-Xyla-
"Waaaah!! Ang galing ng honey ko!!"
"Naks! Laki ng inimprove mo Xyla." (RapMon)
Ngumiti ako sa kanila sabay tigil sa pagsasayaw. Kanina pa ako nag-aala bulate rito para lang makita nila na deserving ako bilang Dancing Queen of Asia. Hingal na hingal na nga ako pero 'di ko alintana 'yon kasi andito si V. O ha! Ginagawa ko na siyang source of energy kaya wala naman sigurong nagdududa na ginagawa ko pa rin siyang panakip butas 'di ba? Masyado nang malayo ang narating nitong 'relasyon' namin at napaka-imposible naman 'di ba kung wala ni katiting na improvement. May 'honey' at 'bee' na nga eh.
"O, alien kesa maglaway ka dyan eh magsimula ka na ring mag-practice." Sita ni Sabrina kay V pero patuloy lang itong nakatingin sa 'kin. Nilapitan ko siya saka pinitik ang noo nya.
"Mag-practice ka na kasi nakakahiya 'pag nagkamali ka sa harap ng maraming tao." Ngumisi naman siya saka pinitik pabalik ang noo ko. Omo, lumalabas na ba ang totoong ugali ni V? Sadista kaya siya?
"Syempre pagbubutihan ko 'pag performance na talaga namin. Dancing Queen ang girlfriend ko kaya 'di dapat mapahiya ang Dancing King niya." Ngumiti ito pero bigla na lang siyang binato ni J-Hope.
"Tama na! Pagod na akong maduwal!" Nagkunwari pa itong exhausted at frustrated. Ang OA nitong kabayong 'to!
"Bitter ka lang kasi basted ka kay Karen." Nilingon pa ni Suga si Karen na ngayon ay busy sa paglamon ng lunch na hinanda ni Jin para sa 'min.
"Basted? Ni hindi ko nga niligawan 'yan!" Umirap pa si J-Hope saka ginalawa-galaw ang baba niya.
"Letse kang kabayo ka! Eh para sa'n 'yong flowers na binigay mo sa 'kin kahapon?!" Hay. Mag-aaway na naman ang dalawang 'to.
"'Wag kang feeling! Para sa flower vase nyo 'yon ni Beth!" (J-Hope)
"Tangna! Eh ba't may flowers for you ka pang nalalaman?!" (Karen)
"Alangan namang flowers for me?!" Sheyt lungs. Naririndi na ako sa mga boses nila. Magtatakip na sana ako ng tenga nang maunahan ako ni V. Ayieee! Ang thweet niya! Kaso wa epek kasi rinig na rinig ko pa rin ang JRen couple na 'to.
"Please lang J-Hope! Do me a favor! 'Wag mo na akong patayin ulit!" Natahimik naman kaming lahat habang pino-process ang sinabi ni Karen.
Hanuraw? "Joke! Nadala lang ako sa pinanood ko. Tss. Tabi nga. Nakaharang 'yang baba mo!" At umalis sya. Naiwan naman si J-Hope na nanlulumo. 'Yan kasi! Gusto 'yong tao, ayaw namang sabihin!
Char lang Xyla! Makapagsalita, akala mo kung sinong hindi dumaan sa denial stage!
Well, konsensya, wala ka na do'n! Past is past! I've moved on. Aish!! Tengene! Fine! Konting-konti na lang at mauubos rin 'tong feelings ko para sa ilong na 'yon! At sana 'pag naubos 'yon eh tuluyan nang mahulog ang loob ko kay V. Sana lang talaga.
***
"As in po? Eh pero may nagawa na po akong dance steps. 'Tsaka next week na rin po ang LU Festival. Baka mahirapan akong mag-adjust." Tiningnan ko nang mataman ang professor na naka-assign para sa mga performance. Umiling lang ito at humalukipkip.
"It's already set, Ms. Montero. And besides, you're not labeled as Dancing Queen of Asia kung 'di mo magagawan 'yan ng paraan. For a known dancer like you, kayang-kaya mong makagawa ng isang splendid performance within 5 days." Konting-konti na lang talaga eh masasapak ko 'tong tungunu na 'to! 'Nong akala niya sa 'kin, one step closer to perfection? Kahit naman dancing queen ako eh hindi mawawala ang katotohanan na nagsimula ako bilang isang estudyante na hollow block ang katawan.
Tumayo siya saka bumuntong-hininga. Nyemas. 'Kala nito siya ang may problema. "Naghihintay na ang partner mo sa dancing room ng College of Nursing." Dagdag nito. Kumunot tuloy ang noo ko. May gano'n pala sa kanila? Akala ko puro brains lang meron sila.
Pagkarating ko sa lugar na sinabi ni Sir eh nag-inhale exhale ako. Naalala ko tuloy 'yong mga panahon na ginagawa ko 'yon bago pumasok sa dancing room sa school ko dati. Pero iba 'to eh. At least ngayon ay may maibubuga na ako.
Pinihit ko 'yong doorknob at bumulagta sa 'kin ang interior ng dancing room. Muntik na akong mapa-facepalm nang makita ang mga nakasabit na litrato ng respiratory system, nervous at kung anu-ano pang system sa kalawakan.
"Hi." Napatingin ako do'n sa nagsalita at nanlaki naman ang mata ko nang makita kung sino 'yon.
"Ikaw?" Ngumiti siya saka tumango. Woah! Parang kelan lang eh pinapangarap kong makuha ang number nya ta's ngayon eh makakapartner ko pa siya para sa performance ko. Kung 'di nyo siya kilala, well, siya lang naman 'yong may kapatid na hiningi ang autograph ko. Ang gwapo niya kahit kelan.
"I'm Kai nga pala." Inabot ko 'yong kamay niya.
"Xyla."
"Of course I know you. Sikat ka kaya. Ikaw rin madalas ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Pati nga mga ka-grupo ko eh tinitingala ka." Ahem! 'Di naman ako masyadong flattered.
"Grupo?" Omo! Gangster kaya 'to?!
"Hindi ako gangster." Natigilan naman ako sa sinabi niya. "At hindi rin ako mind reader. HipHop Groovers. 'Yan ang pangalan ng grupo ko."
Hala! Ito 'yong mga kaaway ng BDT! Myghass! Isang malaking kasalanan ang pakikipag-usap lalo na ang makipaghatawan sa lalaking 'to! He's our enemy! Lagot ako nito kay V. Sigurado akong magseselos 'yon. I need to distance myself from him.
"Ah eh..ba't nga pala tayong dalawa ang sasayaw? I mean, pwede namang iba 'yong sayo at 'yong akin. No offense ha." Hinay-hinay lang sa pagsasalita, Xyla. 'Pag 'yan napikon, 'di ka na makakaalis sa lugar na 'yan. Juskopo. Ang building na 'to ay punung-puno ng scalpel at kung anu-ano pang gamit pang-opera.
"None taken. Narinig ko kasi na dapat raw eh may kapares ka kasi hindi pwede ang solo perf lang. So, nag-volunteer ako." Nag-smirk pa talaga siya kaya mas lalo akong kinilabutan. Binabawi ko na. Ayaw ko na sa number ng lalaking 'to. Pagtyatyagaan ko na lang si V.
"Ha eh ba't ka naman nag-volunteer?" 'Para mapatay ka' 'wag naman sana ganyan ang sagot niya. Like I'm too young, wild and free!
"It would be an honor kasi. 'Tsaka I really like you and your dancing skills. Masyadong perfect at walang palya." Awkward kong sinalubong ang ngiti niya saka tumango nang dahan-dahan.
"Pwede tayong mag-practice ngayon if you want." Agad akong umiling saka sinabi na bukas na lang.
"Busy kasi ako ngayon." Tumango siya pero alam ko naman nahalata niya na alibi ko lang 'yon. Kasalanan ko ba kong gusto ko pang mabuhay? Kung gusto kong makatakas mula sa taong 'to? Iba na nga titig pati skin color ibang level ang darkness.
Nagpaalam ako saka binuksan ang pinto. Tatapak na sana ako palabas nang marinig ko siyang magsalita. "Can I just call you Peach?"

BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
Fanfiction"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...