Part 4- Mr. Andrew Velasquez

1.5K 19 1
                                    

Part 4- Mr. Andrew Velasquez

Napapailing ako habang tinatahak ang kalye papuntang Ayala. What a great day to start! I can’t believe that crazy lady.

Huwag lang mag-back out ang ka-meeting kong kliyente dahil pag nag-kataon di ko mapapatawad ang babae na yun.

Hahanapin ko talaga siya kahit saang sulok ng mundo siya nakatira.

And for God sake, she was totally a freak! Siya na nga ang bumangga ng kotse ko, siya pa ang galit!

And to think, kakakuha ko lang ng sasakyan na iyon kahapon. Kapag talaga nagkaroon ako ng pagkakataon at nag-krus ang landas namin ng babaeng yun, sisingilin ko talaga siya sa kahit anong paraan.

Wala lang akong oras para makipag-diskusyon kanina. Kung wala lang akong meeting, yari sa akin ang babae nay un.

“Tsk..tsk..Damn that girl!” Cursing  

Ok. Allow me to introduce myself. I am Andrew Velasquez, Vice President ng Edifice Structural Incorporated. Isa sa pinakasikat na Construction Company sa buong bansa.

Nag-iisang anak ni Don Antonio Velasquez II. Graduated as Suma Cum Laude sa Harvard University, Guwapo (allow me to say that), patunay na kasama ako sa Top 5 ng most good-looking bachelor in the Philippines at dedicated ako pagdating sa trabaho.

I am a very committed person when it comes to business --- because I deemed myself as Professional icon of course at hindi ko hahayaang masira ang reputasyon ko na iyon.

I have the most beautiful girlfriend in the world. Siya lang naman ay isang sikat na artista at commercial model na walang iba kung hindi si Ms. Desiree Del Valle. I have a great and active sex life. Yes. You have read it right.

Girls throw themselves to me, and because I am just a man na may pisikal na pangangailangan minsan pinapatos ko sila. Pero mula ng dumating si Desiree sa buhay ko, pinilit kong magpakatino.

And this coming weekend, I am planning to propose to my beautiful Desiree. Hindi ko siya kayang mawala sa akin at natatakot ako kapag iniisip ko palang na mangyayari yun. That’s why I decided to propose a marriage to her.

I know she will accept it. We love each other, kaya alam kong walang magiging dahilan para hindi niya tanggapin ang proposal ko. Parang napawi ang inis ko sa ideyang yun. Pasalamat talaga yung babaeng yun.

And back to my business…

Ngayon kami magco-close ng deal para sa isang condominium na balak ipatayo ni Mr. Chua- Presidente ng Ayala Land Corp.

Time check: 9:10AM. Late nako ng 10 minutes. Mabilis akong bumaba ng kotse at dire-diretso na akong pumasok sa loob.

“Good morning Mr. Velasquez!” magiliw na bati sa akin ng receptionist.

Tinapunan ko lang sya ng tingin at dire-diretso na ako sa elevator. I mean, what is good in the morning anyway?! Sirang-sira na araw ko.

 And again just because of that freakin’ lady! Pinilig ko ang ulo ko. Pinipilit ko ng iwaksi sa isip ko babaeng yun.

I need to focus. I need to close this deal. Once and for all.

Mabilis ko narating ang 5th floor. Bumungad kaagad sa akin ang Office Clerk na halatang di na mapakali sa pag-aabang sa akin.

“Good morning Sir” bati nya.

“Mr. Chua and his group are already in the Conference Room 15 minutes ago and ------------“

“Yeah.. I’ll be there right away” putol ko sa sasabihin pa nya habang patuloy akong naglalakad patungong conference room.

And for your information pala, dito sa opisina ang tingin nila sa akin ay halimaw. Dahil ako na daw ang pinaka-masungit na boss na nakilala nila.

Yun lang ang naririnig ko sa mga empleyado dito. And so what? I don’t give a damn. Wala rin nman silang magagawa dahil ako ang amo.

So saan na nga ba ulit tayo? Sa meeting…oo…so…

The meeting goes well, if I may say that. I discussed the content of the proposal with them and giving my final words….

Most contractors are in business to make money Mr. Chua. Whether it is commercial, structural or residential. But what I am offering you is different.”

“ No one is likely to stay in business unless he or she also satisfies a consumer need at a competitive price -- the reward of which is profit. “

“And if you close this deal, the profit will be beneficial to both of us. The decision is yours.” Pahayag ko in “business like” manner.

Nagkaroon  muna  ng konting discussion ang grupo nila at maya-maya pa…

“Ok. Mr. Velasquez, the deal is close. Let’s get started” masayang sabi nito.

“I’m glad you accepted my proposal Mr. Chua. I will do my very best for this project” I stated confidently

Nakangiti akong nakipagkamay sa kanya pati na sa grupo nya.

The start of my day may not be good, but at least, it ended up so well. I plastered a wide smile on my face. Again, I did it!.

This will call a celebration!

Usually si Desiree agad tinatawagan ko kapag may naclo-close akong deal. Pero dahil nasa shooting siya, hindi ko siya pwedeng istorbuhin. Yun ang isang rule niya.

So instead, si Mark ang yayayain ko.

Time to celebrate! After all, I deserve a break. Dinampot ko cellphone ko at hinanap sa contact list pangalan ni Mark. Best buddy ko si Mark since college.

Swerte naman na dalawang ring lang ay sumagot nman agad siya at nagkasundo kaming magkita sa isang Bar dito sa Makati. Oh how I love my life! For me, it’s perfect.

----------------------------------------------------------------------------

:-) :-)

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon