NAKASIMANGOT SI RobMax nang dalhan ni Lauren ito ng icebag habang nakaupo ito sa sofa. Mula nang lumabas sila sa cr hanggang sa makarating sa bahay nito ay hindi ito nagsalita. Nagi-guilty tuloy siya nang hindi niya alam ang dahilan.
“Did he reject you?” biglang wika nito sa kaniya.
“Ha?”
“Ni-reject ka ba ni Lewis or are you dating now?” nakakunot-noong binalingan siya nito na tila hindi mapakali.
“No and no. Bakit mo naman naitanong?”
“I thought that was the reason why you locked yourself in the girl’s bathroom. Akala ko sinusubukan mo na namang magpakamatay.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Grabe! Ano ba’ng akala mo sa akin? Suicidal?”
“Oo. You had that look in your face again when you left the table.”
“Look? What look?”
“Yung parang...” saglit na nag-isip ito. “Basta.”
Naintriga tuloy siya. Bakit? Ano ba ang hitsura niya? “Anung basta? Bakit? Ano ba ang hitsura ko?” pangungulit niya dito.
“You know what? Let’s drop it.”
“Kaya ba sumugod ka sa CR ng mga babae? Haay... ikaw kasi eh, masyado ka namang nerbiyoso. Matagal talaga mag-CR ang mga babae.” Tinapik-tapik pa niya ang balikat nito.
Kapagkakuwan ay tinaggal din nito ang kamay niya sa balikat at seryoso siyang hinarap. “Huwag mo nang uulitin yan. Kung hindi itatali kita sa poste ng meralco.”
“Alin ang hindi ko uulitin? Ang umihi? Aba, mahirap yata iyan.”
Pinisil nito ang ilong niya saka nakangiting tumingin sa kaniya. “Cute. Pero nakaka-asar.”
Cute? Kinilabutan siya. But she felt this warm fuzzy feeling inside, hindi lang niya pinapansin pero matagal-tagal na niyang nararamdaman iyon. Lalo na kapag nariyan lang sa tabi-tabi si RobMax. Nagulantang na lang siya nang tumunog ang cellphone niya, isang text iyon galing kay Jackelyn. Dalawang salita lamang ang nakita niya sa screen: Time’s up! Nilingon niya ang katabi, should I bring him the news he’d always been waiting for?
Umayos siya ng upo. Magsasalita na sana siya nang bigla itong tumayo at iniwan siya. Pagbalik nito ay isang paper bag na ang bitbit nito, laman noon ang kaniyang mga damit. Ang mga damit na suot niya nang bulabugin siya nito at dinala sa Marina, ang panlalaking damit na ipinahiram nito sa kaniya at ang binili nilang jumpsuit kasama na ang sapatos.
Napansin na lang niya na nang bumalik ito para ibigay ang mga damit niya ay parang naging malungkot ang mga mata nito. “Tara, kain.”
“Hala. Kakakain ko lang kaya.”
“No, you didn’t eat anything yet.”
“How do you know?”
“Ako ang chef na dapat mag-serve sa inyo diba? Alam ko na hindi ka pa nanananghalian dahil si Lewis lang ang kumain ng hinanda ko.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka siya hinila papunta sa kusina. Nagulantang na lang siya nang makitang ang dining table nito ay naka-ayos na tila may date ito. Habang magkahawak pa din ang mga kamay ay nilingon siya nito. “Naudlot ang date ninyo kanina diba? Kaya naisip kong ituloy na lang iyon dito sa bahay.”
Sa hindi niya malamang kadahilanan ay tila lumukso ang kaniyang puso mula sa kaniyang dibdib nang marinig ang mga salitang iyon kay RobMax. Pero agad ding naglaho iyon nang ma-realize niya ang sinabi nito. Ituloy na lang iyon dito sa bahay, agad na sumimangot siya. Ibig sabihin magde-date pa din sila ni Lewis.

BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...