21st Chapter. [Clandestine]

932 43 1
                                    

SCARLET'S POV

Mabilis lumipas ang araw. Friday na agad ngayon. Ano ang nangyari sa Elimination Round? Nakapasok sina Xandra at Sam. Pati narin sina Yukino at Cheska. Si Chelsie naman medyo ok na ata. Bwiset yun, may poison pala ung dulo ng dagger nun kaya nahilo ako. Pero ok na raw, naalis na sa katawan ko. Nang tinanong ko kung bakit ganun kabilis naalis ung poison sa katawan ko, ang sagot nila ay: "Di rin namin alam Ms.Rannaya. Pagtingin namin ay kokonti na ang lason na nasa katawan mo. Di namin alam kung bat naalis ang iba." Nalaman din ng Hellian Administration Board na nandaya si Chelsie, kaya naman naparusahan sya. Tatlong araw syang suspended.

Napagusapan din namin ni Keith ang tungkol sa Mafia.

-----> FLASHBACK

Naglalakad na kami pabalik ni Keith patungong cafeteria. Nagutom kasi kami bigla kaya nagyakag muna sya para kumain. Nakapasok na kami at sya na ang umorder. Lumipas ang ilang minuto ay nakabalik na agad sya dito. Rice ang binili nya at chicken fillet na may kasamang pineapple juice. Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit rice ang binili nya para sa miryenda?

"Scarlet, 2:30 na ng hapon. Di pa tayo nakain ng lunch."

"Oh.. Okay."

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami. Kalahati pa lang nakakain ko at sya tapos. Inintay nya kong matapos at sabay nagsalita.

"About lately.. About your dream-"

"Sige ikukwento ko sayo Keith." Singit ko sa kanya. "Napanaginipan ko ung batang ako. Na feeling ko ay nangyari talaga. Nung una kong panaginip, nasa isang lugar ako na may mga taong naka-lab coat at tinurukan ako."

"Wait.. Nauna? So kailan mo un napanaginipan?" Tanong nya sakin.

"Before ako umuwi sa bahay para kunin ang Sora." Tumango sya as a sign na ituloy ko ang kinukwento ko. "Kanina naman, nasa bahay ako at sumilip sa kwarto nina Mom at Dad. Dun ko narinig lahat. Na kasama kami sa Mafia, sa grupong tinatawag nilang Allure. Na inoperahan pala ko para may ilagay na susi sa tagiliran ko."

Nanlaki ang mata ni Keith. Tumingin sya sakin dahan-dahan. "Ibig sabihin ang tinutukoy ng mga lalaking humahabol sayo ay ang susi sa loob mo?"

"Oo, yun nga ata. Susi na tinatawag nilang Panacea of Languor."

"Scarlet... Ano pangalan ng Daddy mo?" Seryosong tanong ni Keith.

"Blood Cross Rannaya."

"Ikaw nga.." Ako? Anong ako?

"H-ha?" Kinakabahan naman ako.

"Ikaw ang tinatawag ng Allure na Clandestine. Ang babaeng nilagyan ng susi para hindi makuha ng kahit sino ang PoL. Ang babaeng iba ang lakas ng katawan kesa sa iba. Ang tinurukan ng PoL para mas maging special na babae. Ikaw yun, ang anak nina Blood at Emerald."

Nagulat ako sa nalaman ko. May kakaiba pala sakin. Espesyal ako.

"Ikaw? Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya.

"Ako? Si Keith Rhanz Stanford, anak ng leader ng Mafia group na Allure. Ang mga Rannaya at Stanford ang gumawa ng PoL. Ako tagapagmana. Ikaw din ang tagapagmana. At hinding hindi ako papayag na may mangyari sayong masama. Na mahawakan ka ng kahit sinong miyembro ng Anodyne. Kaya kung kailangan alisin ang susi jan sayo para maging ligtas ka, gagawin ko."

Ngayon, nasagot na ang ibang katanungan sa buhay ko. Pero may isang tanong na nanaig sakin.. "Ano na ba ang mangyayari sakin?"

-----> END OF FLASHBACK

Gabi na ngayon at nasa kwarto ako. Uuwi ako bukas para makausap ang magulang ko at gusto kong makita ang Allure at ang lugar kung san sila nagtitipon tipon. Sasama raw sakin si Keith.

Nasa kalagitnaan ako ng may narinig akong kaguluhan sa labas. May mga taong natakbo. Lumabas agad ako ng kwarto at nandun na sina Xandra, Sam at Hera.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

"May mga pumasok na outsider. May mga dalang baril." Sagot ni Hera.

Biglang nakita namin ang HGR na natakbo papunta samin.

"Scarlet!" Sigaw ni Khenz na hinihingal pa. "Sumama ka samin. Aalis tayo habang pinipigilan ni Keith ung mga lalaki. Bilis!"

"Ano?! Hindi! Di ako papayag na di kasama si Keith!"

"Scarlet wag ka ng magulo! Hinahanap ka na nga mga un. Halika na!" Sigaw ni Robin. "Xandra sumama na kayo samin. Halika na."

Hinigit nila ko at dumaan kami sa likod ng school. Naiyak naman ako. Ano na nangyayari kay Keith? Susunod ba sya? Ok lang ba sya?

~~~~~•~~~~~

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon