“HELLO?” ISANG tinig mula sa hagdanan ng kaniyang ngayon ay magulo pa ding bahay ang narinig ni Lauren. Boses ng babae iyon, at hindi na niya kailangan pang manghula kung sino ang ngayo’y umaakyat sa kaniyang hagdanan. Ang nakangiting mukha ng mama niya ang nabungaran niya.
“Hi ‘Ma. Upo kayo”
Nilibot nito ang tingin sa kaniyang bagong titirhan. “Nice place.”
“Hindi pa ako tapos mag-ayos ng mga gamit ko dito kaya pagpasensyahan na ninyo kung ganito kagulo ang paligid.”
“Honey, I don’t even mind it. Its the place you have earned with your hard work. Ngayon ay magiging kampante na akong ibigay sa iyo ang kumpanya natin.”
Tinabihan niya ang ina, she really has a soft spot on her mother. Kahit na minsan ay hindi sila nagkakasundo. “Ma, masyado naman kayong nagda-drama diyan.”
“I’m not getting any younger, Lauren. Gusto ko nang magka-apo.”
“Mama!” saway niya dito.
“Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit kita pinapa-blind date eh.”
“Hindi ba parang masyadong maaga naman para mag-demand kayo ng apo? At isa pa, wala naman akong ka-relasyon ngayon kaya paano mangyayari iyon?”
“Anong maaga?” napalingon ito sa paper bag na nakapatong sa mesa niya. Iyon ang damit na gagamitin niya sa welcome party mamaya. “What’s this? May date ka mamaya?”
“Welcome party.”
Tumaas ang kilay ng mama niya nang makita ang dress na nakalagay doon. “Let’s get you ready. Ano bang oras ang ‘welcome party’ mo?”
“Eight o’clock?”
“Eight o’clock?! Magse-seven thirty na Lauren!”
“So?”
“Get out of those clothes already!”
“DUDE, relax. Wala pang eight no.” Saway sa kaniya ni Fran na ngayon ay umiinom na sa bar ng clubhouse.
“Huwag ka munang uminom, wala pang eight no.” Panggagaya niya dito. “Am I a bit overdressed?”
“For a welcome party, yes. But for a date, no.” Seryosong sagot ni Charles na ngayon ay nakalingon na sa kaniya. He’s been fiddling with his phone lately. At dahil doon, inaasar ito ng mga kapuwa members doon. Hindi kasi ito mabantay sa cellphone, pero nitong mga nakaraang araw lang ay parang lagi itong may hinihintay na tawag. And they’re guessing that its a girl.
“Lewis,” tawag ni Eneri sa bagong dating, awtomatikong nilingon niya ito.
“Gentlemen, good evening,” pormal na bati nito sa kanila at saka lumingon sa direksyon niya, “RobMax.”
Sa isang iglap ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi na kailangan pang manghula ng mga kasama niya kung ano ang pinag-ugatan ng tensyon sa pagitan nila.
“Hey, Lewis, matagal ka na naming hindi nakikita ah,” sansala ni Fran na ngayon ay naka-akbay na dito. “You want a drink?”
“Wag muna Fran,” lumapit ito sa kaniya, “Relax pare, I came here with a date.” Pumasok mula sa bar ng clubhouse si Miranda na ngayon ay nakikigulo na kina Eneri.
“Good.”
“I’m not stealing your girlfriend away. Ngayon pang na-confirm ko na seryoso ka sa kaniya.”
Hindi pa siya nakakasagot dito nang dumating si Mitch at akbayan siya nito saka siya kinausap ng masinsinan palayo sa kaniyang mga kaibigan. “Tandaan mo ito, RobMax. Sa oras na paiyakin mo ang pinsan ko, I swear to God, uubusin ko ang milyones mo.”
BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...