Part 14 (The Proposal)

1.4K 17 11
                                    

Part 14 (The Proposal)

“Lights, camera, action!” sigaw ng clapper sa set. Nag-umpisa ng mag-roll ang camera at inumpisahan ng kunan ang isang eksena sa bagong pelikula ni Desiree. Ito ang naabutan ko pagdating sa set ng shooting nila Sa Fort Santiago.

Umupo ako sa isang bench sa di kalayuan at tahimik lang na nanood sa shooting. Beautiful is understatement for my Desiree.  Para sa akin, wala ng makakahigit pa sa kanya. Pang-sinaunang panahon ang tema ng pelikula nila kaya siguro nila napiling pagshootingan ang set na ito.

Iginala ko ang aking paningin. Lahat ay busy sa kani-kanilang mga trabaho. Namataan ko rin ang mga grupo ng mga reporter na nag-aabang na makasungkit ng magandang scoop. Sa kabilang side naman, nandoon nakatayo ang dakilang manager ni Desiree.

Pinagmasdan ko siyang mabuti sa di kalayuan. Kung papansinin mo talaga, parang pag-aari niya si Desiree kung umasta. Sa tantiya ko, halos kasing-edad ko lang ang lalake. 28 years old ako at sa tingin ko nasa 30 lang ang edad ni Steve.

Kinapa ko ang velvet box sa bulsa ko. Napangiti ako. Parang hindi na ako makapaghintay. Ilang sandali pa ay natapos na silang kuhanan ang isang eksena. Tapos na kaya sila?

“Great Job Desiree! Pack up na tayo!” sigaw ng sa tingin ko ay ang director

Pagkarinig ko sa sinabi ng Director, agad akong tumayo sa pagkaka-upo at nakangiting naglakad na papunta sa direksyon ni Desiree. Nakalapit naman agad ako. Napalingon siya sa direksyon ko at parang namutla yata pagkakita sa akin. Bakit parang gulat na gulat siya at nandito ako? Kung titignan mo, hindi saya ang rumehistro sa mukha niya, kundi takot at pag-aalala.

Nakita ko pang parang bigla siyang nataranta at akma sanang maglalakad na siya palayo ngunit mabilis siyang hinawakan ni Steve sa kamay. Napakunot ang noo ko. Nakaramdam ako ng selos. Anong nangyayari? Biglang bumangon ang pag-aalala sa akin. Binilisan ko ang lakad ko para puntahan agad siya ngunit naharang ang daanan ko ng mga nag-uunahang reporter na gustong makalapit kay Desiree at Steve.

Habang pinipilit kong makalapit, naulinigan ko pa ang tanong ng isang reporter sa kanilang dalawa.

“Desiree, totoo ba ang bali-balita na officially mag-on na kayo ng manager mo?”  tahasang tanong ng reporter

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Anong pinagsasabi ng reporter na ito? Lumapit ako ng husto. Gusto kong marinig ang isasagot ni Desiree. Alam ko pakana lang nila ito para i-promote ang pelikula nila. Ganun naman lagi ang mga artista kapag may pelikula, kelangang pag-usapan sila.

 Hindi sumasagot si Desiree…nakita kong pinisil siya sa kamay ni Steve kaya gulat itong napatingin sa kanya.

“Ano nga ba yung tanong mo?” sabi nitong halatang pilit ang pagkakangiti sa reporter na ngtatanong

“Totoo ba ang bali-balita na kayo na ni Mr. Steve? At ang naririnig ko baka magpakasal na kayo sooner?” ulit na tanong ng reporter

Napapitlag ako sa narinig ko. Hindi ito maaari. Gimik lang ito ni Desiree! Halos sumabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

“Hmmm…Well, YES.  Tama ka. Kami na nga ni Steve” sabi nitong sabay lingon kay Steve at ngumiti ng pagka-tamis tamis

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. Nakita ko siyang pinipigalan niyang sumulyap sa direksyon ko. Anong nangyayari sa babaeng ito? Anong kalokohan ang pinagsasabi niya?

Maya-maya’y nagtanong ulit ang isa na naman reporter. “Mr. Steve, kailan niyo planong magpakasal niyan? May exact date na ba?”

Nakita kong tinignan ako ng parang nakakaloko ni Steve atsaka siya sumagot “Pinag-uusapan pa naming ni Desiree ang detalye tungkol diyan. Kaya no comment muna” sabi nitong proud na proud sa sarili

Hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko kaya sinugod ko sila at binigwasan ko kaagad ng suntok ang pagmumukha ni Steve. Nagulantang silang lahat lalo na ang mga reporter. Napatili si Desiree. Yun ang malaking pagkakamali na ginawa ko. Dahil lalo silang nagkaroon ng magandang scoop sa ginawa ko. At kinaladkad ko lang ang pangalan ko sa kahihiyan. But I don’t give a damn anymore! The hell I care!

“You freaking asshole! Who do you think you are?!” galit na sigaw ko sa kanya

“Ano bang problema mo pare? At saka sino ka ba?” angil nito sa akin habang pinupunasan ang dugo na umaagos sa bibig niya

Hindi lang magaling na manager ang gagong ito! Magaling ding umarte. Alam naman niya na boyfriend ako ni Desiree.

“Alam mong ako ang boyfriend ng babaeng sinasabi mong gusto mong pakasalan!” singhal ko sa kanya sabay sugod ulit sa kanya para bigwasan ulit siya ng isang malakas na suntok. Ngunit sa pagkakataong ito, nahawakan na ako ng mga guwardiya sa set.

“Sir, huwag po kayong mag-eskandalo dito” pigil ng isang guwardiya sa akin

Nagpupumiglas akong galit na galit na binalingan si Desiree “Bawiin mo ang mga sinabi mo Desiree. Sabihin mo sa kanilang nagbibiro ka lang…please” halos may halong pakiusap na sabi ko sa kanya

Tumitig muna siya sa akin saglit.. Nakita ko ang sakit at pag-aalala sa mga mata niya pero kaagad din yung napalitan ng blankong ekspresyon. Huminga siya ng malalim at muli niyang hinawakan ang kamay ni Steve.

“I’m sorry Andrew pero totoo lahat ang narinig mo. Pasensiya ka na kung umasa ka, pero si Steve talaga ang Mahal ko” seryosong sabi nito na hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa akin

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Ang sakit-sakit. Niloko lang ako ng babaeng kulang na lang ay sambahin ko.

Lalong nagpiyesta ang mga reporter. Nasa akin na ngayon ang lahat ng atensyon nila. Tinitigan ko ng matalim si Steve na ngayon ay nakatingin sa akin ng nakaka-insulto.

“So all the while you’re just playing and using me?” mapait na sabi ko kay Desiree

“I’m sorry Andrew..Really”

Yun lang ang sabi niya at agad na siyang tumalikod papunta sa Van nila. Naiwan akong parang tanga na hindi makapaniwala sa nangyayari. Ginago lang ako ni Desiree. Hindi ko matanggap na pinaglaruan lang niya ako.

Nilapitan ako ng mga reporter at pinagkaguluhan. Pero ni isa sa mga kanila hindi ko binigyan ng pansin. Parang biglang namanhid ang buo kong pagkatao.

  -------------------------------------------------------

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon