Chapter 4: His call

7 0 0
                                    

Krystal POV

' You'll pay for what you've done to me'

' You'll pay for what you've done to me'

' You'll pay for what you've done to me '

Taena, bat ba nagsisink in sa utak ko yung mga katagang yun. Kanina pa yun e kaya siguro di ako mapakali. Nyeta kasi putek! Ano bang babayaran ko? Shizz, may utang bako? Sa pagkakaalam ko, wala naman -_- Arggggh, bwiseeeeet. Nakakasira ng IQ putek.

Pagkauwi ko sa bahay, walang tao pero nakabukas yung tv, sino naman kaya nagbukas neto. "GORYYYY!" pagtawag ko, pero di ko ineexpect na walang sasagot. Binababa ko muna yung bag ko sa sofa at pumunta ng kitchen upang uminom ng malamig na tubig, nagulat ako nung may note sa may ref binasa ko naman agad ito. "My girl di muna siguro ako makakauwi, pinatawag kasi ako ni dad ako daw muna magmamanage nung SATJA'NE HOTEL natin" napabuntong hininga naman ako, tch! Bat di man lang sya tumawag sakin. Umakyat nalang ako sa kwarto ko.

Pagkaakyat ko sa kwarto, nagbihis na muna ako dumiretso na sa kama't humiga, hindi pako nakakahiga ng matagal ng biglang nagvibrate yung phone ko, kinuha ko naman ito mula sa gilid ng kama ko na nasa desk.

From: 0925*******

Hi miss riff

-

Lusya? Sino naman kaya to, anlupet naman nya bat alam nya surname ko? Stalker ko ba sya, tsss! O di kaya pinagtitripan lang ako neto. Malay koba, mamaya isa itong friend of mine na nagpalit ng sim card at tinext ako para lang mangasar or whatever. Di ko nalang to pinansin at humiga ulit sa kama, nang bigla uli itong nagvibrate.

From: 0925*******

Ang sunget mo talaga, Tch!

-

Nakakapikon na to ah, at dahil sa nacurious na din ako kaya nireplayan ko nalang kung sino man to. kakabanas namana to, nyepak!

To: 0925*******

Who the hell are you? Tsaka, pano mo ko kilala. Do i know you?

MessageSent
-

From: 0925*******

Yes, you do know me . Sino ako? Tch! Tinatanong paba yan? ako lang naman ang pinakaPOGI/GWAPO sa school natin.

-

Tinatanong ko kung sino sya, hindi kung ano sya. Tch! Sa school? So ibig sabihin, kilalako din to? O baka naman isa sa salot sa buhay ko. So kung ganon, pano nya nalaman number ko? Mga damoves putek.

To: 0925*******

Tinatanong ko kung sino ka, ang dami mong sinabe.

MessageSent
-

Pagkasend na pagkasend nung message e, humiga nalangulit ako. At diko lubusang inaasahan na nagflashback sakin yung boy bestfriend ko na iniwan ako sa ere at mas pinili nya pa ang syota nya sakin, 9 years kaya kaming magbestfriend.

FLASHBACK

"Myli, san mo gustong pumunta?" tanong sakin ni Ashlee, sya yung bestfriend ko

"Gusto kong pumunta sa park at kumain ng ice cream" pagsagot ko.

" Okay myli, so tara na?" tanong nya sakin, sabay sumakay na kami ng kotse nya, yes may kotse na sya nung last year lang.

Habang nasa loob kami ng sasakyan, sobrang tahimik as in parang liblib na lugar sa sobrang tahimik. Then i started to talk also to obroke the silence.

"Kamusta na pala si tita maricar?" Bulalas ko.

" Ayun, ayos naman na. Pagkatapos nyang maoperahan e masigla na ulit sya" pagsagot nya, may sakit kasi si tita maricar na mommy ni ashlee, kaya naman kinumusta ko!

"Ah, buti naman, makadalaw nga minsan" sambit ko, willing na talaga akong makita sila tita maricar e.

" Onaman, your always free sa bahay namen no" sabi nyahabang nagmamaneho.


"Okay, maybe next next week, is it okay? " pagtanong ko, dun lang kasi ako free.


"Yes, its super okay" bulalas nya habang nakangiti sakin. Sobrang gwapo nya kapag nakangiti, super perfect e!


Hanggang sa makapunta na kami sa pupuntahan namin, which is sa park. Nakakita naman kami ng ice cream parlor malapit dun sa park, kaya naman pumunta kami at bumili.

" Cookies and Cream?" Tanong nya sakin. Tss! Alam na alam nya talaga paborito kong flavor.

"As usual, ganun parin, yes cookies and cream" sagot ko habang nakangiti ako sakanya at nakangiti naman sya sakin.

Nung binigay na sakin nung nagtitinda yung ice cream may narinig naman akong batang umiiyak, sobrang cute nya at tulo pa ang sipon, inabutan ko sya ng panyo para punasan ang sipon na tumutulo mula sa kanyang ilong, then napahawak ako sa tuhod ko dahilan para mag pantay kami. " You want this ice cream?" tanong ko sabay turo sa ice cream na hawak ko. Umuoo nalang sya at binigay ko na yung hawak kong ice cream. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at halikan sa pisngi "Thank you so much ate, ang bait bait mo i like you from now on" napangiti nalang ako dahil naaalala ko sakanya yung kapatid ko na dapat buhay pa ngayon kaso kinuha na sya ni god e. Ang sad lang! "Whats your name ba baby?" Tanong ko sakanya, sabay pinaupo ko sya sa lap ko. si ashlee naman tumabi nalang sakin.

"My name is steph buenavista, ate" sagot nya, wow! Mala anghel ang pangalan nya, so cute! Mukhang tinatawag na sya ng mommy nya ata, kaya naman kiniss nya ulit ako sa pisngi ganun din naman si ashlee, saby paalam nya samin " Bye ate at kuya, bagay po kayo promise. Una na po ako ha? Bye" tas nagwave na sya senyales na nagbababay na sya. Tumakbo na sya papunta sa mommy nya, sobrang cute ng batang iyon sana magkita pa ulit kami.

Nagkatinginan nalang kami ni ashlee dahil din sa sinabi ni steph na 'bagay kayo' nung nagtama na ang mga mata namin, napatawa nalang kami sa sainabi nung bata. Pagkatapos namin sa park e hinatid nya na ako sa bahay namin at nagpaalam na.

END OF FLASHBACK

Di ko alam na nakatulog pala ako, bigla nalang akong nagising dahil narin siguro sa gutom. Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko its already 4:36 na, bumababa na ako sa kusina para magluto ng kakainin ko, hindi nako nagluto ng ulam. Nagpancake nalang ako at juice, naisip kong naiwan ko pala yung cell phone ko pero hinayaan ko nalang at tinapos ang kinakain ko, pagtapos e hinugasan ko ang platong pinagkainan ko, at dumiretso sa sofa at nanood ng tv, "ang papanget ng palabas ngayon" banggit ko. Wala man lang magandang palabas, umakyat nalang ako ng kwarto para magonline ng fb! Pag akyat ko, biglang nagring yung cell phone ko agad ko namang sinagot ito ng hindi tiningnan sa screen kung sino man ito.

"Hello" sabi ko

[M-myli?]

(A/N) Hiiiiii, nakakabitin ba? Surina agad, hahaha! Speechless ako ngayon. Add me on fb @elizagalgana
Follow me on twitter @elireighn_
Follow me on IG @igopxxeliza





I Fall For Him And He Fall For Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon