#14

730 27 23
                                    

-Xyla-

"Uy! Sorry na nga kasi!" Alo ko kay V with matching puppy eyes. Ewan ko ba kung ba't ako nagpapa-cute sa taong 'to, kung ba't ko siya nilalambing.

Hay. Xyla kasi, ang engot lang. "Oy, V. Mianhe, sorry, patawad, gomen!" Umirap lang siya sabay tayo at si ako naman eh sinundan siya. Naglalakad na kami ngayon sa isang hallway at kanina pa ako nakabuntot sa kanya. Xyla, kung gusto mong huminto 'yan at pansinin ka eh gamitin mo na ang magic word!

Waaah! Ayoko! Juskopo, kahit ano 'wag lang ang salitang 'yon. Tiningnan ko ulit si V. Ang seryoso niya at nakakuyom ang isa niyang palad. It's now or never! "Ahem. A-ahh...Bee.."

Huminto siya kaya napangiti na lang ako. Naks! 'Pag 'yon talaga eh lumalambot ang pusong bato niya. "Sabi--" Eh? Teka ha...did he just walk again? As in? 'Di umepekto 'yong sinabi ko? Try and try Xyla! Kasalanan mo rin naman kung ba't 'yan nagkakaganyan ngayon.

"Bee...Bee ko." Alam ko nakakasuka pero 'yan lang ang alam kung makakapagbago ng mood niya. Huminto ito ulit saka ako hinarap.

"Ano?" Nagulat ako kasi napakalamig ng tono ng pananalita niya. Ganun siya kagalit? Bored siyang tumingin sa 'kin at sa hindi malamang dahilan eh affected 'tong heart ko. Bigla kasing nanikip ang dibdib ko.

"A-ahh..k-kasi sorry." Tumango lang siya nang bahagya sabay lakad ulit.

"V! Hoy! Teka lang! Sorry na nga 'di ba?" Habol ko sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kaya wala akong nagawa kundi ang harangan siya.

"Ba't ka ba kasi galit?!" 'Di ko na napigilang mapasigaw. Siya naman eh malamig pa rin nakatingin sa 'kin.

"Tinatanong pa ba 'yan, Xyla?" Hindi ko alam pero mas masarap sa feeling kapag tinatawag niya akong 'honey'. Nakasanayan ko na rin kaya siguro nalungkot ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Gosh V! Sorry na nga 'di ba? So-rry. Sorry!"

"Okay na nga 'di ba? Ilang sorry pa ba ang sasabihin mo para tumigil ka na sa kakasunod sa 'kin?!" Tiningnan ko siya nang mataman saka napailing. Maliit. Puc*a! Maliit na bagay lang naman ang pinag-aawayan namin! Shemay! Ang hirap niyang ispelingin.

"Kaya nga eh. Ilang sorry pa ba ang kailangan kong sabihin para mapaniwala kitang hindi totoo 'yon?!" Umiwas siya ng tingin saka napahilamos. Ako naman eh napagod na sa kaka-explain sa sarili ko. Leshe naman kasi 'yang JOY bitches na 'yan eh. Kung makapagkalat ng litrato namin ni Jungkook, wagas!

Ang ganda rin ng angle ng pagkakakuha. Mukha tuloy kaming naglalandian ng ilong na 'yon eh nung mga oras na 'yon eh nag-ppractice kami ng sayaw para sa LU Festival. 'Wag niyo nang itanong kung asan ang weirdong Kai na 'yon. Asa namang papayag ang BDT na ipares ako sa kanya. Kaya ayon, si hudas ang ka-partner ko kasi siya ang unang nakiusap sa prof namin.

Bumuntong-hininga ako saka nagsimulang maglakad palayo. Kung ayaw niyang maniwala, eh 'di 'wag! Maghahanap na lang ako ng ibang bubuyog ng buhay ko.

***

"Ikaw naman kasi!" Turan ni Thea habang inilalapag ang mga pagkain sa table namin.

"So ako pa ang may kasalanan ngayon?" Inis kong turo sa pagmumukha ko. Tumango naman siya kaya binato ko siya ng fries.

"Hoy! 'Wag ka nga! Eh kasalanan mo naman talaga ah!"

"Nagsasayaw lang kami ni Jungkook! Dancer si V at alam niyang walang malisya 'yon! Atsaka wala akong natatandaang ganun kami ka-'intimate' tingnan ni hudas. Magaling lang talaga 'yong photographer na hinire ni Pamella alias Nakakapota!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon