5

967 15 3
                                    

DOORBELL. Kagabi ay ang doorbell ng bahay ng pinsan niya ang gusto niyang marinig. Baka kasi bumalik yung babae. Doorbell din ang ayaw niyang maririnig sa umaga dahil baka galit na bumalik yung babae. Doorbell. Doorbell. Puro na lang doorbell, ngayon ang gusto lang niya ay baklasin ang doorbell sa bahay ng kaniyang pinsan. Doorbell din kasi ang kasalukuyang nag-iingay sa bahay na naging dahilan ng pagputol ng kaniyang napakagandang panaginip. Ring pa din ng ring ang doorbell. Naiisip tuloy niya na makikigamit lang ng banyo ang nagdo-doorbell sa labas. Nakakahiya naman, baka doon na abutin ito sa front porch. Ayaw pa naman niyang maglinis ng liquid o mas malala, solid na regalo nito sa kaniya pagbukas niya ng pinto.

Nagpo-protesta man ang kaniyang katawan ay wala siyang magawa kundi ang bumangon. Tiningnan niya ang cellphone niya, 6:15 AM. Anak ng pating! Ang aga naman ng nambubulabog sa kaniya, sinasamantala yata nito ang kakulangan niya sa tulog. Puwes, hindi niya ito bibiguin. Matitikman nito ang galit niya, ke aga-aga binubuhay nito ang dragon na natutulog sa loob niya.

Nang hindi man lamang siya lumilingon sa salamin ay tinungo niya ang pintuan. Handang handa na siya bulyawan ang kung sinong patuloy pa din ang ginagawng pag-terrorize sa pobreng doorbell. “Ano ba?! Kung gusto mong manira ng doorbell, yung iyo ang sirain mo! Damn rich people!”

Nakataas ang kilay ni RobMax nang ma-realize niyang ito pala ang nakatayo doon. Nakasuot ito ng white knit wear long-sleeved shirt na v-neck, sa loob niyon suot nito ang isang sando. Kaparis ng pantaas nito ay isang pares ng straight-cut jeans plus a great pair of shoes. Mamamangha na sana siya dito, kaso biglang nagsalita. May dala din itong paper bag. “Right. Good morning din. Nice hair.” Tuloy-tuloy ito sa ginawang pagpasok sa loob ng bahay patungo ng kusina.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin di kalayuan sa kinatatayuan niya. Napanganga siya dahil tayu-tayo ang buhook niya and they’re in all directions. Nang maayos niya ito ay isinara niya ang pintuan saka sinundan ito sa kusina. “What do you want?”

“Coffee heated at precisely ninety-five degrees celsius, with cream and one cube of sugar only. Thank you.”

Nanggigigil na kumuha siya ng tasa, sinalinan iyon ng mainit na tubig saka nilagyan ng isang kutsarang punumpuno ng instant coffee. Hindi pa siya nakuntento at nilagyan iyon ng creamer at apat na kutsarang asukal. Inilapag niya ang tasa sa harap nito saka nakasimangot na umupo sa upuan malapit sa countertop.

“Kumain ka na?”

“Mukha na ba akong kumain? Gusto mo ikaw ang kainin ko? Nangangain ako ng tao.”

“Funny. I’m cooking.” Hindi  na siya sumagot pa at pinagmasdan na lang ito sa ginagawa nito. Naaliw siya sa ginagawang pakikialam nito sa kusina. Para bang sanay na ito doon at alam na alam kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay.

Pinagmasdan niya ito sa pagbukas nito ng ref at yumukod dahil may hinahanap yata. And she couldn’t take her eyes off his... butt. Tinampal niya ang sariling pisngi.

Damn it Lauren! Kailan ka pa naging bastos at tinititigan mo ang pwet ng lalaking iyan! Tigilan mo iyan at nagmumukha kang cheap! Pero kahit sabihin pa niya iyon sa sarili ay hindi pa din niya mapigilang sundan ang... umayos na ito ng tayo at pagtingin niya ay may hawak itong can ng whipped cream. Naglagay ito sa sariling daliri nito saka tinikman iyon. Nainggit tuloy siya. Gusto na rin niya ng whipped cream.

Lumapit ito sa kaniya. Naglagay ng whipped cream sa daliri nitong nilagyan nito kanina. Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. Sari-saring tanong ang nag-pop sa ulo niya. Ipapakain ba nito sa kaniya ang whipped cream? Iingitin ba siya nito? Wala ni isa sa mga tanong niya ang nasagot dahil ang ginawa nito sa whipped cream ay ipinahid nito sa tungki ng kaniyang ilong saka tumawa.

SMILE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon