Part 13 (The Sexy Hot Beast-On Annabelle’s POV)
Bwisit! Bwisit! As in Bwisit talaga ang kumag na iyon! Nagpupuyos ang kalooban ko na lumabas ng opisina niya. Pagbukas ko ng pinto---------
“Oooppppppssss!” sabay-sabay na sabi nila
Napahinto ako at napatingin sa kanilang lahat. Seriously? Nakikinig silang lahat habang niraratrat ako ng sermon ng guwapo pero saksakan na sungit ko na Boss?
Ilang segundo lang naman at mabilis silang nagsibalikan sa mga pwesto nila. Nilingon ko ng konti ang kumag sa likod ko, ahhh…kaya naman pala sila nagtakbuhan. Wagas kung makatitig ang Big Boss.
Nakasimangot at nagmamadali akong naglakad para hanapin ang pwesto ko pero napahinto rin kaagad. Nilingon ko ang mga bago kong ka-opisina na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Bumuntung-hininga ko at--------
“Sino si Janice sa inyo?” sabi kong sabay inisa-isa ko silang tinitigan
Tumayo ang isang parang may pagka-weird na babae at nag-wave ng kamay niya sa akin. Maganda rin ito pero parang masyadong moderna ang dating. Sa kilos at sa style ng pananamit. Duh? Office ito, hindi bar? Pero mukha naman siyang mabait at sa tingin ko magkakasundo kami nito.
“Present…at your service dearie” malanding sabi niya sa akin
Napangiti ako ng alanganin at agad lumapit sa kanya.
“Hi..I’m Anna” sabi kong sabay abot ng kamay ko sa kanya
Agad naman niya itong inabot at nakipagkamay sa akin. Nagpakilala siya ulit sa akin at inisa-isa niya ring pinakilala ang iba pang magiging mga ka-opisina ko. Sana lang matandaan ko lahat ang pangalan nila?
Sympre bukod kay Jay na agad kong nakilala dahil siya ang unang nagpakilala sa akin dati nung interview ko pa lang. Hindi bale masasanay din ako at makilala ko rin sila pag nagtagal. Well, sana lang magtagal ako dito. Imbiyerna.
“And last but not the least…Si Blake, siya ang planning supervisor” pagtatapos ni Janice
Ngumiti ako sa kanilang lahat at---- “Nice to meet you all…as you can see ako ang bagong sekretarya ng famous niyong boss” sabi ko sabay harap ulit kay Janice
“So, if it’s fine with you, baka pwede na tayong mag-umpisa sa briefing para makapag-trabaho na rin ako. Kasi mahirap na eh. Baka mamaya mapuna na naman ako ng Boss natin na guwapo nga eh saksakan naman ng sungit na akala mo eh ipinaglihi sa kunsumisyon” dire-diretso na sabi ko
Nakita ko na medyo nanlaki ang mga mata ni Janice sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy pa din ako sa litanya ko.
“At hindi lang sa kunsumisyon ha? Baka pati sa sama ng loob! At---- (hindi pa rin ako tapos) nung time yata na nagsabog ang diyos ng kabaitan eh nanghihilik siya kaya hindi sya nakasalo kahit konti. Sayang guwapo pa naman at sexy. Kaso mo Sexy hot beast!” pagtatapos ko
Lalong lumaki mga mata ni Janice…Nang tignan ko silang lahat, lahat sila nakangangang nakatitig sa akin na parang nasiraan na ako ng bait at sabay-sabay na lumingon sa direksyon sa bandang likuran ko. Oh hell no! Don’t tell me??? Shit!
Dahan-dahan akong lumingon sa bandang likuran ko. Ayun siya. Titig na titig sa akin at nanlilisik mga mata sa galit. Patay ako!
“Ahemm… S-sir, kanina pa ba kayo diyan?” nag-aalangan kong tanong
Lalong kumunot ang guwapo niyang mukha.
“Ako? Not really Ms. Riva. Yung sinabi mong pinaglihi ako sa kunsumisyon? Hindi ko narinig iyon. At hindi ko rin narinig na sinabi mong guwapo ako at sexy pero beast nga lang. Ano nga ba yung term mo? Sexy Hot Beast” sabi nitong na itinaas pa ang mga daliri sa ere at nag- quote & quote style
Holy Shit! Pulang-pula ako sa hiya. Ang dami ko ng atraso sa lalake na ito. Naumid ang dila ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang bunganga ko?
“Thanks for the compliment Ms. Riva. Pero hindi allowed sa opisina ko ang nagtsi-tsimisan kapag oras ng trabaho!” sabi nitong sabay hakbang palapit sa akin. Agad naman akong napaatras.
“sexy hot beast” huh?” medyo pabulong na sabi nito
Agad din siyang lumayo at tinignan kaming lahat.
“Get back to work!” sabi nito at agad ng naglakad papalayo sa aming lahat. Sinundan lang namin siya lahat ng tingin.
Nang sigurado na kami na wala na talaga siya, nagtinginan kaming lahat at malakas na nagtawanan.
“His face!! Nakita niyo ba yun?” tawang-tawang sabi ni Jay
“Oh My God Annabelle, that was priceless! Wala pang nakakagawa sa kanya ng ganun. Ikaw pa lang dearie” sabi naman ni Janice na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa
Natatawa at naiiling akong napa-upo sa upuan ko. Oh. My. God. Umpisa pa lang ito ng kalbaryo ko.
-------------------------------------------------------------------------------------
Hey guys!!! Just wanna say hello! J
It’s me,
Analyn
BINABASA MO ANG
Confession of Love (former Boss Andrew)
Romance"Mahal Kita, mahal mo siya, pero Mahal niya'y iba." HIndi ba maaaring tayo na lang? Alamin natin kung pwede na nga ba. Samahan natin sina Annabelle, Andrew at Jake. :-)