Chapter 11:

6 0 0
                                    

Nandito kaming apat sa coffee shop malapit lang din naman yun sa school, hindi kami pumasok ng dalawang subject instead tumambay lang kami dito for 2 hours, lupet no? Haha.

"Haay! Ano nanaman kayang sasabihin satin ni ms kapag nalamang nag cutting class tayo?" pagbabasag ni jiro sa katahimikang nabubuo.

"Tss, wag mo ng isipin yan hindi na bago sakanya yun" sagot naman ni neon kay jiro habang nakapangalumbaba pa itong si jiro

Napaisip naman ako bigla kakausapin ko ba sya? Ano namang sasabihin ko! Magagalit ba ako sakanya? Kasi hindi nya man lang ako pinagexplain ano bang gagawin ko sakanya?

'Wala karl... wala kang dapat gawin' sabi ng isip ko. Oo tama wala akong gagawin ano bang pake ko sakanya, ts!

"Guys, anong oras na oh balik na tayo for sure nasa canteen lahat ng students" pagbabasag naman ni robie sa katahimikan.

"Tara tara tol" yaya ko sakanila agad naman silang nagsitanguan at saka kami umalis don sa shop

Papunta kaming canteen ngayon, malamang breaktime na eh. Naglalakad parin kami papuntang canteen paingay na ng paingay sa bawat hallway na madadaanan namin parang nag cheer na kesyo gwapo daw ako na kesyo cute daw si jiro na kesyo hot daw si robie na kesyo pogi daw si neon. Tss!
"Oh god, ang pogi ni karl"

"Ang cute cute mo robie"

"Ang hooooot ni neon"

"Waaaaaaah, sakin ka nalang jirooooo"

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"

"Kaaaaaaaarl, Robieeeeeee, Neoooooooooon, Jiroooooooooooo"

'Hindi na bago sa pandinig ko yun'

Nang makatuntong kami sa entrance ng canteen agad nahagip ng mata ko yung pandak na hambog tss! at nakatingin rin sya SAMIN!? Hindi ko alam sa isip ko kung anong balak nyang gawin e. Hanggang sa dalhin nalang mismo ako ng sarili kong paa papunta sa table nung pandak na hambog.

"Hoy! Ikaaaaw!?" sambit ko

"Ako!?" bulalas nya habang nakaturo pa sa sarili nya.

"Oo ikaw nga, magkita tayo sa soccer field mamayang uwian pag di ka pumunta you're dead" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yan.

Hindi ko na hinintay ang pagsagot nya at umalis na agad ako sa harapan nya, nakakarinig pa rin ako ng mga bungis ngisan ng mga tao dito sa canteen. Pumunta kaming apat sa private place namin sa canteen at umorder na rin.

Pagkatapos naming kumain, dumerecho muna kaming cr para mag hugas. Pero nagpaalam samin si jiro na may pupuntahan daw sya.

"Mga tol, una na muna ako ah? May pupuntahan lang" pagpapaalam nya samin

"Nako nako, baka chix nanaman yan jiro ah" pangaasar naman sa kanya ni neon

"Gago! Pano mo nahulaan? Joke" sambit ni jiro sabay harap sakin

"Karl una na ako ah" baling nya sakin pero hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko kung bat ko pa nasabi yun, ano bang dapat naming pagusapan. Nakita ko namang ngumis i jiro, natauhan lang ako ng tapikin nya ako sa balikat

"Tsk tsk tsk, sabi na eh mamimiss mo agad ako no? Don't ya worry bro babalik din ako para sayo" pangaasar nya sakin sabay kindat pa.

"Utut mo, kahit wag ka ng bumalik peste ka!" naiuusal ko naman napatawa naman sya sa inasal ko.

I Fall For Him And He Fall For Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon