2

1.1K 17 1
                                    

“MR. ABALLER, wala sa usapan natin ito ah. Ang usapan natin, sa akin mapupunta ang lupa after five years. Nakapag-downpayment na ako sa inyo at nangangalahati na ako sa bayad ko sa lupang kinatatayuan ng shop ko. Bakit kailangan pa akong palayasin ng kunsino mang poncio pilato na nakabili ng katabing lupa? Wala naman siyang karapatan na basta na lang ako paalisin dahil hindi sakop ng lupa niya ang akin.” Nakakunot-noong wika ni Lauren sa matandang ahente na pinagbilhan niya ng lupa. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang coffee shop kung saan ipinagpapaliwanag niya ito kaugnay sa natanggap niyang liham kahapon.

“Lauren,” iniabot nito sa kaniya ang isang briefcase. Nagtatanong na tumingin siya sumenyas ito na buksan niya. Pagbukas niya ay nakita niya ang bugkos na limpak-limpak na salapi. “Ibinabalik ko sa iyo ang bayad mo. Pasensiya na ineng pero ang nakabili ng lupang katabi ng iyo ay matagal nang nangungulit sa akin.”

Inilayo niya ang briefcase at pilit na ibinalik ito sa matanda. “Hindi ko matatanggap ito. Ang usapan ay usapan.”

“Tama ka diyan, Lauren. Ang usapan ay usapan, kaya nga nang magkaroon ng interes si Mr. Herrera kasama ang kaniyang ngayo’y namayapa nang ina sa pagbili ng katabing lupa limang taon nang nakakaraan, hindi na ako nag-atubili na ibigay sa kaniya ang lupa. Ngunit nang malaman nito na may katabing talyer ang kaniyang lupa ay agad siyang nagprisinta na bilhin iyon.”

“Ano?! Pumayag naman po ba kayo?”

Tumango ang matanda, bumagsak ang mga balikat niya. She couldn’t believe it. Nagawang baguhin ng Robert Maxwell na iyon ang isip ng kaniyang ahente! Ano ba ang problema niya sa buhay? Ganito ba siya maningil ng utang-na loob? To think na nagustuhan ko ang lalaking iyon sa ospital! Napahigpit ang hawak niya sa handle ng tasang iniinuman niya ng kape.

“I hate to say this to you hija, but it was a bad investment for the both of us. Humanap ka na lang ng malilipatan mo.”

“Saan ba niya ako balak ilipat?”

“I don’t know hija, you should talk to him about that. Now, if you’ll excuse me I have an appointment with my doctor.” Iyon na lamang at umalis na ang matanda, ang naiwan na lamang sa lugar nito ay ang briefcase na naglalaman ng kaniyang ibinayad para sa lupang hindi din niya magagamit.

Nag-ring ang telepono niya, si Jackelyn iyon. “Lauren! Andito sa opisina mo yung macho guapitong nagpadala ng sulat! At kasama niya si Adonis!”

Nag-init ang kaniyang ulo sa narinig. Ibig sabihin ay nasa shop niya si Robert Maxwell. “Paalisin mo siya sa opisina ko! Sabihin mo may allergy ako sa mga katulad niyang hindi marunong maningil ng utang na loob sa maayos na paraan.”

“Hindi ako naniningil ng utang na loob kung iyon ang iniisip mo.” Natigilan siya sa baritonong boses na narinig niya imbes na matinis na boses ni Jackelyn.

“Wha– who’s this?” mataray na tanong niya.

“I need to see you here in your office now. Paano mago-operate ng maayos ang shop mo kung wala ang mismong may-ari?” Ibinaba na nito ang linya bago pa siya makapagsalita. Kaya binayaran niya ang kapeng ininom niya saka nagmartsa palabas ng coffee shop at dumeretso sa kaniyang talyer.

Naabutan niyang prenteng nakaupo sa visitor’s chair ang isang lalaking noon lang niya nakita. Naalarma siya dito kaya agad siyang lumapit sa kaniyang mesa. Nang makita siya nitong pumasok sa opisina ay agad itong nagpaalam, tumayo at lumabas. Pagtingin niya sa may pintuan ay doon nakahawak sa door knob si Robert Maxwell at saka isinara ang pintuan.

“Kamusta na ang pakiramdam mo, Lauren?” tanong nito.

Umupo siya sa kaniyang swivel chair. “Ayos na naman. Kung gusto mo ng kabayaran sa hospital fees, sabihin mo lang at babayaran ko.”

SMILE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon