-Xyla-
"ANOOOO??!!" Malakas kong sigaw.
"Ang sabi ko-------"
"Oo narinig ko! Pero ano?!?! Liligawan kita?! Ulit?!" Nanlalaki ang mata kong tumitig sa kanya. Unbilibabol!
"Yup!" Sagot niya with his rectangular smile. Tumayo ako bigla saka nanlumo. Naman eh!! Hindi ba alam ng lalaking 'to na umabot sa 1,000 ang nagastos ko sa kanya nung unang araw ng panliligaw ko?! Tapos I'll court him again daw?! Myghad! Mababaliw ako nang wala sa oras.
"Seryoso ka?! As in?! Walang halong biro?! As in walang change of mind chuchu?!" Sunod-sunod kong tanong. Umiling lang siya saka tumingin sa 'kin.
"Waaaah V!! Bakit??" Pa'no na ngayon ang allowance ko? Pa'no na ang bulsa ko? Ang pitaka ko?
Bumuntong-hininga sya saka tumayo at nagtungo sa bintana. Parang ang laki-laki ng problema nya. Naks 'tong alien na 'to! Ang hilig mag-acting.
"Hoy----"
"Kasi alam kong mahal mo pa rin si Jungkook." Natigilan ako sa sinabi nya at kitang-kita ko kung gaano nya pinipigilan ang sarili nya mula sa pag-iyak.
"Kasi alam kong napipilitan ka lang sa 'kin." Napalunok ako nang ngumiti sya nang pilit.
"Kasi alam kong baka sa isang ngiti nya lang sayo eh posibleng mahulog ka na naman sa kanya, at baka tuluyang makuha nya ang loob mo. Kasi alam kong kahit anong gawin ko eh wala talaga akong pag-asa sayo. Kasi alam kong-----"
"Tama na, V." Sambit ko habang nakayuko. Bigla naman nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko saka ako pilit na pinapatingin sa kanya.
"Kasi alam kong wala akong panama sa kanya pagdating sayo. Kaya ang contract na 'to ay favor ko na rin. Sana, hangga't andito pa ako't minamahal ka....sana 'wag mo akong iwan sa ere. Okay lang na mahalin mo sya basta alam kong andito ka pa rin sa tabi ko." Do'n na mismo tumulo ang luha nya. Hindi ko napigilang yakapin sya.
"Kasi alam ko na kapag niligawan mo ako ulit, sa 'kin mapupunta ang atensyon mo." Sambit nya.
"Loko ka talagang alien ka!" Naiiyak kong tugon. Ayaw kong nakikita syang nagkakaganito nang dahil sa 'kin. Nang dahil lang sa nalilito pa ako.
"Pwede bang maging selfish muna ako sa ngayon?" Tanong nya nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Ngumiti ako sabay nag-ayos sign.
"Oo naman. And it's not being selfish. It's just being in love. Don't worry, hangga't andito ka sa tabi ko, hinding-hindi ako titingin sa iba."
And with that, I signed the contract he made. Not knowing na baka 'di ko matupad ang pangako ko.
***
"Hoy Kookie! Tangna mo at ng ilong mo! Akin 'yang Chippy na 'yan!" Bigla akong naalimpungatan sa mga sigawan na naririnig ko. Umupo ako at napansin kong nasa kama ako ni V. Nakatulog pala ako.
BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
Fanfiction"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...