Part 10 (The Interview-3)

1.2K 17 1
                                    

Part 10 (The Interview-3)

 

“IKAWWW???!!” pagulat na sabi ko.

OH. MY. GOD. Earth please!!! Lamunin mo na lang ako. NOW na!

Di nakaligtas sa akin ang matatamis pero nakakaloko niyang ngiti. Ahh.. Those little cocky smiles. Bakit ba kaysarap pagmasdan ng mga ngiting iyon?

Pakiwari ko’y huminto mundo ko sa mga simple pero nakakalokong ngiti niya. Di ko maintindihan nararamdaman ko. Shit nman kasi. Bakit ba kasi parang lalo syang gumuguwapo habang tumatagal?

“Do You like what you see?” nang-aasar niyang tanong

Nag-blush ako…pwede bang tumakbo na lang ako palayo?? Hindi ko yata kaya itong kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

“Wala kang pambayad ng renta ng bahay” (bulong ng mala-demonyo kong utak)

“Eh Ano naman ngayon kung palayasin kayo doon?” (sabi naman ng isa)

 

“SHIT! SHUT UP!” (saway ko sa utak ko)

“What?!” pasigaw niyang tanong sakin

Holy cow! Nasabi ko ba yun ng malakas? Wahhhhhhhhh! STUPID, Stupid, Anna!

“Nothing Sir, I mean.. S-small w-world” I said shyly  

“Yeah.. right.. Small world. Masikip talaga ng mundo para sa ating dalawa dahil madalas tayong magkabungguan” sabi niya sa nang-aaasar na tono

Shit. Patay ako. Sisingilin kaya niya ako dun sa nangyari sa BMW niya? Huwag naman sana. Kasi wala akong pambayad. Wahhhhhh! Ano ba itong napasukan ko?

Maya-maya pa ay kinuha nya ang isang folder at binasa nya nasa loob nun. Pasulyap-sulyap sya sa akin na prang nakakaloko. Bwisit talaga ang lalaki na to! Akalain mong siya pa ang magiging Boss ko? Ano po ang kasalanan ko papa lord para ganituhin nyo ako??

“Hmmm…”

“Ms. Anabelle Riva… 24 years old--- single, BSBA graduate...” sabi nito habang binabasa ang hawak nyang papel.

Bigla syang nag-angat ng tingin.

“Anong tinutunganga mo diyan Ms. Riva? Tatayo ka na lang ba diyan? Why don’t you have a seat? Scared cat huh? Honey, don’t you worry. I don’t bite” sarkastikong sabi nito

SUNGIT! Pinaglihi ba ito sa sama ng loob? O di naman kaya sa kunsumisyon? Or baka naman pareho?

Mabilis akong naupo. May pa  honey-honey pa ulol na to! Pero huwag ka, aminin mo ‘te, kinikilig ka!

Biglang nagseryoso mukha nya. Tumayo siya at umikot papunta sa may bandang likuran ko.

“So…., tell me about yourself Ms. Riva?”

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon