#8

699 33 30
                                    

-Xyla-


"Eeeehhh!! Honey nga kasi ang tawag ko sayo!!" Pagmamaktol ng alien na 'to sabay todo pa sa pagpa-pout. Nakatingin lang sina RapMon sa kanya na may you're-so-corny-dude na expression.


"V, hindi ako bubuyog o------"


"Ako nga kasi ang bubuyog MO at ikaw ang honey KO!!" Pagmamatigas nya. Nabilaukan naman si Jin kaya inabutan ko sya ng tubig.


"Utang na loob, V. Respeto lang sa mga pagkain sa harap natin." Seryosong sabi ni Suga. Nagla-lunch kami ngayon at good news kasi nagluto na ulit si Jin. Hotdog nga lang.


"Dear God, bless the food we eat and kill the bee I see. Amen." Bulong ni Sabrina kaya napatingin kami sa kanya. Nakapikit pa sya habang nakadaop ang mga palad nya. #imsodeep


"Pfft. Bubuyog pa more!" Sigaw ni Suga saka tinapunan ng lettuce si V. At nagsimula na naman silang magbatuhan ng pagkain. Tsk tsk.


"Hoy! 'Wag nga kayong magtapon ng pagkain! 'Di to napupulot kung saan saan lang!" Sinalo pa talaga ni Jin ang mga lettuce at pizza na nagliliparan na.


"Alam namin! Kelan ka pa nakakita ng buo pang Greenwich pizza sa kalye?!" Sagot ni RapMon.


"'Yon na nga eh! 'Di madaling maghanap ng pagkain! Kaya 'pag 'di kayo tumigil, sa kalye kayo maghahanap ng pagkain nyo!!" Namumulang sigaw ni Jin.


"Naman eh! Wala ngang mahahanap na pagkain sa kalye 'di ba?! Nilaklakan mo na ba ng Magic Sarap ang utak mo?!" Inis na tugon ni V. Siniko ko naman sya kasi masyadong sensitive para kay Jin ang topic tungkol sa Magic Sarap nya.


"Mga bwiset! Alam nyo 'yong nasa harap tayo ng hapag-kainan tapos ang iingay nyo?! Gusto nyo bang makatikim ng-------"


'Di na naituloy ni Sabrina ang sasabihin nya kasi biglang tumayo si Suga.


"Ng blueberry cheesecake na may kasamang Pepsi at------"


"Chicken salad with tacos at-----" (Jimin)


"AT RED SHINING CHEESY GUMS WITH FRIED ABS IN CREAMY CONDENSADA!! O ano?! Sasabat pa kayo?!?!" Sigaw ni Sabrina. Natahimik naman kami.


"Sh*t. Nasusuka ako sa sinabi nya." Rinig kong bulong ni Beth. Cheesy gums?! Pwede ba!


"Wala namang ganyanan! Ang hirap kayang magkaroon ng abs." Nakapout na tugon ni Jimin. Ang sarap nyang kurutin at ng abs nya.


"Mahirap rin madagdagan ang height." Sabat ni Karen. Nagpoker face lang si Jimin.


"Ahem!! Wait lang guys. May sasabihin lang ako!" Nakangiting sabi ni J-Hope.


"Oo na. Alam na naming domestic horse ka. 'Di mo na kailangang ipagsigawan." Nakangisi kong sabi. Tumawa naman bigla nang sobrang lakas si V.

Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon