7

780 11 0
                                    

“DUDE, nagawa ko na ang pinapagawa mo sa akin. Naharang ko na ang lahat ng pwedeng magpa-upa sa kanila. So maybe you should also stop this charade. Nakokonsensya na ako eh.”

Pakiramdam ni Lauren ay nabuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya in-expect ang narinig niya mula sa kabilang linya. Biglang nag-init ang ulo niya. In the end, napili niyang ibunton ang sampung porsyento ng galit niya sa pobreng telepono at marahas na ibinagsak iyon sa sahig.

“I can’t believe this.” Nagmartsa siya papunta sa pintuan, nagdilim ang kaniyang paningin nang pigilin siya ni RobMax na maka-alis sa lugar na iyon. Narinig niyang may sinabi ito, pero hindi na niya ito napansin. Isang mura sabay suntok ang sinalubong niya dito.

Nang makalabas siya ng bahay ay saka niya tinawagan si Jackelyn. “Walanghiya ang RobMax na iyan! Tandaan mo ito Jackelyn, kahit kailan ay hindi tayo aalis sa pwesto natin. Itaga mo iyan sa bato!”

“Argh, sister ang sakit sa ears! Ano ba ang nangyari sa inyo ng macho guapitong nagngangalang Robert Maxwell?”

“Never, ever, say that name in front of me again Jackelyn. Or else sesante ka. Seryoso ako dito.”

“Okay, okay...” bumuntong-hininga ang kausap niya. “So back to the normal operating hours tayo?”

“Oo. And I’m coming back in about an hour.” Nang ibaba niya ang telepono ay tinawagan niya kaagad si Mitch. Kailangan na niyang bumalik.

NANLAKI ang mga mata ni Lauren nang makita kung sino ang nakaupo sa office niya. It has been three weeks since makita niya iyon. Nilingon niya si Jackelyn na nagtaas-baba lang ng balikat habang nakatingin din sa kanya. Bumuntong siya ng hininga at saka pumasok sa loob. Nang pumasok siya ay agad na napalingon ang nakaupong iyon sa kaniya. Isang paper bag ang dala nito.

“Anong ginagawa mo dito?”

“I came here to return your stuff.” Sagot ni RobMax na seryosong nakatingin sa kaniya. “I had it cleaned and pressed.”

Tiningnan niya ang laman ng paper bag, laman niyon ang mga damit na sinuot niya mula ng isama siya nito papuntang Marina hanggang sa umalis siya. Kinuha niya ang mga damit niya at iniwan ang ibinili nito sa kaniya.

“Bakit hindi mo kinuha yung damit na ibinili ko sa iyo?”

“I’m not taking it. That’s not mine.”

“Just take it. Wala naman akong paggagamitan niyan.”

“Malay mo, one day bumigay ka. At least may susuotin ka na.”

“Lauren Saramago, are you questioning my manhood? Because I can easily prove you wrong.” untag nito sa kanya. Agad naman siyang napalingon dito. May kakaibang kislap sa mga mata nito na naging dahilan kung bakit siya nahirapang lumingon palayo dito.

Pumikit siya ng bahagya saka bumuntong-hininga. “Let’s get back to business. Anong ginagawa mo dito?”

“I came here to talk since hindi mo sinasagot ang phone mo.”

“I changed my number.”

“When?”

“As soon as I got out of Marina, baka kasi hindi mo ako tantanan sa kakatawag. Mabuti nang sigurado.”

“Do you really hate me that much?”

“Tinatanong pa ba iyan?”

“Why?”

“Seriously? You’re asking me why?!” tumaas na ang boses niya. Nang lumingon siya sa paligid ay napansin niyang nakatingin na sa direksyon nila sina Jackelyn at ang iba niyang mga tauhan. Napabuntong-hininga na naman siya saka kinalma ang sarili. “Can we talk somewhere else?”

SMILE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon