#5

703 36 33
                                    

A/N: Pakibasa na lang ulit nung last chapter kung nakalimutan niyo na. Kamsa


-Xyla-


NGANGA. 'Yan ang current position ng bibig namin. Lahat kami eh nabigla sa sinabi nya.


"B-bakit naman? 'W-wag mong sabihin na gusto mo si Xyla?!?!" Gulat pero seryosong tanong ni V. Bigla namang humagalpak ng tawa si Jungkook sabay palo pa sa sahig. Tawang-tawa sya 'no?


"BWAHAHAHA!! Pfft. 'Di ako papayag hanggat 'di mo kami nililibre!" Napansin ko namang nakahinga nang maluwag ang iba pero si V, seryoso pa rin.


"Ghaaad! Don't tell me 'di mo pa nalilibre ang mga 'to?! Ang kuripot mo talaga alien!" Sabi ko na lang para mag-lighten up ang atmosphere. Dinibdib 'ata ni V ang kalokohan ni hudas.


"Tama ka! 'Di pa 'yan nanlilibre kahit once man lang! Ang damot masyado!" Sabi ni RapMon saka dinuro si V.


"Pinag-iipunan ko kasi ang pang-date namin ng future girlfriend ko! Lalo na't malapit na akong magkaroon nun." Baling nya sa 'kin saka ako kinindatan.


"Umamin ka nga sa 'kin V. May problema ba 'yang mata mo?" Tanong ko sabay pameywang.


"Naging active 'ata ang kalandian ng mata nya kaya 'ayan! Kindat nang kindat. Tingnan nyo o, nagssparkle na ang mata niya." Sagot ni Suga.


"Buti pa ako mata ang nagssparkle, ikaw gilagid! Katol pa more Suga!" Singhal ni V kaya nagtawanan naman kami.


"Sige guys. May pupuntahan muna ako." Tumayo si Jungkook saka naglakad papunta sa pinto. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Napansin ko namang lumungkot bigla ang mukha nina Sabrina.


Pagkaalis nya, napabuntong-hininga sila maliban kay V na naiiling at ako na nalilito.


"OA nyo ha! Para naman kayong iniwan nung tao eh may pupuntahan nga raw sya!" Sabi ko sa kanila pero ngumisi lang si RapMon nang mapakla.


"Saan, sa bar?" (Suga)


"Kasama ang mga prosti?" (Sabrina)


"Habang umiinom ng maraming bote ng alak?" (Jin)


"At nagpapakalunod sa pag-ibig problems nya?" (J-Hope)


Nagulat naman ako sa sinabi nila. Si Jungkook? Naglalasing kasama ang mga prosti sa bar?!


"Teka! Sa'n ka p-pupunta?" Tanong ni V nang tumayo ako bigla.


"Susundan sya." Malamig kong sabi. 'Di pwede ang ganito. Ba't ba nila hinahayaan na lang ang hudas na 'yon na maglasing na lang?!


Lumabas ako mula sa bahay nila pero bago ko pa malagpasan ang gate nila, biglang tinawag ni Sabrina ang pangalan ko.


Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon