LAUREN WAS banging her head to the music. Nasa loob siya ng isang club sa Makati at kasalukuyang nagre-relieve ng stress. Kagagaling lang niya sa isang blind date at may nadagdag na naman sa listahan niya ng mga nagulpi niyang dates. And frankly, she’s getting tired of it. Ang gusto lang niya sa buhay ay ang makawala sa mahigpit na pamamamalakad ng kaniyang ina at mga sosyalerang, konserbatibo at ubod ng mapagmataas na mga pinsan.
Nilagok niya ang baso ng alak at malakas na inilapag ito sa counter top ng bar. Naalala niya ang black-eye na iniregalo niya sa ka-date niya kanina, napangiti na lang siya. Ininsulto kasi siya nito, kaya hayun, isang umaatikabong suntok sa kaliwang mata ang natanggap nito.
Pinadaan niya ang kaniyang daliri sa kaniyang maiksing buhok at naglapag ng isang buong isang libo sa counter. Nang makalabas siya ng bar ay biglang naging mabuway ang kaniyang lakad at ang inaasahan niyang paghalik niya sa semento ay hindi nangyar dahil may kung sinong sumalo sa kaniya.
“Oops!” ani ng isang baritonong boses. Nakasandig siya ngayon sa matatag nitong braso at nanuot sa kaniyang ilong ang pabango nito. “Are you alright, miss?”
Napangiti siya sa itinawag nito sa kaniya. Miss. Isang simpeng salita na hinahanap niya sa mga lalaking nakaka-blind date niya. “Pakiulit nga ang sinabi mo.”
“Uuh, miss? Nagmamadali kasi ako eh, so baka pwedeng umayos ka na ng tayo?”
Sinunod naman niya ang sabi nito saka nagtungo sa sariling sasakyan na coincidentally ay katabi din ng kotseng dala nito. Hindi nito alam na kinuha niya ang calling card na nakasukbit sa polo nito. Robert Maxwell Herrera, nice name.
“Robert Maxwell? Ikaw ba yon?” tanong niya sa lalaki.
Nabiyayaan naman siya ng isang napakagandang ngiti mula dito. “Yes.”
“Nice name. I like it.”
“Thank you.”
“Akin na lang ‘to ha?” untag niya nang bigla na lamang siyang nahilo at napakapit sa kaniyang kotse.
“Miss?” Atwomatikong napalingon siya sa lalaki. Kapag iyon talaga ang tinatawag sa kaniya, pumapalakpak ang tainga niya. “May kasama ka ba? Mukha kasing hindi mo kayang magmaneho mag-isa, ihahatid na kita sa inyo.”
Doon nawala ang pagkalasing niya. Hindi niya gawaing magpahatid sa kung sino lang na hindi naman niya kilala. Na-alarma pa siya lalo nang lumapit ito sa kaniyang direksyon. Kaya naman isang umaatikabong black-eye din ang natanggap nito mula sa kaniya. Napasinghap ito, napangisi lang siya.
“Ow!” sigaw nito sabay sapo sa nasaktang mata. “You insufferable woman!”
“Hah! Akala mo ha, hindi por que lasing ako ay kaya mo na akong mauto! Wais ‘ata ‘to!” sigaw niya dito saka binuhay ang sasakyan at pinaharurot ito palayo sa club na iyon.
“Ako na nga ang nagmamagandang loob dito, ako pa ang sinaktan mo!” habol nito sa kaniya.
Ngumiti siya nang mapait. “Pareparehas lang kayong mga lalaki. Mga panlabas lang na anyo ang nakikita ninyo.”
Minsan na din kasi siya umibig, kaso nabulilyaso lang nang malaman niya na ang kaniyang hinayupak na kasintahan ay ginagawa lang siyang ‘trophy’. Maganda naman kasi siya and not to mention, galing sa mayamang pamilya at ito lamang ang habol ng ex niya. So she ended the relationship with a broken heart. She cut her long hair and changed her style, nagsawa na din siya sa karangyaan na nakikita niya kahit saan siya lumingon kaya nag-move out siya sa bahay ng mga magulang niya.
Hindi naman siya pinigilan ng mga magulang niya sa mga pagbabagong in-adapt niya dahil ang katwiran ng mga ito ay makabubuting maintindihan nia ang buhay ng mga nasa ilalim para kapag nasa tuktok na siya ay hindi siya mahirapang pakisamahan ang mga ito. Akala din ng mga ito na nagrerebelde siya at hinayaan na lamang siya para daw maranasan muna niya kaysa naman sa magrebelde siya kapag hawak na niya ang family business.

BINABASA MO ANG
SMILE.
RomanceMeet Lauren Saramago, a tough no-nonsense chick na sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae dahil sa payat niyang katawan at maikling buhok. And then meet Robert Maxwell Herrera, a business and culinary god. He is elusive, dashing and elegant, he...