25th Chapter. [Into The Forest]

792 33 7
                                    

SCARLET'S POV

After slapping that bitch's face hardly, I ran fast to follow Xandra. Sina Keith and Kenzho nakasunod sakin. Kanina pa ko natakbo pero di ko parin makita si Megaphone. Naku nasan na ba kasi yon e? Puro puno na ang nakikita ko ngayon. Para ngang wala ng tao sa parteng to.

"Scarlet, wala na atang tao dito. Bumalik na tayo. Papasok na tayo sa gubat e." Sabi ni Kenzho.

I sighed. "Sige. Baka sa ibang direksyon tumakbo si Xandra. Halika-"

"Ahhhhh! Heeeeeeelp!" Napatigil ako at napatingin kami sa loob ng kagubatan.

Di na ko nagdalawang isip pa at tumakbo na ko papasok ng forest. Takbo lang ako ng takbo ulit hanggang nahati ang daan sa tatlo. Isa sa kaliwa, sa kanan at diretso. Di ko alam kung saan ako pupunta. Yung dalawa ramdam kong nasa tabi ko na.

"It's better if maghiwa-hiwalay tayo." Sabi ko sa kanila.

"What? No! Delikado Scar!" Reklamo ni Keith.

"But we have to."

Ginulo ni Keith ang buhok nya dahil wala na siyang iba pang magagawa. "Don't worry. Alam ko naman na mistulang tracker ang kwintas natin in case na may mawala. Basta pag nahanap niyo na ung sumigaw, bumalik kayo dito sa sentro at sumigaw na rin kayo." I smiled at them to make sure na magiging okay lang ang lahat.

Sumangayon na yung dalawa kaya pumunta na kami sa kanya kanyang direksyon na tatahakin. Sa gitna ako, dun sa diretsong daan. Si Keith sa kanan at si Kenz sa kaliwa. Buti naman at may araw pa kaya di delikado. Tumingin ako sa relo ko. 1:30 na ng hapon. May isang oras at kalahati pa para sa treasure hunting. Bawal ako lumagpas ng 3:00 dahil magiging mas delikado.

Napatigil ako ng may narinig akong babaeng na-hikbi. Agad akong tumakbo papunta sa direksyon na yon. Habang papalapit ako ay mas lumalakas ang pag-hikbing naririnig ko. May nakita akong ilog at malaking puno. May nakita akong babaeng nakahiga don na hawak ang braso nya. Mas binilisan ko ang pagtakbo. Nagulat ako ng makita ko ng malinaw kung sino ang babaeng yon.

"Samantha!" Agad ko syang nilapitan. May dugo ang braso nya at nadugo ang labi niya. May dugo rin sa gilid ng noo niya. "Sam oh my.. What happened?!" Sinubukan ko siyang iupo at inihiga ko sya sa lap ko. Medyo tumigil siya sa pagiyak. Halatang sobrang saki ng mga natamo niyang sugat.

"S-Scar... S-Si Alexandra. N-nasan na s-sya?" Hinang hina niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi ko alam, Sam. Ikaw pa lang nakikita ko. Si Rain? Nasan si Rain?" Dahil sa sinabi ko ay may mga tumulo na namang luha mula sa mata niya.

"N-nagkahiwalay kaming t-tatlo.."

Kinuha ko agad ung panyo ko at tinali sa braso niya para mapigilan ang pagdugo nito. Ano kaya ang nangyari? Hindi ko naman siya matanong kasi nanghihina pa siya. Hinayaan ko muna mapahinga si Sam. I was in the middle of guarding her when I heard some footsteps. Agad akong napatayo at kinuha yung malaking stick. Inintay kong magpakita kung sino yon pero nabitawan ko rin agad ang hawak ko at nakahinga ng maluwag.

"Rain, you scared the hell out of me."

"Sorry, Scar." At napatingin siya kay Sam at tumakbo agad sa kanya. "Samantha! Si Xandra? Nasan si Xandra?" Napailing na lang si Sam at ako naman ay napakagat sa labi. Hindi parin pala nahahanap si Xandra. Halata naman na maiyak-iyak na si Rain.

"Rain, dalhin mo muna si Sam sa sentro nitong gubat. Nandon sina Keith, kailangan magamot ni Sam."

"Are you nuts?! Pano ka? Si Xandra?" Sigaw sakin ni Rain. "Isa pa lang yung napatumba ko. May isa pa! Pano pag napahamak ka rin?!"

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon