#2

1.2K 83 30
                                    

II.


-Xyla-


"HINDI KA NA SASALI SA BDT?!?!" Sabay na sigaw nina Jimin at Candy. Napatakip naman ako ng tenga ko.


"Naman! Ang sakit sa bangs ng mga boses nyo!" Sigaw ko.


"Kelan pa nagka-bangs ang tenga mo?" Pambabara ni Suga. Sarap itapon sa Mt. Apo.


"Pero seryoso, hindi ka na babalik?" Malungkot na tanong ni Beth. Tumango ako nang bahagya saka tumingin sa kawalan.


"V! Kumbinsihin mo nga si Xyla na bumalik! Para naman magkasilbi ka!" Singhal ni Jin. Sinamaan naman sya ng tingin ni alien.


"Xyla, this group needs you. Lalo na ngayong unti-unti nang nalalamangan ang BDT ng HipHop Groovers." Nag-aalalang sabi ni Candy.


Ayaw ko nang bumalik dito kasi alam kong mas magiging malala ang sitwasyon.


"Akala ko ba gusto mong ma-fall sa 'yo si V?" Tanong ni Suga kaya nasamid ako. May sinabi ba akong ganun?


"Oo nga! Kaya dapat ligawan mo sya!" Dugtong ni Kailly. Pwede ba! Mas lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon ko. Naman eh! Tao lang! Nagkakamali rin. Malay ko bang si V na pala ang Dancing King ng BDT.


"Hoy V! 'Di ba isa sa mga preferences mo sa babae eh 'yong member ng isang dance group?" Wala sa sariling tumango si V.


"Ayan Xyla! May chance ka kay V 'pag naging member ka ng BDT! Atsaka madali rin kayang ligawan ang alien na 'yan! Bigyan mo lang ng carabao grass eh oks na!" Naka-ayos sign na sabi ni Candy.


Seriously?! Crush nga ako nyan eh liligawan ko pa?


"Kelan pa akong naging si J-Hope?" Straight faced na sabi ni V.


"Ano na namang kinalaman ko?! Bakit, mahaba ba ang baba ng kabayo?!" Singhal ni J-Hope kaya natawa ako. Halata ba?


"Kelangan ko bang ligawan si V?" Out of the blue kong tanong.


"Kelangan. Pa'no ako mafa-fall sa 'yo kung 'di mo ako liligawan?" Nakangisi nyang sabi. Mukha na talaga akong hinog na kamatis rito.


"MAGPRACTICE NA KAYO!!" Natigil naman kami sa pag-uusap nang biglang sumigaw si Jungkook.


"Teka lang Kookie. Nakikipagkwentuhan pa kami kay Xyla." Sabi ni RapMon pero sinamaan sya ng titig ni hudas.


"Kaya tayo natatalo ng mga punyemas na groovers na 'yan eh dahil sa hindi kayo nagppractice!" Sigaw nya.


Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon