Pasok na pasok siguro si Avah sa TOP 10 Favorite Wattpad Characters na lista ko.
Si Avah kasi.. kakaiba. Kakaiba in a bad and good way.
Kakaiba siya kasi usually ang mga ugali ng watty characters ay medyo mabait, loser, like you know. Alam mo na yan kung Watty reader ka. Pero si Avah? Jusme. Her story title tells it all. Avah Maldita.
Nung una ko 'tong nabasa, talagang napanganga ako sa mga linya nya. As in yung parang mapapasabi ka ng, 'Ang hard nun ah?'
Kakaiba siya in a good and bad way kasi syempre alam naman nating yung maldita ay negative attitude,'diba? But yung pagmamaldita niya ay palaging may point! Yung kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang sitwasyon, may punto talaga siya.
Syet ang hirap iexplain. XD
Basta. Bawal tanga pag kaharap si Avah.
Bet ko rin yung linya niyang 'Stupidents at Tanga-hanga'. Hahaha! Ang hard lang.
Aside sa mga maldita lines ni Avah, mapupulutan din ng aral si Avah kahit maldita siya eh. 'Show the real you'. Ganyan ang nakikita ko sa story. You don't need to pretend just to impress and please them. Just be yourself. Kung maldita ka, edi magmamaldita ka. Kung suplada ka, edi magsuplada ka. Kung snob, laitera, spoiled ka, edi gumanun ka! XD Basta ilugar mo lang. Ano magagawa nila kung ganun ka diba? Respetuhin nalang natin ang isa't isa.
Kulang ang isang Avah kung hindi siya Maldita.
Kaya nga Avah Maldita, 'diba?
--
Avah Chen of Simplychummy's Avah Maldita
BINABASA MO ANG
Favorite Watty Characters
FanfictionMga sikat ang characters dito mostly kaya pwedeng Favorite Famous Wattpad Characters ang title. Mind to leave some comments and votes? If you could, it would be much appreciated! :) Kamsahaeyo ~ Shiinri for the awesome cover once again xD