22nd Chapter. [Allure]

955 45 1
                                    

  SCARLET'S POV

Pagkatapos namin makalabas sa school, may nakaabang na palang van doon at sumakay kami. Dapat ay mananatili kami sa isang hotel pero nagpahatid ako sa bahay at sinabing ako na ang babalik magisa sa school. Nung una ay ayaw nina Xandra pero napilit ko rin naman sila. Ngayon, kakarating ko lang ng bahay. Umalis naman agad sina Hera. Itetext na lamang daw nila ko pag pwede na kong bumalak ng school.

Agad akong pumasok sa mansion at halatang nagulat ang mga katulong sa pagpasok ko. Di nila akalaing sa gantong oras ng gabi ay dadating ako. Nakita ko namang pababa ng hagdan si Erick at agad akong sinalubong.

"Mistress, bakit kayo nandito? Gabing gabi na."

"Erick, where's Mom and Dad?" Hindi ko pinansin ang pagtatanong nya sakin. Basta ngayon kailangan kong makausap ang mga magulang ko. Lalo na at may nangyayaring masama. Hindi parin maalis sakin ang magalala kahit sinabi na nina Kenzho na ok lang ang lahat.

"Nasa dining room po. Kakarating lang nila at ngayon lang sila nagdi-dinner."

Nagmadali akong pumunta sa dining room at binuksan agad ang pinto. Bakas sa mga mukha nina Mom ang gulat. Napatayo naman sila at akmang magsasalita...

"Scarlet, why-" It may sound unrespectful but I cut my Mom and talked.

"Scarlet. That's my name right? Scarlet Pearl Afferyon Rannaya." Saglit akong tumigil at seryosong tumingin sa kanila. "But some other people knows me as Clandestine. Specially the mafia, right?"

Halatang mas nagulat sila sa sinabi ko. Di nila akalain na alam ko na ang lahat at mababanggit ko ang mafia. "Sakin, sakin nilagay ang susi ng PoL diba? I'm your keeper! Inside me is the most important thing of the mafia group, Allure! We're part of the mafia group and for Pete's sake I don't even know anything about it! How long would you hide it from me?" I burst out.

"Scarlet let me explain." My Dad commented.

"You better explain it all." I coldly answered.

Nagtungo kami sa isang kwarto. Ang kwarto na to ay ang Counseling Room. Dito kami naguusap nina Dad ng masinsinan o kaya naman ay may business partner siyang kailangan kausapin, dito sila naguusap. Agad silang umupo at ako naman ay nanatiling nakatayo.

"Scarlet, why don't you seat-"

"Dad, just talk please." I uttered.

Saglit na napatingin sakin si Dad. Lumunok siya at nagsimulang magsalita. "It's true. Kasama tayo sa Mafia group. Specifically sa grupong Allure na pinamumunuan ng mga Stanford. Pinaka malakas ang Mafia ng mga Stanford na pinamumunuan ni Raven." Yeah, Keith's dad.

"Panahon pa lamang ng Lolo mo ay kasali na ang pamilya natin sa mafia. Natatakpan lang ito ng ibang family businesses natin. Kaya nagkaroon ng merger between sa Stanford at Rannaya na dineklara sa isang party noon na hindi namin napuntahan dahil may inaasikaso kami sa Mafia Group. Ginawa yon para hindi mahalata ang koneksyon namin pagdating sa Mafia." Party? Sh*t. The party where Keith took me. Yung may in-announce dun. So it was us?

"Ang PoL o Panacea of Languor ay isang potion na nagpapalakas sa isang tao. Nagpapalakas to the point na halos walang makakahigit pa dito. Tinago iyon upang hindi makuha ng Anodyne. Masyadong sakim ang mga Anodyne. Ang PoL kasi ay ginawa ko at ni Raven dahil masyadong marahas ang mga Anodyne, na kahit walang ginagawa sa kanila ay pinapatay nila." Saglit na tumigil si Dad. "Isang beses lang ito nagamit at ang gumamit non ay namatay. Hindi nakaya ng katawan niya ang potion at masasabi kong hindi pa gaanong matagumpay ang PoL. Tanging espesyal na tao lang ang pwedeng maturukan na mananatiling buhay."

"At isa ka don. Espesyal ka. Kakaiba ang lakas ng katawan mo. Kaya naman tinurukan ka ng kaonting PoL at inoperahan ka. Nilagay ang susi sa tagiliran mo. Susi yan ng kwartong pinaglalagyan ng PoL. Wala nang nakakahawak sa PoL mula ng ilagay sayo ang susi. Naka-preserve na lamang iyon kung sakaling kakailanganin." At dun natapos ang speech ni Dad.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon