Dati rati palang, gustong gusto ko na talaga ang Crazu Duos lalong lalo na nung naging Crazy Trios na 'to.
Sila yung magkakaibigang kalog, loka loka, baliw, balahura, at nakakatuwang kasama. Hindi sila nagkakamaling pangingitiin o patatawanin ako tuwing may ginagawa silang kalokohan.
Habang binabasa ko ang TBYD, tawang tawa talaga ako sa mga eksena nila. Yung tuwing uuwi si Samantha ng late dahil kung saan saan pa siya nagsusuot, magugulat nalang si Samantha na nakacostume ang tatlo. At hindi lang costume, magaacting acting pa sila at gagayahin ang isang palabas sa t.v o kaya naman kung ano lang ang trip nilang gawin. Lol. Astig din ng trio nila eh no.
Hindi talaga maipagkakaila na baliw sila. Duh? Kaya nga Crazy Trios, diba? Sila din yung tipong hindi ka nila tatantanan hangga't di mo sinasabi ang problema mo sa kanila. Sila yung 'perfect package' sa isang kaibigan. Hindi ka talaga malulungkot at makakalimutan mo ang problema mo pag kasama sila.
Handa silang gumawa ng kalokohan o kung ano man basta ba masolve lang ang problema mo o kaya naman makuha ang gusto mo. Yun yon eh. Astig talaga.
__
Crazy Trios from TBYD Trilogy by Alesana_Marie :)
BINABASA MO ANG
Favorite Watty Characters
FanfictionMga sikat ang characters dito mostly kaya pwedeng Favorite Famous Wattpad Characters ang title. Mind to leave some comments and votes? If you could, it would be much appreciated! :) Kamsahaeyo ~ Shiinri for the awesome cover once again xD