-Xyla-
"Narinig nyo? Ha? Narinig nyo? Psh. I told you mas mananaig ang VXy over XyKook!" Pagmamayabang ni Kailly. Andito ako sa labas ng practice room at rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi napansin na andun pala si Sabrina no'ng time na nag-uusap kami ni Jungkook kaya 'di ko rin namalayan na nirerecord na pala niya ang mga boses namin.
Atsaka anong XyKook? Seriously? Sinong shunga ang magshiship niyan? Makapasok na nga lang.
"Hoy! Anong chismis na naman 'yan?" Bati ko at lahat sila eh napalingon sa gawi ko.
"Xyla!! Oy kayo ha! Umiimprove na kayo ng alien na 'yon!" Nginitian ko si Karen saka inilapag ang sling bag ko.
"Nga pala, Saturday ngayon ah. 'Nong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Candy. Every Saturday kasi, walang klase ang lahat ng students. One of the good policies of LU.
"Well....sabihin nyo muna kung asan si V?"
"Naks!! Can't last a day without him?" Tukso ni J-Hope.
"At ba't sa 'min mo sya hinahanap? Hello, girlfriend ka po nung tao?" Kung alam nyo lang, suitor ako ulit nung alien na 'yon.
"'Di ko sya ma-contact eh." Sagot ko and they gave me that miss-mo-na-sya-no look. Sarap sabihing 'medyo'.
"Eh 'di ba kasama lang natin sya kanina?" Napatingin kami kay RapMon saka nagkibit-balikat. Sasagot pa sana uli sila nang pumasok si Jimin.
"Hoy pandak! Nakita mo ba si V?" Tanong ni Suga kay Jimin na ngayon ay ipinagmamayabang ang abs niya na wala namang panlaban sa tiyan ni V. 'Wag kayo kasi kahit a big stomach lang ang meron kay Bee (ahem!), 'di ko pagnanasaan si Jimin.
"Andun sa hallway ng college nila. Nagyayabang na naman." Agad naman kaming sumugod papunta dun at nadatnan namin si V na nakikipag-usap sa ilang kalalakihan.
"Wala kayo sa 'kin! Kilala niyo si Xyla Peach Montero, ang aking honey? Dancing Queen 'yon ng Asia at mahal ako no'n!" Aniya saka nag-slap dance.
"So, kinikilig ka pare?" Ano ba naman 'tong si kuya. Wala sa tono ang tanong.
"Oo naman!" Tugon ni V saka umaktong nangingisay sa kilig habang nakangiti. Napangiti na lang tuloy ako.
"Ahem! Magagalit ka ba dahil mayabang siya kung alam mo namang ikaw ang ipinagyayabang niya?" Bulong ni Beth sa 'kin.
"Hindi. Actually, mahilig ako sa mayayabang na alien."
***
"Talaga?! As in?! Walang halong shatol?!" Sunud-sunod nilang tanong. Tumango naman ako at kasabay no'n ang hiyawan nila.
"Waaaah!!! Welcome back Xyla!" Niyakap ako ni Beth at syempre nakiyakap na rin ang iba. Group hug kumbaga.
BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
Fanfic"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...