“BOSSING, may padala na naman ho sa inyo.”
Tiningala ni Lauren si Boyet na may hawak na bouquet ng red roses. Agad na dumapo ang mga mata niya sa nakalagay na card sa gitna ng mga naglalakihang mga rosas. Napasimangot siya. Hindi na niya kailangan pang manghula kung sino ang nagbigay noon dahil iisang tao lang naman ang ilang linggo nang nagpapadala ng mga bulaklak na iyon sa shop niya.
“Pakilagay na iyan sa basurahan, Boyet.” Utos niya sa tauhan.
“Bossing naman...”
“Boyet, utang na loob, gawin mo na lang ang pinagagawa ko sa iyo. Kung gusto mo, iuwi mo na lang iyan kay Leslie, para naman matuwa ang asawa mo.”
“Talaga?”
Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa mesa. “Kailan mo huling binigyan ng bulaklak ang asawa mo?”
Napakamot sa ulo ang kaniyang tauhan na sinamahan pa nito ng isang ngiti.
“Sabi ko na nga ba eh. Iuwi mo na lang iyan. Basta tanggalin mo yung card.”
“Salamat bossing.”
“Sige na.”
Nang lumabas ng opisina niya si Boyet ay sumandal siya muli sa kaniyang swivel chair. Ipinikit niya ang mga mata at nag-isip. Narinig niya kung paanong magbukas-sara ang pintuan ng kaniyang opisina.
“Lando, kuhanin mo na yung susi para makapagsara na tayo.”
Narinig niya ang yabag na imbes na pumunta sa kinalalagyan ng mga susi ay tumigil lamang sa tapat ng desk niya.
“I’m not Lando.”
Napabalikwas siya mula sa kinauupuan niya at agad na nilingon ang bultong nasa tapat niya. Inayos niya ang kaniyang buhok at umupo ng ayos. Ilang linggo na din magmula nang huli silang nagkita. Bahagyang tumigil ang kaniyang mundo nang sa makita niya ulit ito sa unang pagkakataon. Pero hindi siya pwedeng magpadala dito. Tumikhim siya at tininingnan niya ito ng diretso sa mata at saka siya nagsalita.
“Why are you here, RobMax?”
D-in-igest niya ang hitsura nito. Oh how long has it been since she last saw him? He’s wearing a crisp white polo underneath a grey vest and a cream colored coat. He had a pair of semi skinny jeans on and beige Sperry’s topsider. Dumako muli ang mga mata niya sa mukha nito. He grew stubbles which enhaced his look and a pair of black wayferer glasses.
“I’m here to talk about what happened the last time we saw each other.”
Sinapo niya ang kaniyang sentido. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.”
“I don’t think so.”
“RobMax, ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Nakuha mo na ang lupa mo diba? Go run along with your rich friends.”
“What? I didn’t come here to talk about the land. I’m here because I want to talk about us.”
“There’s no ‘us’.”
“I beg to disagree.”
Tumayo na siya para iabot kay Lando ang susi ng shop niya na kanina pang nakatayo sa labas ng opisina niya. Nang maiabot niya dito ang susi ay hinarap niya ang bisita niya.
“You have to go.”
“Lauren, please. Listen to me.” Wika ni RobMax na waring nagmamakaawa. Ugh. She hates it when she sees him like this. Pero kailangan niyang maging malakas. Lalo na kapag nasa harap niya ito.
“You have to go. Magsasara na kami dito.”
Lulugo-lugong lumabas ito ng opisina niya. Pinagmasdan niya kung paano ito lumakad palabas ng shop niya. At sa bawat yabag ng mga paa nito ay unti-unting bumibigat ang dibdib niya. Nang makarating ito sa sasakyan nito ay binigyan siya nito ng isang mapait na ngiti bago ito tumuloy sa loob.
BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...