8

786 13 2
                                    

I’M SORRY for making you go through all this. Ito ang mga salitang umaalingaw-ngaw sa utak ni Lauren magmula nang magkita sila ni RobMax. Dalawang araw na siang stuck sa mga salitang iyon na binitiwan ng binata. Idagdag pa ang pagyakap na ginawa nito sa kaniya. Tuwing mai-isip niya iyon ay hindi niya mapigilang kiligin at mapangiti.

“O, bakit napapangiti ka diyan?” nakangiting usisa ni Mitch sa kaniya na kasalukuyang nagmamaneho. Kasalukyan silang nasa biyahe papuntang Marina, ngayon na kasi siya lilipat doon.

Pabirong sinuntok niya ito sa braso. “Huwag ka na ngang magulo diyan at mag-drive ka na lang.”

“Sus, excited ka lang eh, makikita mo na kasi ulit si RobMax.” Panga-asar nito sa kaniya.

“Mitch, sige, isa pang asar.”

“Mas matanda kaya ako sa iyo.”

“So?”

“It means, may karapatan akong mang-asar sa iyo.”

“Para kang babae.”

“In what way?”

“Yan, yung pagiging tsismoso mo.”

“Hindi ako tsismoso. Curious lang. Tinetest ko kung sasabihin mo ang totoo.”

“May curious bang nanga-asar?”

“Oo, yun ang brand ko ng pagiging curious.”

Hindi pa siya nakakasagot ay nag-ring ang telepono nito. Since hindi nito gawaing sumagot ng telepono habang nagmamaneho, siya na ang kumuha ng telepono ng pinsan niya.

“Mitch kumusta na si Lauren?”

“Mama?” nagulat siya sa tumawag. Hindi niya akalaing tatawag ng ganoong oras ang mama niya kay Mitch. Nilingon niya ang katabi, waring nag-focus ito sa pagmamaneho na sinabayan pa ng pagpito.

“Lauren? I have no idea na magkasama kayo ni Mitch ngayon.” Gulat na untag sa kaniya ng nasa kabilang linya.

“I’m moving,”

“Where to?”

“Sa Marina.”

“Ngayon ka lilipat? Hindi nasabi sa akin ni Mitch yan ah.”

“Why would Mitch tell you that? Have you been spying on me?”

Narinig niya ang distressed na boses ng mama niya sa kabilang linya. Bumagsak ang balikat niya. Kapag ganoon na kasi ang tono ng boses nito, hindi na niya kayang magalit dito. “Its because you never called me. Wala kang sinasabi tungkol sa kung anong ginagawa mo.”

“Ma, tatawagan kita mamaya. Mag-usap tayo.”

“There’s no need, since sabi mong sa Marina ka lilipat, pupunta na lang ako diyan.” Iyon na lang ang sinabi nito sabay baba ng telepono. Nilingon niya ang katabi na ngayon ay nakatingin na sa kaniya.

“I hate you,” sabi niya kay Mitch.

“C’mon couz,” ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat, “we all care for you. I know you know that.”

“Hindi mo naman kailangan mag-spy sa akin.”

“I’m sorry okay? Alam mo namang hindi ako maka-hindi kay tita.”

“Kuu, takot ka lang kay mama eh,”

“Well..”

Nang lumingon siya sa labas ay nakita niya ulit ang pamilyar na lugar na iyon, ang Marina. She opened the windows and breathed the fresh air. I guess ito na ang home sweet home ko, sabi niya sa sarli.

SMILE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon