang pinapanood ko kaya pinabayaan na lang niya ako.

Paglabas ng sinehan tuwang-tuwa akong humawak sa braso ni Jake. “Thank you sa treat ha? At least, nakita ko na ang pinag-uusapang ka-machohan ng bagong Superman” sabi ko sa kanya

“Sus! Mas maganda pa nga ang katawan ko dun nho” sabi nitong sabay chest out pa siya

Natawa akong hinampas ang dibdib niya. “Oo na. Ikaw na ang Macho.” Sabi ko sabay dinilaan ko siyang parang bata

Natatawa siyang umakbay sa balikat ko at patuloy ang kulitan namin habang papalabas na ng Mall.

Habang nasa biyahe kami, hinalungkat ko ang lalagyan ng CDs ni Jake.

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon