-Xyla-
Isang linggo na ang nakalipas simula nang ligawan ko ulit si V. And to be very very honest, gustong-gusto ko na siyang ibalik sa planetang pinanggalingan nya. Putspa naman kasi 'yang kakulitan nya!
"Uy Xyla! 'Kala ko ba may date kayo ngayon ni V?" Tanong sa 'kin ni Thea pero sumimangot lang ako. 'Yong alien na 'yon kaya ang nagsabing mag-lunch date kami at syempre, kaninong treat? Aba, sino nga ba ang dakilang Dancing Queen na nililigawan ang asungot na Dancing King?
"Ewan ko dun sa alien na 'yon!" Sagot ko sabay sipsip ng Frappe ko. Andito kami ngayon sa canteen syempre para kumain. Kaninang umaga lang nag-text ang V na 'yon na may date raw kami. 'Di ba ako 'tong nanliligaw so dapat ako ang magde-decide kung kelan kami lalabas? Ayos rin siya ah!
"Hi girls!" Bati ni J-Hope na kararating lang. Kasama niya si Karen na halatang naiinis.
"'No namang ginawa mo kay Karen?" Baling ko kay J-Hope. Nagkibit-balikat lang siya saka sinulyapan si Karen na umirap lang.
"Ahem, LQ 'ata." Bulong sa 'kin ni Thea. Mukha ngang gano'n.
"What's your problem, Karen? Is it your face again?" Pagra-rap ni J-Hope saka tumawa nang malakas. Shunga ng kabayo na 'to. Kita na ngang pikon si Karen.
"Wassup, J-Hope! Is it a face or a poop? Tss, tang*nang kabayo! Leshe!" Singhal ni Karen sabay tapon nung tissue sa mukha ni J-Hope.
"Pfft. Basag!" Naghagikhikan kami ni Thea at siya namang pagdating ni Jimin.
"Himala ata't 'di mo nilalako 'yang abs mo." Ngisi ko kaya ngumisi rin sya.
"'Di ko kaya nilalako. Sadyang mainit lang..." Unti-unti niyang itinataas ang t-shirt niya kaya unti-unti ring nanlalaki ang mata ni Thea. Ako, well poker face lang kahit na napapalunok na ako. Loyal pa naman ako kay V.
"Aray! Nyemas!" Sigaw ni Jimin saka hinaplos ang batok niya.
"Gag*! Heto piso, bili ka ng ice!" Singhal sa kanya ni Jungkook sabay tingin sa gawi ko. Napaiwas naman tuloy ako ng tingin.
"Tanga! Dalawang piso na ang ice ngayon!" Sigaw rin ni Jimin. Medyo naiilang ako kasi sa 'kin pa rin nakatingin si Jungkook. Kahit 'di ko nakikita, ramdam ko ang mga titig na ipinupukol nya sa 'kin.
"A-ahh..male-late na ako sa next class ko. Mauna na ako." Sabi ko saka dali-daling inayos ang mga gamit ko. Napansin ko namang nakangisi si Thea. Leshe! 'Di sya nakakatulong.
"Gano'n ba? Sabay na tayo. Total pareho naman ang klase natin." Alok ni Jungkook pero umiling lang ako. 'Di ba niya alam ang salitang 'umiiwas'?
"A-ahh..'Di na kelangan. Sige." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa braso. Sheyt naman! Hudas ka talaga!
"No. Classmates tayo so wala namang masama kung sasabay ako sa 'yo 'di ba?" Lilingunin ko na sana siya nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Meron. Baka kung ano pa ang isipin ng iba lalo na ng mga fans mo." Cold na sabi ni V sabay hila sa 'kin palayo. Ilang beses na ba niya akong hinila palayo kay Jungkook?
"Hindi mo naman kelangang gawin 'yon." Sambit ko pero patuloy pa rin sya sa paghila sa 'kin hanggang sa makarating kami sa classroom ko. Wala pang professor kaya ang iilan ay nag-uusap. Nang mapansin ng mga babaing kaklase ko na hawak ni V ang kamay ko, agad nila akong tinapunan ng masamang tingin.
Tss. Jelly bitches.
"Okay na ako. Don't worry, I'm trying my best na iwasan siya." Kahit hindi ko naman talaga kaya. He gave me a fake smile saka umupo sa tabi ko.
"I'm sorry." Bulong niya. Nagtaka naman ako nang umidlip siya.
"Hoy! Alien! Dadating na ang professor namin. Bawal maki-seat in." Sita ko sa kanya pero 'di siya kumibo.
"Hoy! V!" Niyugyog ko siya but again, he did not move. Ano'ng nakain nito? Tss, I don't think na maganda 'tong sasabihin ko.
"Ahem! A-ahh...Bee.." Agad siyang nag-angat ng ulo saka ngumiti. Leshe! Naisahan na naman niya ako. Huda--este nyemas talaga 'tong alien na 'to.
"Pakiulit nga." Panunukso niya pero umirap lang ako. Asa siyang babanggitin ko pa ang forbidden word na 'yon.
"Uy, ulitin mo honey ko." Ahh geez! Jongina! Nasusuka na naman ako.
"V, magkaka-oral problem ako dahil sa salitang 'yon kaya 'di ko na 'yon babanggitin pa. Ba't 'di ka pa umaalis?" Pag-iiba ko ng topic. Seryoso ako sa oral problem na 'yan.
"Well, pinaayos ko ang schedule ko kaya classmates na tayo sa lahat ng subject mo except sa P.E." Kaswal niyang sagot. Lumuwa tuloy ang mata ko.
"ANO?!?!" Sigaw ko kaya napalingon ang iba sa gawi ko.
"Attention seeker." Puna ng isang unggoy pero umirap lang ako.
"Ba't mo ginawa 'yon?" Tanong ko kay V pero ngumiti lang siya nang malungkot. Heto na naman siya sa kadramahan niya.
"Gusto ko lang na makasama ka sa iisang classroom." Tugon niya sabay yuko. Napabuntong-hininga na lang ako. 'Yon ba talaga ang dahilan V? O natatakot ka dahil kaklase ko rin sa lahat ng subjects ko si Jungkook?
A/N: Very short. Mianhe.

BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
أدب الهواة"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...