-Xyla-
"Po? Ako po?"
"Yes, Ms. Montero. We are inviting you to perform for this upcoming Lindon University Festival." Pag-iinform sa 'kin ng year level adviser namin. Tumango-tango naman ako saka nagdesisyong tanggapin ang alok nila. Hindi rin naman masama kung sasayaw ako sa event na 'yon.
Agad akong pumunta sa gym kasi malapit nang magsimula ang P.E class namin at maniwala man kayo o hindi, medyo nanghihinayang ako na 'di ko kaklase si V. Wala naman kasi akong ibang kinakausap sa loob ng klase bukod sa kanya. Well, bukod rin kay Jungkook. These past few days kasi, panay ang pangungulit nya sa 'kin kahit na sinisita sya ni V. Ano pa ngayon na wala ang magaling kong nililigawan?
"Hi Peach!" It's you-know-who-must-not-be-seen. Honestly medyo naaalibadbaran na ako kay Jungkook. Panay ang lapit sa 'kin 'pag P.E class namin kaya panay rin ang irap ng mga fans niya kuno. Pati rin si Pamella na bumuo na ng fans club named 'Jungkook is Ours not Yours' a.k.a JOY Fans Club eh panay ang paninira.
Hush. Alam kong baduy ang fans club name nila.
"Okay, listen class. Today, we will be learning about Volleyball. Now, select your own partner and start with the basics of this sport." Agad na sumugod ang mga kaklase kong babae kay Jungkook. Tiningnan niya ako na para bang humihingi ng tulong pero 'di rin ako makagalaw kasi may mga lalaki ring lumapit sa 'kin.
"Ang ganda mo Xyla. Tayo na lang ang partner." Geez. Masasalo ba ng ganda ko ang bola?
"Ang galing mong sumayaw. Magaling rin akong sumayaw. Kaya let's serve and spike the ball together." Para namang may kinalaman ang dancing sa paglalaro ng volleyball.
"Ah..hihi. Ako na lang mag-isa ang maglalaro." Tugon ko saka ngumiti nang pilit. Juskopo! Ayaw pa naman ni V na may umaaligid sa 'kin. Dapat raw 10 meters away ang isang lalaki 'pag makikipag-usap sa 'kin.
Magsasalita na sana ang isa ko pang kaklase nang may biglang humila sa kamay ko. Hindi na ako nabigla pa nang makitang si Jungkook 'yon.
"Kami ang partner." Baling niya sa mga lalaki saka ako hinila papunta sa corner ng gym, malayo kung nasaan ang mga kaklase namin.
"Ah..a--sheez!" Sigaw ko nang ipasa nya ang bola sa 'kin nang walang pasabi. Buwiset! Pa'no kung tinamaan ako sa mukha?! Eh 'di nawalan ako ng lovelife?
"Wow ka rin ano? Magpapasa ka---"
"Puso ko 'yan. Sinalo mo kaya ingatan mo." Natameme ako sa sinabi niya habang siya eh pangiti-ngiti lang. Hindi ko tuloy namalayan na nabitawan ko na pala ang bola.
"Ouch naman Ms. Dancing Queen. Binasag na nga 'yan ni Erine, babasagin mo pa. Alam mo bang broken hearts can never be glued back?" Nagkunwari pa talaga siyang nasasaktan sabay akto na para bang kumikirot ang puso niya.
"Alam ko. And feelings in the past can never be brought back." Poker faced kong tugon saka pinulot ang bola sabay serve pabalik sa kanya. Natawa naman siya nang mapakla saka nag-dribble.
"Alam ko rin." Ipinasa niya ulit sa 'kin 'yon at sa loob ng ilang minuto, dribble and serve lang ang ginagawa namin. Kaya nang mag-serve siya, I spiked it saka siya tiningnan nang mataman. Nilaro-laro niya ang bola gamit ang kamay niya.
"Ilang beses mo mang ibalik to sa 'kin, ipapasa at ipapasa ko rin sa 'yo 'to nang paulit-ulit hanggang sa wala ka nang magawa kundi ang tanggapin na lang ito." Seryoso niyang sabi kaya napailing ako. Ano namang kadramahan meron ang hudas na 'to?
"Ha! The last time I checked, you told me to stay away from you kasi sinabi mong hindi ko mapapalitan si Erine sa puso mo. The last time I checked, tuwang-tuwa ka nang ligawan ko si V. And the last time I checked, we are nothing but friends. Ano'ng nangyayari sayo ngayon Mr. Jeon Jungkook?" Sinalo ko ang bola saka ibinato pabalik sa kanya. My feelings for you aren't totally gone pero hindi ibig sabihin nun na kakalimutan ko ang pangako ko kay V.
"And the last time I checked, na-realize ko na may gusto pala ako sayo. Erine made me realize that I was already falling for you back when you were falling for me." Sincere niyang sabi saka lumapit sa kinaroroonan ko.
"Peach, believe it or not pero alam kong hindi na lang basta like 'tong nararamdaman ko. I'm sorry kasi binalewala kita noon. I'm sorry 'cos I never noticed you." Unti-unti niyang inilalagay sa mga palad ko ang bola kaya napatingin ako rito.
"Will you accept my heart..again?" Nakatayo lang kaming dalawa do'n habang pinapakiramdaman ang isa't isa. After ng isang minuto, hinapit ko ang kanang kamay niya saka inilagay ang bola dun sabay tingin sa mga mata niya. Eye to eye contact method Xyla para effective.
"Matutuwa sana ako kung noon mo 'yan sinabi. I'm sorry Jungkook but I'm already holding a ball with my right hand. At dahil sa pangyayaring 'to, I'll let my left hand hold it so tight para kahit sino at ano ang sumira sa pagkakahawak ko eh 'di ko 'yon mabitawan kasi alam ko at ng taong may-ari no'n na wala akong balak bitawan ang bagay na ipinagkatiwala niya sa 'kin." Ngumiti ako saka humakbang palayo.
"Para sa'n ang isang minutong pananahimik mo? Was there a fight between yes and no? Wherein mas nanaig ang yes?" Wow ha! Ang yabang ng pagkakasabi niya. Pektusan ko ilong nito.
"No. 'Yan talaga ang sagot ko. Ang isang minutong 'yon ay napunta sa pagmumuni-muni ko kung aling kamay mo ang paglalagyan ko ng bola. Ang kaliwa ba so you won't forget that once upon a time, you left me broken-hearted. O ang kanan ba para maalala mong you can never be the right person for me. I guess, mas boto ako sa kanan. Ciao." And I left him dumbfounded.
I'm sorry Jungkook. But it's must-keep promise over must-leave feelings. Or should I say, it's V over you.
A/N: Short update again -.-
BINABASA MO ANG
Courting The Wrong Guy (BTS): D I S C O N T I N U E D
Fanfiction"Basta honey ko, may love man o wala, may like man o wala, may attraction man o wala, 'wag mong iiwan 'tong nag-iisang bubuyog ng buhay mo ah?" -V "Nasabi ko na sayo noon na 'di kita basta-bastang iiwan sa ere. After all, aanhin ang honey kung wala...