Part 17

1.6K 31 22
                                    

                          ----------------------------------------------------

                             Picture of ANNABELLE on the side

                          ----------------------------------------------------

                                           Part 17

                                     ~ANNABELLE~

“Annabelle”

May tumatawag ba sa akin? Nag-inat ako ng konti. Bakit parang ang sikip ng higaan ko at hindi ako masyadong makakilos?

“Annabelle” tawag niya ulit, medyo malakas na ang boses…

Hindi ko pa rin pinansin yung istorbo na tumatawag sa akin. Maya-maya’y nagulat na lang ako ng biglang may humampas na unan sa ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nagmulat ng mata. Hinawakan ko ang parte ng ulo ko kung saan tumama ang unan.

“Ouch” reklamo ko

Napatingin ako sa taong nasa harap ko. Medyo groggy pa ako kaya di ko pa masyadong magmukhaan kung sino man siya.

“Best…hello” untag ni Jake habang titig na titig sa mukha ko

Kaagad kong hinablot ang unan sa kanya at hinampas siya ng malakas sa mukha.

“Ouch naman! Ang sakit nun ah!” sigaw nito

“Requirement ba talaga na hampasin mo ako ng unan?” singhal ko sa kanya

“Eh kasi naman para kang mantika kung matulog. Nakanganga ka pa kababae mong tao.” Pang-asar na sabi nito

“Excuse me noh! Hindi ako ganoon matulog.” Sagot ko sa kanya. Errr---kahiya kaya yung ganun kahit pa best friend ko si Jake

“Anong hindi. Naghihilik ka pa nga eh” pang-asar ulit na sabi ni Jake

“Bawiin mo yang sinabi mo. At isa pa, paano ka nakapasok dito? Ang aga-aga nambubulabog ka.” Sita ko ulit sa kanya

One, hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil talagang para kang BAKA kung humilik, two, ulyanin ka na talaga dahil hindi mo na maalala na binigyan mo ako ng duplicate ng susi niyo” nang-iinis na sabi nito

Binigyan ko ba siya ng duplicate? Ah..Inuubos nito ang pasensiya ko. Tumayo ako sa sofa at pinag-hahampas siya ng unan. Wala siyang magawa kundi umilag at salagin lahat ng tumatama sa kanya.

“Yan, yan ang bagay sa iyo…” gigil na sabi ko

“Ouch! May pagka-freak ka naman”

Hindi ko talaga siya titigilan hanggang sa kahuli-hulihan ng lakas ko. Bwisit na Jake na ito. Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang…

“Aheemm, Excuse me” sabi ng baritonong tinig

Sabay kaming huminto ni Jake at mabilis na bumaling sa may bandang hagdanan. Hayun siya. Gising na si Mr. Antipatiko. Namumula akong napatingin kay Jake, tapos baling ulit ako kay Mr. Antipatiko. Natural ang pagiging guwapo niya ngayon. Holy wow! Medyo wetlook ang dating niya, halatang naghilamos siya or naligo kaya? Parang lalo siyang naging sexy sa paningin ko. Napalulon ako. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko. Anong sasabihin ko?

“Good morning Sir. Gising na po pala kayo” halos pabulong na sabi ko

Hindi nakaligtas sa akin ang biglang paglamukot ng mukha ni Jake. Bumaba siya ng hagdan at alanganing ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon