I.
-Xyla-
"Tago lang Xyla! As if ka namang 'di ka matutunton ng alien na 'yon!" Ismid sa 'kin ni Thea habang nakahalukipkip. Nanatili akong nakatago sa isang puno.
"Mas mabuti na 'to. Ayaw ko pang makita si V. Kukulitin lang ako nun." Tugon ko saka sumiksik pa sa puno.
First day ngayon ng second sem sa Lindon University at heto ako, nagtatago mula kay V. Simula kasi nang ipagsigawan ko na gusto kong ma-fall sa 'kin ang Dancing King ng BDT, hindi na ako nagpakita sa kanila. One week na rin ang nakakaraan simula nang mangyari 'yon.
"'Yan kasi! Gagang gaga ang dating! 'Wag mong sabihin na 'yan ang natutunan mo sa Canada?! Tsk! Bahala ka dyan! Malapit na ang first class ko." Sabi nya sabay lakad pero hinila ko naman ang t-shirt nya.
"Uy! 'Wag mo 'kong iwan rito!" Naiiyak kong sabi.
"Naman! Hoy Penshoppe 'tong damit ko! 'Pag 'yan napunit, ipapalamon ko sa 'yo!" Pagbabanta nya pero 'di ko pa rin binitawan 'yon. Kesa naman sa maiwan ako rito 'no!
"'Pag iniwan mo ako rito, isusumbong kita kay Tita!" Tukoy ko sa Mama nya.
"Naks! Kapal! As if namang makakapagsumbong ka eh nasa Paris sila ngayon ni Papa! Bitaw!" Niyugyog nya ang t-shirt pero ang lakas ng kapit ko do'n.
"Late ka na po Xyla Peach Montero! 'Yan ba ang first impression na gusto mong ipakita? Psh! The very well-known Dancing Queen of Asia is LATE in her class?!" Pang-aasar nya. Sinamaan ko na lang sya ng tingin saka umalis sa puno. Nagpagpag ako ng pants at sakto namang nakita kami ni J-Hope.
"Uy Xyla! Kelan ka pa nagka-crush dito sa punong tinatambayan ni V? Uyy! Ikaw ha!" Panunukso nya kaya nanlaki naman ang mata ko.
"TAMBAYAN 'TO NI V??!!"
"Oo. 'Pag recess, dito sya umuupo. Love birds nga naman!" Naiiling nyang tugon saka umalis.
Dali-dali ko namang hinila si Thea paalis sa lugar na 'yon. Sheyt. Buti 'pag snack time lang nagpupunta ang alien na 'yon do'n.
Hindi kami classmates ni Thea kaya hinatid lang nya ako sa classroom ko. Hashtag Feeling kindergarten.
"Hoy Xyla! Balita ko marami raw ang fangirls ni Jungkook at V ang namumugad dito sa building nyo! Ingat na lang! Baka 'pag nalaman nilang konektado ka sa dalawa eh 'di ka na nila palabasin nang nakadamit." Sabi nya saka nag-wave paalis. Napaismid na lang ako. As if naman 'yang mga bakulaw nilang fangirls.
Pagpasok ko, agad silang napatingin sa 'kin, mostly ang mga babae. 'Di ko pinansin ang mga titig nila saka nag-proceed sa upuan sa pinakadulo.
"Excuse me pero may nakaupo na dyan!" Pagtataray nung babae sabay pameywang. Tinaasan ko lang sya ng kilay saka lumipat. E 'di lamunin mo 'yang upuan! Bwiset.
BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
Fanfic"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...