Special Chapter: Saan Kami Pupunta?

1.6K 9 0
                                    

Walang character review na magaganap rito. Isa itong story-review kuno. Hahaha! Walang character review, pure feels ko lang dito tungkol sa story. XD

*

Nabasa niyo ba yung 'Saan kami Pupunta?' ni author ruerukun? Kung hindi pa, aba'y mabuti iyan.

Sheet lang kasi. Parang nawindang talaga ang buong katawang lupa ko sa novel. Sa mga scenes. Sa mga tirahan ng linya. Sa mga explanation. Sa lahat lahat!

Ahhhh! Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na binasa ko 'yan dahil tae pakiramdam ko nababaliw narin ako. Initial reaction ko lagi, 'Dafuq, ano yun?' Parang ganun! Aaah! O kaya naman ituturi kong maswerte ang aking sarili dahil nakabasa ako ng 'one of a kind' na novel.

Nababaliw na talaga ako!

Ang lalim. Napakalalim ng storyang 'yan. Hindi ko alam. Basta ganun ang tingin ko sa story. Siguro dahil malimit lang ako bumasa ng mga ganiyang genre kaya minsan lang din ako makakaencounter ng ganiyang uri ng storya.

Ewan! Ang kwentong 'yan nagpatayo ng balahibo ko. Nakakawala ng utak! Nakakawala ng tamang pagiisip! Aah! Suitable ba 'yun sa mga musmos na katulad ko? Jusko! Ako'y trese anyos pa lamang at labis na nakakaistorbo ang storyang 'yan!

Lols. Biro lang. Pero totoo, I found that story disturbing. Hahaha! Ang arte ko! Okay. Pero try niyo kaya basahin 'yun?

Okay. Hindi ko talaga pinagsisihan na binasa ko 'yun at all. I want to try something new. Romance? Teenfics? Kaumay kaya! Kaya nadayo ako sa mga ganiyang genre at natagpuan ko ang ganiyang istorya.

The first time na binasa ko 'yung story, I thought it was boring. Lalim ng tagalog? Pati yung character? Yung mga ganun? Pasensya. Nasasanay na kasi sa mga teenfics. Hahaha. Pero di kalaunan naisip kong, babasahin ko nalang kasi professionally made daw, e. Wala namang mawawala saakin. Kesa naman magbasa ako ng mga pipitsuging romance and teenfics story diyan na makakasakit pa sa mata ko. Pero tae, hanggang 'I thought' lang ako kasi nung nasa 'hamog' part na ako... parang nagising lahat ng diwa ko't nahook na ako ng tuluyan sa story! Alam mo yung reaction mo na parang, 'Wow? Bago!'

Nabigay ng story na 'yan ang 'something new' na hinahanap ko rito sa Wattpad. Eto talaga 'yun, e. Yung hinahanp kong different world different dimension na story!

At first, parang naguluhan ako sa unang nangyari but then later on nung nabatid nilang literal na napagiwanan na talaga sila ng panahon, mas lalo akong ginanahang magbasa! Hahaha! I just found this one awesome and disturbing at the same time.

And heck! The ending. Ending na nga ba 'yun? Mas lalo akong nagulantang dun! Parang Sheeet. Hindi siya si ano..? Bastaa! Ang hirap iexplain. Ang dami kong feels na naramdaman nung binasa ko 'to! Halong excitement, kaba, curiosity at kung ano ano pa! Pakiramdam ko talaga andun din ako sa kwento. Yung mala-Silent Hill ang dating niya. Kaso hamog lang yung nandun, hindi ash. XD Pero naiimagine kong parehas lang ang ng Silent Hill lugar sa Avenida, mas Pinoy type nga lang sa Avenida. Lols.

Madilim...Tahimik.. at Nakakapanindig balahibong lugar.. XDD

Tulad ng Bloody Crayons, itong story rin ang nagbigay saakin ng kakaibang feels kahit walang lovestory na naganap! Eto talaga ang astig, e. 'Di mo kailangan ng pak na pak na nakakakilig na linya para maparamdam mo sa reader ang 'feels' na hinahanap nila. Sa story kasi talaga 'yun at sa galing ng author. .

Anyway, para may kunek naman ang inilagay ko dito sa Fav. Watty Chrchtrs, meron din akong favorite character dun.

si Hesus.

Ewan! HAHAHA! Wala namang gwapo sakanya. Walang macho or suplado epek or abs abs kasi sa totoo lang, matanda na 'yan.

Gustong gusto ko kung paano siya magisip. Kung paano niya tinitingnan ang bawat sides and situations. I love his humor. Basta. Astig talaga ng character na 'yan. XD


Favorite Watty CharactersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon