Part 3 - Jake

1.5K 25 5
                                    

                           -------------------------------------------------------

                                     Picture of JAKE on the side

                          --------------------------------------------------------

                                        Part 3

                              ~Jake Sandoval~

 “BWAHAHA! Huh! Grabe! Ang sakit na ng tyan ko! I can’t help it Best!” “hahaha!”

Halos maulol na sa kakatawa ang lokong ito.

Tinapunan ko ng “Seriously-Jake look”. Tulo na luha ng damuhong laleking ito sa kakatawa sakin.

Halos kalahating oras na yata naming tinatahak ang daan pauwi ng bahay eh di parin matapos tapos kakatawa. Happiness much??!

“Aren’t you done making fun of me Jake?” nkapamaywang kong sita sa kanya. Para ng kamatis ang mukha ko sa sobrang pula. Nakakapikon na kasi. Imbiyerna to!

“Eh sino nman kasi ang di matatawa dun sa eksenang ginawa mo Best?” kahit nga mga passers by di mapigilan di huminto para panoorin ka.” Sabi nito sa pagitan ng mga tawa nya.

Well, Oo nga naman. Sino nga nman kasi ang hindi matatawa dun sa ginawa ko kanina? Letsugas kasi yung pulis na yun eh! Kakahiya pinagawa nya sakin! IMBA ang bwisit! Ganito kasi yun…

“Ah.. Mr. Velasquez, malinaw nman na itong babae na ito ang may kasalanan. Magfi-file po ba kayo ng charge?”

Matiim ako tinitigan ni Mr. Antipatiko. From head to foot. Oh God please, wag pong malaki, wala akong pambayad sa BMW mo..please..please.. usal ko..Bigla syang ngsalita. Shomai na mainit! Bedroom voice ang peg!

“It’s ok Officer. I won’t file any charges. That’s a total waste of time. Besides, I’ve got an important meeting to catch up. Medyo delay na rin ako because of this mess.” Sighing…

Napangiti ako ng maluwag. Hmm.. mabait nman pala si Mr. Antipatiko ng….

“But-------…” pagpapatuloy nito

“Make sure to give her a remarkable lesson.” Sabay titig nya sa akin ng matiim.

“Sure Mr. Velasquez. May nkahanda na kong ipapapagawa sa kanya” nakakalokong ngisi ng pulis

Yun lang. Mabilis ng sumakay sa kotse si Scofield, este si Mr. Antipatiko at pinaharurot na nya palayo

Laglag panga ko. Oh Lord! This will gonna be a long shitty day!

 “Miss.. since wala kang lisensya at di nman pala sayo ang kotse na to. Pumasok ka pa sa ONE-WAY which resulted into damage of property, meaning patong-patong na atraso mo. So mabuti pa siguro umpisahan mo na.”

“Alin ang uumpisahan ko?” taka kong tanong sa kanya.

“Nakikita mo yang perwisyong ginawa mo na yan?” nakanguso sya sa buhul-buhul na traffic at mga nanggagalaiting driver na na-trap na dahil sa nangyari kanina.

“Ayusin mo yan. Ikaw ang mag-traffic dyan.” Utos nito.

“Eh yun lang nman pala Boss eh. Madali lang yan.” Pagmamayabang kong sabi.

“Gawin mo yan ng sumasayaw sabay ng tugtug ng “Chiquitita.” (san galing yung Chiquitita?)wahhhhhhhhh!

“Whattt?!! Are you freaking serious??!” NO way! With a capital N and O. NO! sabi ko.

“Mamili ka miss, mag-ta-traffic ka ng sumasayaw or 1 gabi kang hihimas ng malamig na rehas?” banta nito.

So, that’s it! Yun ang ngyari! Nag ala “dancing traffic enforcer” ako. Which is yun din ang inabutan na eksena ng damuhong Jake no ito!

Dapat kasi di ko muna sya tinawagan. Malay ko ba kasi na ganun ang ipapagawa sa akin? Leeccccch!! Kasalanan din kasi ito ni Mr. Antipatiko. Teka, Ano kaya pangalan nya?

In fairness, dahil sa kanya natupad ang halos kalahati na ng pangarap ko. Ang Makita ng personal si Scofield. Ang weird! May kamukha pala idol ko in real life! Sobrang laki talaga ng resemblance nilang dalawa.

“Hoy best!!” singhal skin ni Jake.

 “Tigilan mo na nga yang pangangarap mo ng gising at andito na tayo sa inyo.”

Yeah right. I’m down to my own thoughts again. Di ko nmalayan na nakarating na pala kami?

“Thanks sa ride Best. Kahit buong byahe moko pinagtawanan.”

“huwag kang mag-thank you dahil alam kong marami pang kasunod ito”. Sabi nito ng nakangisi.

“Ok fine! Bye best!”

Napangiti ako habang nkatingin sa papalayong sasakyan. I am so lucky having Jake as my bestfriend. Nagtataka lang ako mula ng maging bestfriend ko sya ay wala pa akong nakitang niligawan nya or di-nate man lang. Guwapo nman talaga si Jake. Marami nga kandarapa sa kanya nung college kami. Pero kahit isa sa mga babaeng yun wala syang pinatulan.

Nagkibit balikat nalang ako sa isiping iyon at diretso ng pumasok sa loob ng bahay.

-------------------------------------------------------------------------

Hey guys! please do vote and comment. Thanks!

Confession of Love (former Boss Andrew)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon