Siguro, mga 3% lang ng mga Pinoy Wattpad readers ang hindi kilala ang legends. And when you say legends, isa na dun ang COUREAN couple. And when you say COUREAN, it is made up of protons and neut--dejoke. Syempre basta COUREAN, Chanel Courtney Celemente Chua at Kean Patrick Tolentino Padua agad 'yan.
I just admire this couple so much. Alam mo yung kahit pangalan palang nila ang marinig ko, mararamdaman ko kaagad yung unexplainable feeling tuwing binabasa ko ang Three Words. Speaking of Three Words, 'yang story na yan siguro ang most outstanding, excellent, leading, terrific at supreme na story para sakin. (Sheet. Guilty reading. Haha.)
Okay, aaminin ko ha, alam naman nating lahat na yung pagsulat ng Three Words ay medyo, you know. Alam ko 'yan. Aware na aware ako habang binabasa ko palang yung story. Kung sa ibang story, pag ganyan yung way ng pagsulat, natuturn off na agad ako pero bakit ganun? Hindi ko inalintana ang writing style ng author kahit alam kong medyo off siya sa tamang pagsulat. Haha. Guilty reading nga kasi! XD /gets shot.
Pero oy, try niyo basahin yung Book version nun. Ang ganda kaya. I assure you. (Kahit 'di ko pa natapos! Haha.)
Mapunta tayo sa characters,
Gusto ko si Kean Patrick Tolentino Padua (Oo, full name talaga dapat. Haha.) hindi dahil I.C niya si Mario Maurer kundi dahil siya si Kean Patrick. Alam mo, yung mga effort niya, yung kasweet'an niya, yung pagmamahal niya kay Chanel ay kailanman hindi mapapantayan ng kahit sino.
Si Kean? Yung masungit ngunit sweet pagdating kay Chanel? Siya yung tipong may allergy sa ibang babae at pwedeng bilangin sa daliri ang mga babaeng kinakausap at pinapansin niya? Pero yung kahit ubod siya ng sungit, nagagawa niya paring iexpress ang kaniyang marubdob na pagmamahal niya kay Chanel. Yun oh.
Tsaka kung akala niyo mabait 'yan? Hah. Akala niyo lang. Okay. Haha. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Lol. Kean, nakakaspeechless ang beauty mo.
Kung si Kean ay gwapo, syempre siya rin ay matalino--parang Ameyzeng lang diba?
Alam nyo yung nearly perfection? Si Kean yun eh.
Looks + Intelligence - Attitude
HAHAHAHA. Masungit at pilosopo kasi. Doesn't matter. Those attributes made him more attractive. Uy, aminin.
At si Chanel naman, paano ko ba siya idedescribe? She loves pink? Lol. Given na kasi na maganda si Chanel eh. Maganda, matalino, Sexy... ano pa ba? Head Turner?
Basta. She's the epitome of Drop Dead Gorgeous.
Isa rin sa mga nagustuhan ko kay Chanel ay yung pagka selfless niya. Hindi siya makasarili. Hindi siya self-centered. She even gave up her happiness para sa Mama ni Kean diba? Even Kean's proposal. She rejected it for the sake of Kean's mother. Imaginin mo kung gaano kasakit 'yun, alam mo yung na eh. Nagpopropose na yung mahal mo sayo tapos irereject mo pa? Kung hindi ka ba naman tanga. Pero wala eh, mas pinili ni Chanel gawin ang 'dapat' kesa sa 'gusto' niya .
I also like how she value her friends. Hindi nga ako makapaniwala na agad agad na mapapatawad ni Chanel si Cass. Grabe! Kamuntik na siyang mapatay ni Cass and the fact na bestfriend niya pa ang papatay si kanya. Ang sakit lang diba? Maiintindihan ko pa kung nagbibitch around muna siya kay Cass and in a matter of time, mapapatawad na niya si Cass pero hindi. Haha! Ilang araw lang ba ang nakalipas? Bati agad sila eh. Jusme. Ikaw na Courtney!
To end this, I can say that
#NaCOUREANako. ;)
----
Kean And Chanel of Three Words Eight Letters, Say it, Im yours. 1 & 2
Ikaw, Courean ka rin ba? :)
BINABASA MO ANG
Favorite Watty Characters
FanfictionMga sikat ang characters dito mostly kaya pwedeng Favorite Famous Wattpad Characters ang title. Mind to leave some comments and votes? If you could, it would be much appreciated! :) Kamsahaeyo ~ Shiinri for the awesome cover once again xD