Jared Dela Cruz

1.5K 12 4
                                    

Masyado nang late si Pula dito. Dapat kasi nasa Top 10 ang lalaking 'to eh. Tulad ni Dylan, nakalimutan ko rin siya. XD

Sooo.. Red Dela Cruz? Gustong gusto ko yung kawalanghiyaan niya. Mula sa pagiging makapal ang mukha at pagiging playboy, tanggap ko ang lalaking 'yan. Pati narin kung paano niya protektahan si Audrey kahit laging nagbabangayan ang dalawang 'yan. As well as his love for Samantha. Gustong gusto ko 'yun.

Hindi ko rin malilimutan kung gaano siya kaadik sa paglagay ng BB Cream sa mukha. Minsan nga napapaisip ako, baka baluktot ang kasarian nito? Tapos nambababae lang para mapagtakpan ang katauhan. XDDD

To be honest, Jamantha shipper ako. Pramis. XD Inner self ko ang may gusto sa Jamantha pero dahil tanggap kong Samantop ang magwawagi, edi sigi na nga lang. Samantop nalang din ako. XD Hahaha. Pero Jamantha talaga ako sa totoo lang. Okay, labo ko.

Bakit? Bakit Jamantha ako? Kasi akin lang si TOP. Huehue.

Dejuks lang.

'Yun nga, Jamantha shipper talaga ako. Sino nga ba 'yung nagsabi na, Kapag kasama mo daw si Red, mas thrilling. Mas nakakaexcite. 

Hindi ko matandaan kung sino ang may sabi nun. Si Samantha rin ata? Di ako sure. Haha.

Pero tama nga siya. Hindi naman sa gusto ko lang si Red dahil sa excitement, yung kasweetan niya minsan malelevel mo din kay TOP. At kahit gago ang isang 'to, kung mahal ka niya, mahal ka niya talaga. Isang factor rin na nagpalambot sa puso ko ay yung mga sakripisyo niya. Yung tungkol sa rules ng gang nila. </3 Kaya ayun, ang sarili niyang rule, siya rin ang lumabag pero he chose to let go parin. Ang sakit lang.

Miss na miss ko na si Pula. TT-TT Lagi namin siyang pinag uusapan kasama ang klasmeyt kong Jamantha shipper rin. :/

Favorite Watty CharactersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon