Hello! matagal-tagal narin akong hindi nakapag-update dito. Wala pa kasi akong kwentong binabasa sa ngayon, 'di ako makatyempong dumagdag ng panibagong character kaya yung mga paboritong manunulat ko nalang muna ang ipopost ko dito.
-
Sa panahon ngayon, masyadong maraming writers ang nagsisilitawan sa mundo ng Wattpad. May professional nang writers na ginagawang past time lang yung pagsusulat sa Wattpad, may mga rising authors rin na karamihan sa kanila ay published na yung libro at syempre, di mawawala yung mga writer wanna be dito sa kasuluk-sulukan ng Watty Land at masakit mang aminin pero tbh isa na ako dun.
Sobrang dami na rin nga ng published Wattpad Books ngunit sa kasamaang palad, hindi ko na nasubaybayan kung ano na ang mga 'yun dahil nagsusulputan lang sila kahit saan. Mga SDTG, DNP, My Princd, BTCHO, 3W8L, TBYD etc. era lang ata yung natutukan ko talaga. Basta yun mga stories sa kapanahunan ng books na yun.
Mabalik ulit tayo sa authors. Sabi ko nga, napakarami na nila pero isa talaga sa mga paboritong manunulat ko ay si Ate Jhing. {@jhingbautista} Bakit? Kung ililista ko siguro yung dahilan kung bakit sa dinami-dami ng authors na naglipana dito sa Wattpad, isa siya sa nga nakakuha ng atensyon ko, aabutin ako ng umaga.
Una, syempre dahil sa ganda ng mga kwento niya. Hindi lang kasi sa way ng pagsusulat yung maganda sakanya kundi yung kwento talaga mismo. Yung kapag binabasa mo yung stories niya, mapapa-agree ka talaga kasi kuhang-kuha niya yung point at naeexplain niya nang mabuti yung gusto niyang iparating saatin. Merong term dun e nakalimutan ko. Haha basta ganun yun. Tsaka yung plots ng stories niya, sobrang galing talaga. Mayroong medyo cliche (na nailalabas niya parin sa circle ng mga cliche na stories kasi nadadagdagan niya ng 'spices' kumbaga) pero meron ding mga kwentong mapapaisip ka nalang kung saan niya nahalukay ang mga ideyang 'yun kasi kakaiba. Masyadong deep. Sobrang daming 'feels'. Hugot na hugot talaga kapag gumagawa siya ng story.
Pati yung pagkarealistic(?) ng mga stories niya. Well, hindi naman lahat at may ibang kwentong may touch of magic and rainbows pero makikita mo parin talaga yung realidad sa storya.
Dagdag mo narin yung ability niyang gumamit ng contextual clues(?). Ang galing talagaaaaa. (pinipigilan ko ang sariling kong mag fangirl hhh) Especially yung mapapaisip ka kung ano yung ibig sabihin ng sentence na 'yun sa sobrang lalim or mapapa-agree ka kasi tamang tama yung pagcompare niya.
Pero sa lahat lahat, yung pinakagusto ko talaga kay ate Jhing ay yung bawat minuto siguro may namumuong ideas sa ulo niya. Sobrang dami na ng finished stories niya mapa one-shot man yan o novel. Yung tipong kahit anong bagay pa 'yan, kaya niyang gawan ng story. Makikita mo talaga na passion niya ang pagsusulat. Ayan talaga e. Galing galing talaga. Yung iba ngang ideas niya, pinamimigay niya nalang. Astig diba?
BINABASA MO ANG
Favorite Watty Characters
FanfictionMga sikat ang characters dito mostly kaya pwedeng Favorite Famous Wattpad Characters ang title. Mind to leave some comments and votes? If you could, it would be much appreciated! :) Kamsahaeyo ~ Shiinri for the awesome cover once again xD