---EPILOGUE---

1.2K 17 1
                                    

“MATAGAL PA ba iyan?” tanong ni RobMax kay Lauren. Nakahalukipkip ito habang nakasuot ng race suit para sa gaganaping annual charity race ng Marina. Kasalukuyan silang nasa pitstop ng Marina Race Loop kung saan nagaganap din ang monthly rally ng mga members. Nakaparada sa likod nila ngayon ang Mercedez-Benz CLK350 Convertible at ang kulay yellow na Lamborghini Gallardo ni RobMax.

“Saglit na lang ito. Konting tweaks na lang dito sa shock absorbers ng superbike mo.” Sagot niya habang nakaupo. Tumabi sa kaniya ang kaniyang nobyo at sumandal sa balikat niya. Napangiti siya sa gesture nito. “Ano ‘yan?”

Binalot nito sa katawan niya ang mga braso nito. “Wala lang. Baka kasi ito na ang huling beses na mayakap kita.”

Hinampas niya ang binti nito. “Huwag ka nang magsalita ng ganyan! Isa pa, taunan naman ninyong ginagawa ito diba. Plus, for charity ito. Hindi naman kayo kailangang maging gano’n ka-competitive di tulad ng mga international super bike races.”

“You’ll never know. We men can be really competitive, kahit maliit na bagay lang. For example, there’s only one piece of dumpling left, we would kill for that.”

Natawa na lang siya. “Basta mag-iingat ka.”

“Of course.” Hinalikan nito ang pisngi niya. “I love you.”

Sasagot na sana siya dito nang may tumikhim sa harap nila. Sabay nilang nilingon ito. Napangiti na lang siya nang makita niya kung anong naging hitsura ni RobMax nang humarap ito. Eksaherado kasi ang pagkakakunot ng noo nito, bahagya ding naka simangot ang bibig nito at tila nagbabanta ang mga mata nito. Mahinang hinampas niya ang noo nito, saka ito tumawa.

Tumikhim na naman si Georgina na nakatayo na sa harap nila at naniningkit ang mga mata. “Hoy, love birds. Itigil na ninyo iyan, baka langgamin na kayo.”

“What do you want, Georgina?” tanong ni RobMax dito.

“The race will be starting at five minutes.” Sagot ni Georgina. Binalingan siya nito, “You’ll be waving the flag, so you’ll have to come with me.”

“Sige.” Nagsimula na siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. Tutal naman ay tapos na siya sa ginagawa niya sa super bike ni RobMax. Nilingon niya ang nobyo. “Be careful and don’t crash the bike.”

“Yes ma’am.” Nakangiting sagot nito.

Habang naglalakad sila ni Georgina papunta sa starting point, naalala niya ang halos magli-limang buwan na nilang relasyon ni RobMax. Mula nang magkita sila sa bar hanggang sa muli nilang pagkikita sa shop niya sa Tagaytay. So far it has been a roller coaster ride. There were really painful downs and tons great ups. Napangiti siya. Kahit kailan yata ay hindi siya magsisisi sa desisyon niyang tibagin ang pader na naghihiwalay sa kanila.

Binaybay nila Georgina ang race track at tumigil sa gitna niyon. Iniabot nito ang flag sa kaniya at nagsimula na uling maglakad. Sumunod siya.

“Hep!” baling sa kaniya ni Georgina, “Saan ka pupunta?”

“Diba doon sa booth na iyon yung magwawasiwas ng flag?” turo niya sa kaliwang bahagi ng race track kung saan may naka-elevate na stage para sa flag.

Ngumiti ang kausap niya. “Sa Marina, nasa gitna ang flag bearer.”

“Ha?” kumunot ang noo niya. Naghihintay siya ng sagot pero hindi na nito sinagot iyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Sinapo niya ang kaniyang noo at bumulong sa sarili. Balak ba nila ako patayin? Bakit nasa gitna ang flag bearer? Masasagasaan ako!!

Ilang sandali pa ay pumwesto na sa likuran niya ang mga mangangarera. Anak ng—lintik! Sa kaniya mapupunta ang lahat ng usok ng mga motor! Huminga siya nang malalim at sinimulang pakalmahin ang sarili. Inalala niya ang plano. Una, iikot nang marahan ang mga kalahok papunta mula sa end line papunta sa starting point nang dahan-dahan. Pagkatapos noon ay saka na magsisimula ang karera.

SMILE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon