Angelo Gabriel Villegas

2.1K 19 11
                                    

Imba talaga para saakin ang mga stories ni BlackLily. Panalong panalo \m/

Nadagdagan nanaman ng isang character. And that character is none other than...

*drumroll*

Gabriel!

[EDIT 131119]

Nung nag story marathon ako sa mga stories ni ate Blacklily, nabasa ko yung ibang stories ng Villegas cousins at nabwisit talaga ako ng bongga kay Gabriel. May mga cameo siya dun, e. HAHAHAHA! Shete. Uunahan ko na dito, ah? Isa't kalahating gago din pala itong si Gab. HAHAHA Langyaa! Whatever Gab. Binabawi ko na ang mga papuri ko sayong bwisit ka. HAHAHAHAHAHA. Alam ko naman na hindi talaga ganun si Gab sa story palang niya. Pero akala ko siya'y isang, you know, gentleman, goodboy. Parang ganun? Tanggap ko na sana na trip niya lang ganun magsalita kaso yun pala ano rin siya.. Hadshhahdflhajakdka! HAHAHAHA. Pakyeol.Mapaglinlang ka, Gab! XD

-

Oo, Gabriel lang. Pasensya na't hindi ko mahagilap ang kaniyang apelyido sa kuwento anupa't Gabriel nalang pagsamantala ang inilagay ko. Lol.

Kung sa ibang storya, dumudugo ang ilong mo dahil shocks, Spokening dollar ang bida! May pa slang slang pa! Idagdag mo narin ang conyo level: beyond understandable na pananalita nila. Pwes, ibahin niyo si Gab. Dudugo ang ilong mo 'di dahil sa dire-diretso niyang pag-iingles kundi dahil sa hindi mahukay-hukay niyang pananagalog!

Labis na nakakahanga ang pagiging makabayan niya at pagiging 'patriotic' ika nga ni Mira. Pati yung Lupang Hinirang at Panatang Makabayan, hindi nakawala. Iniimagine ko ang tsura nilang dalawa habang nirerecite ni Gab yung Panatang Makabayan. Omaygas talaga. Hahahaha! Tapos yung makapal na wallet niyang tig-bebente pesos ang laman. Pati yung cellphone niyang 3310. And oh, not to mention his ever so shiny Pomada! Haha! Gab, saang lupalop ng lupa kaba galing? Kagamitan mo parang napagiwanan ng panahon.

Pati yung pagiging taxi driver niya, Omg. No hypocrisy, kasi pati ako, nawindang ang kaluluwa ko nung nalaman na taxi driver siya. Bilib nga ako kay Mira dahil oo, kinahihiya niya na taxi driver si Gab nung una yet wala narin naman siyang pakialam sa huli 'di ba? Tinaggap niya si Gab with all her heart. 'Yan ang nagagawa ng pag-ibig. Lols. Pero naniniwala ang buong katawang lupa ko na hindi siya taxi driver. *cross fingers* Hindi talaga siya taxi driver. Pramis. Trip niya lang 'yan tulad ng kakaiba niyang trip na manalita ng ganung kalalim na tagalog. Kabwiset talaga siya. Lol.

As the story goes on, napamahal na ako sa wika ni Gab. Yung part na inamin niyang trip niya lang at nagpapraktis lang siya magsalita ng ganun kalalim, seryoso, nadisappoint ako. Haha! Ewan. Akala ko makakahanap na ako ng kakaibang character dito sa mundo ng Wattpad at siya na sana 'yun, it turns out na trip niya lang pala talaga maging makaluma. Lol. Mas swabe pag ganun eh. But then, okay lang rin. Wala namang bumawas sa kaguwapuhan niya sa inamin niya.

Aside sa pagiging makaluma ni Gab, mahal na mahal ko rin ang kaniyang ugali. Siya yung tipong minamahal ang isang babae ng seryoso. Walang joke. Walang laro. Siya yung lalaking binibigyan ng importansya ang kapurihan ng mga babae. Yung lalaking nirerespeto ng isang daan porsyento ang babae. No kisses sa lips hanggang sa makasal kayong dalawa. No PDA and such. Isn't that sweet?  Mahalaga sa kanya ang kasal at naniniwala siya na ang pagtatalik ay isang banal na gawain at magagawa mo laman 'yon kung may basbas kana ng Diyos. Nowadays, sa sampung lalaki, mga dalawa o isa nalang ang ganyan. Yung handang magpigil hangga't hindi pa kayo nakakasal.

Lubos na nakakarimarim ang estado nila ni Mira ngayon. Sa sobrang noble ni Gab, hindi niya kayang sirain yung 'commitment' na nagawa niya kay Maria Clara para sa babaeng mahal niya. Hay, pero wag kayong mag-alala, ipinapanalangin ko sa mahabaging langit na sana'y kayong dalawa parin, Mira at Gab, ang magkatuluyan sa huli. (-/\-)

---

Gabriel of This Mighty Bond by BlackLily

Favorite Watty CharactersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon