#4

1.1K 69 68
                                    

IV.


-Xyla-


"Alam mo, mas mabuting magliwaliw ka kesa magmukmok dito sa condo mo! Ang feeling mo ha! 'Di porket sikat ka eh 'di ka na papasok. 'Pag 'to nalaman ng manager mo na ginagawa mong dahilan ang pagsasayaw para 'di ka makapasok, naku! Good luck sayo!" Litanya ni Thea pero 'di ko sya pinansin saka nangalumbaba lang.


"'Di bagay sayo ang magsenti! Psh! Pakinggan mo na lang ang kanta ko para sa 'yo! Ahem mic te----"


"Thea, Tu. Ma. Hi. Mik. Ka! 'Pag ako 'di nakapagpigil, kukutusan kita!" Singhal ko sa kanya.


"Che! Ahem! Mic test! ~Kung ikaw ay may mahal, tumawa ka. Hahaha. Kung ikaw ay may mahal tumawa ka. Hahaha. Kung ikaw ay mahal, puso mo ay sisigla. Kung ikaw ay may mahal, MAHAL KA BA?! HAHAHA!~" Sabi nya saka humagalpak nang tawa. Pinagbabato ko naman sya ng stuff toys ko.


"Jongina, punyemas, leche! Buwiset! Na sayo na ang lahat ng mga 'yan!" Inis kong sabi saka umirap. Panira 'to ng pagsesenti.


"Asus! Iire mo lang 'yan para mawala." Tugon nya habang lumalamon ng mga pagkain ko sa ref. Bwiset na nga, ang baboy pa! O 'di ba? Ang swerte ko?!


"'Nong tingin mo sa feelings ko, TAE?!" Sigaw ko sa kanya. Nabilaukan naman tuloy sya.


"Bakit, TAE lang ba ang naiire?!" Sigaw rin nya pabalik.


"Ewan ko sayo! Makalunok ka sana ng nuclear bomb! Tss. Makaalis na nga." Tugon ko saka tumayo mula sa kama ko.


"U-uyy! Sa'n ka pupunta?"


"Sa school. Liligawan si V." Diretso kong sabi at nabilaukan na naman sya. Whooo gora! Pakamatay ka na! Makakapag-kape pa ako.


"AS IN?!?! Totoo?! Trulaley?! Walang halong biro?! Baka kasali na 'to sa episodes ng Just For Laughs!" Nanlalaki ang mata nya habang nakatingin sa 'kin.


"Psh. I'll be courting the wrong guy and that's final." Cold kong sagot. 'Di ko pa rin talaga lubos maisip na alam pala ni Jungkook na sya ang tinutukoy ko pero nagbulag-bulagan lang sya.


"Wrong guy?! Holy mother of stupidity! HE. IS. THE. RIGHT. GUY. FOR. YOU!" Sabi nya habang ini-emphasize ang bawat salita.


"Ewan ko sayo! Hoy! Dapat pagbalik ko eh puno na ng pagkain ang ref ko! Palitan mo 'yong pinapak mo!" Sigaw ko saka lumabas mula sa condo unit ko. It's time to court him.


***


"Hello guys!!" Sigaw ko nang makarating ako sa Dancing Room sa bahay nila. Nagulat naman sila sa biglaang pagdating ko.


"Xyla?!" Sigaw ni V nang makita ako saka tumakbo palapit sa 'kin. Naks! Patay na patay 'ata sa 'kin ang lalaking 'to?

Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon