“KAILANGAN KO ng tulong ninyong lahat. Maghanap kayo ng bagong malilipatan nitong shop natin.” Wika ni Lauren sa kaniyang mga tauhan. Sinabi na kasi niya sa wakas sa mga tauhan niya ang kalagayan ng shop nila. At tulad ng inaasahan ay nalungkot ang mga ito sa balita.
“Boss, 'asan na po ba si Mr. Aballer?”
“Nasa Amerika na Jong. Kaya hindi mo mababanatan yun.” She heard him click his tongue. Napangiti na lang siya, parang iyon din kasi ang gusto niyang gawin ilang araw bago nito ibalik sa kaniya ang perang ibinayad niya dito.
“Kailangang walang maka-alam ng ginagawa natin. Baka kasi malaman ito ng mga kalaban natin at i-take advantage nila ang temporary transfer natin.”
“Eh bossing, ano po ba ang alok ng Robert Maxwell na iyon sa inyo?” usisa ni Jet.
“Sa Marina niya ako pinalilipat.”
“Sa Marina? Talaga? As in dun sa Marina Business and Leisure Club sa Batangas? Yung pugad ng mga fafables na mayayaman?” patiling sabi ni Jackelyn.
“Paaano mo alam yan?” nakakunot-noong tanong ni Lando kay Jackelyn, sabay ngumiti. “May mga chicks din ba?”
Siniko na lang ito ni Miguel. “Hindi po ba ninyo tatanggapin ang alok niya?”
“Hindi. Ayokong yumukod sa kapangyarihan at kayamanan niya. Hindi ko tatanggapin ang alok niya hanggang may magpapa-upa pa sa atin ng puwesto dito sa Tagaytay.”
“That’s the spirit!” cheer ni Jackelyn.
Hindi nagtagal ay isa-isang nagsialsan ang kaniyang mga trabahador para maghanap ng mauupahang puwesto. Ang natira na lamang sa opisina ay silang dalawa ni Jackelyn. Inutusan niya itong tawagan ang mga nagpapa-upa ng mga lupa o pwesto sa yellow pages ng phonebook, habang siya ay nagtitiis na pagdikit-dikitin ang pinunit-punit niyang kopya ng deed of sale na di hamak na mas malinaw sa kabila.
Isang lalaking nakatayo sa harap ng kaniyang shop ang napansin niya. Ito ang alalay ni Robert Maxwell na kasama noong magpunta ito sa shop niya apat na araw nang nakakaraan. May dala itong paper bag. Nilapitan siya nito.
“Alalay ka ni Robert Maxwell diba?” napangiwi ito sa itinawag niya dito.
“Sekretarya po niya ako.”
“Ganoon ba? Pasensiya na ha?” ngumiti ito.
“Miss Lauren Saramago, good morning po.” Magalang na bati nito sa kaniya.
“Good Morning din. Ano’ng maipaglilingkod ko sa iyo?”
“Ipinasusundo po kayo ni Sir Robert ngayon.” Napansin niyang natigilan sa ginagawa niya si Jackelyn at nakinig sa pinag-uusapan nila ng alalay.
“Bakit daw?”
“Hindi ko po alam kung bakit. Basta ipinasusundo niya kayo sa akin.”
“Sabihin mo sa kaniya, ayoko. Baka ipa-salvage niya ako.”
Natawa ito sa sinabi niya. “Hindi po magagawa ni Sir Robert iyang sinasabi ninyo.”
“Ah. Sabihin mo sa kaniya, ayaw ko.”
“Pero‒”
“Lauren Saramago.” naputol ang sinasabi ng sekretarya nang lumitaw sa hamba ng pintuan niya si Robert Maxwell. Dressed impeccably in his expensive business suit. Aaminin niyang nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. And she liked the way he called her name. Wait. Pause. She liked it? Ipinilig niya ang kaniyang ulo para mawala ang ideyang iyon sa kaniyang utak.
Tiningnan nito ang dokumentong pinipilit niyang pagtagpi-tagpiin gamit ang scotch tape. He smirked, she didn’t like it. “Dapat humingi ka na lang ng bagong kopya, and let me remind you, marami ako no’n.”

BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...