PAGLABAS NI Lauren sa banyo ay nakita niyang naka-upo sa sofang tinulugan niya si RobMax habang nagla-laptop, sa tabi nito ay nakapatong ang first aid kit.
“Wala ka bang mas mahabang short?” tanong niya dito. Hindi naman sobrang ikli ng shorts na ipinahiram nito sa kaniya, pero hindi lang siya komportable dahil medyo mataas ito ng konti sa kaniyang tuhod.
Nilingon siya nito saka pabalang na sinagot. “Wala. Boxers na lang ang kasunod ng shorts kong iyan. At take note, wala akong balak ipahiram sa iyo ang mga iyon. Kahit magmakaawa ka pa.”
“Kalimutan mo na ang sinabi ko.”
Tinapik nito ng dalawang beses ang espasyo sa tabi nito. “Upo ka, titingnan ko ang sugat mo.”
Nagtataka man ay sumunod siya, kaya naman kasi niyang gamutin iyon nang mag-isa. “Gasgas lang naman iyan. Nagdugo lang ng konti. Ako na ang gagamot.”
“No, ako na.”
“Ayoko nga. Ako na, binti ko ito.”
“Ako na nga, coffee table ko ang nakadali diyan.”
“Ako na nga sabi eh, kasalanan ko naman kasi.”
“Ako na nga, ginulat kasi kita.”
“Ang kulit mo. Bakit ka ba nakikialam ng binti ng may binti? Kung gusto mong gumamot ng binting nasaktan, ikaskas mo ang sariling binti mo diyan sa nakamamatay mong coffee table.”
“Ayoko nga, sayang lang binti ko, makinis pa naman, marami pang makikinabang niyan.”
“Yuck.”
“Bakit? Makinis naman talaga ah.” Itinaas nito ang jogging pants nito para ipakita ang binti. Makinis nga. “Ano na naman ba ang iniisip mo? Bastos ka talaga.”
“Hoy, excuse me. Sa ating dalawa, ikaw ang bastos. Nilalahukan mo ng mga kung anu-anong bagay ang mga ginagawa ko. Kahit wala naman talagang bahid ng kabalbalan ang mga iyon.”
Isang malakas na tikhim ang narinig nila mula sa front door. Naroroon at nakatayo ang pinsan niyang si Mitch. “RobMax, pasensya na kung pumasok na ako nakabukas kasi ang pinto. Nakakaistorbo ba ako?”
Sabay silang nagsalita. “Hindi.”
“Ah. Sigurado kayo? Mukha kasing...” tumikhim na naman ito. “Anyway, Lauren pinapasundo ka ng mama mo sa akin. Sa bahay ka daw matulog.”
“Oo nga pala.” Muntik na niyang makalimutan.
“Ako na ang maghahatid sa kaniya sa bahay mo.” Presinta ni RobMax.
“Okay.” Nabigla siya sa mabilis na pagsang-ayon ng pinsan niya.
Nanlaki ang mata niya at pinuntahan ito sa pintuan. Parehas silang humarap sa kabilang panig ng pintuan. “Bakit siya ang maghahatid sa akin?”
“Eh, teka muna. Matanong ko lang, kayo na ba ni RobMax?”
“Hindi no! Paano mo naman nasabi yan? Ano ka ba.”
“Malay mo naman.” Naniningkit na matang binalingan siya ng pinsan niya. Minsan talaga napaka-active ng imahinasyon nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “'Insan, hindi na ako magugulat kung magkagusto ka kay RobMax. Una mayaman siya, pangalawa guwapo siya‒pero mas guwapo ako‒, pangatlo mayaman siya, pang-apat guwapo siya‒pero mas gu‒”
“Wala akong gusto sa kaniya, okay?” pagdidiin niya.
“Okay, okay... sheesh. Anyway, may dinner pa ako kasama ang client ko mamaya at hindi ako uuwi sa bahay dahil obviously sa Manila ako uuwi, kaya heto ang susi ng bahay ko.” Iniabot nito ang susi sa kaniya. “Ikaw nang bahalang magluto para sa sarili mo, and the maintenance people will come tomorrow at 9 am. Be nice to them.”
BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...