Timothy Odelle Pendleton [TOP]

4.7K 58 20
                                    

Katatapos ko lang actually basahin yung Talk Back and Your Dead. Unfortunately, mas nauna kong nabasa yung Book Two niyang Never Talk Back to a Gangster kesa sa una. Parang tanga lang diba? Sino ba namang matinong tao na unang babasahin ang book two kesa sa book one? At ako lang ang namumukod tanging baliw na yun.

Pero masisisi niyo ba ako? Eh sa book two lang ang nadownload ko sa phone at nung mga panahon na yun, nasa bingit na ako ng kamatayan sanhi ng kaboringan. Ayaw ko pa namang mamatay kaya yun, hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagbasa. Lol. Pinagsisihan ko yun, bigtime. Parang nawala yung 'something' nung binasa ko ang book one dahil yun nga, naspoil na ako sa book two.

--

Okay, let's start na pOesz.

Si TOP ay, ahm, ano ba? Paano ko ba 'to sisimulan?

Timothy Odelle Pendleton. Ang taray lang ng pangalan! Sana TOP nalang talaga. Yung TOP lang walang Timothy Timothy. Ewan. Nababaklaan ako sa Timothy. Lol. Pwede bang Tyrone? Teejay? Trey? Mas hot yung mga ganung pangalan. Di bale, gwapo naman siya at astig. Bawi bawi din.

Siya yung tipong, yes, cliche, gangster na ipaglalaban ka sa lahat. Gagawin niya ang kahit ano para mapatunayan ang kadalisayan ng kaniyang pagmamahal kay Miracle. (Ang deep naman, ano po?) Siya yung lalaking tahimik at hindi expressive ngunit pagdating kay Miracle parang walang segundo niyang hindi sinasabihan ng I love you si Miracle. Pero syempre, joke lang. Hindi siya nag a-I love you maya't maya pero mapapatunayan naman na mahal niya talaga si Miracle sa mga galaw niya. Action speaks louder than words ika nga nila diba?

Siya yung tipong, ayaw magsabi ng problema hindi dahil sa masikreto siya, hindi dahil sa wala siyang tiwala sayo, kundi dahil sa gusto niyang siya na mismo ang magaayos nun. Ayaw niyang may madamay na iba kaya siya nalang ang magsosolo nun. Pero minsan, nakakainis pag ganun, parang nawawala yung 'unity' niyong dalawang magkasintahan hindi ba? Pag hindi kayo nagsheshare ng problema sa isa't isa. Masamang practice 'yan, sa totoo lang. But well, TOP is TOP. He has his own ways.

Tapos yung pagkasweet niya ay hindi corny. Hindi parang hayag na hayag at wala nang paligoy ligoy pa. Minsan kailangan mo lang talaga magread between the lines dahil kahit ang harsh ng mga sinasabi niya, puno yun ng pagaalala at pagmamahal.

Isa sa mga 'di ko makakalimutang scene ay yung niyaya ni Sam si TOP na magehem.Alam mo 'yan. Ginawa na't lahat lahat ni Sam para lang maakit si TOP at gawin na nila ang pakay ni Miracle ngunit, pambibirang TOP! Grabe kung magpigil! Ang tibay! Kahit nasa gitna na siya ng pagsurrender at pagpigil, nagawa niya paring magpigil with the help of his so-called-ritual.

"Barney the fucking purple dinosaur, Barney the pedophile, Barney the shithead, Barney. Barney. Barney. Barney's shit, Barney's creepy shitty songs, Barney and his fucking dance."  at voila! At rest na. Nakaupo na. Lol. Siguradong safe na safe ka sa kamay ni TOP. Grabe kung magrespesto sa babae este kay Miracle eh. Muntikan na 'yun!

__

Timothy Odelle Pendleton of Alesana Marie's TBYD Trilogy. :) Hind na siya self-published. Available in all bookstores nationwide na. And another thing, gagawan ng movie adaptation ang TBYD! Yey.

Mind to comment your thoughts about TOP?

Favorite Watty CharactersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon