16th Chapter. [Part 1- Outing With The HGR]

1.2K 58 2
                                    

SCARLET'S POV

"C'mon Scar! Sumama ka na please..."

"Oo nga! Minsan na nga lang tayo mag-hang out together."

"Tsaka you'll be having an entrance exam for the HGR. Loosen up first muna!"

Ayan na naman sila.. Kinukulit na naman ako nina Hera, Xandra at Samantha. Why? Well.. they want to go out. Para bang girl's date. Eh ako naman tong tinatamad pa.. Ayaw sumama. So they're forcing me to join them. In-announce raw kasi kahapon ng umaga (After I left) na wala raw pasok hanggang Tuesday dahil may meeting si Ms.Hell sa Thailand for 3 days. So para naman daw mapaghandaan namin ang HGR Entrance Exam... They used the opportunity to tell us that we can do whatever we want.

Kaya ito... Since we can do whatever we want, they want to go to the beach. Why? For no apparent reason lang naman. Joke. So kidding aside, gusto nilang pumunta sa beach because they want to relax DAW. Sabi ko they can relax here naman sa house at may swimming pool naman dito so dun na lang sila mag-swimming. Pero wala eh. Gusto talaga nila sa beach.

"Fine! I'll come. Just leave my room now. I'm gonna pack my things." I said in defeat.

" Yun oh! Yehey. We'll wait for you outside ha." Samantha said.

"Okay."

And they went out. Kinuha ko na ung hand carry ko at backpack. Kumuha ko ng tatlong shorts, dalwang pajama, 3 t-shirts, 2 sandos, syempre undies, personal stuffs, shades, sunblock and so on. Sorry kung masyadong madaming bitbit. That's why I don't like sudden outings. I don't have time to prepare at all.

Nagbihis na rin ako ng yellow shorts, pink sando and I put my shades on. I got my flip-flops, too. Alam kong may dala silang car or van dahil napansin kong madami-dami rin dala si Xandra. Beats me. We're the same. I went out at nakita ko sila na naka-ngiti. Tuwang tuwa siguro na napapayag na nila ko at more from that... Bihis na bihis pa ko.

"Let's go?" I asked them.

"Not yet. Kulang pa tayo." Hera said and smirked. Tiningnan ko sila isa-isa.. And from that alam ko na kung ano ang ibig sabihin nila.

"Don't tell me na kasama sina-" Naputol ang sinasabi ko ng may kumatok sa pinto.

"Ohh. Looks like that they're already here." Xandra, who went running to the door and opened it.

"Hi babe!" At ayun nga, si Rain na humalik sa pisngi ni Xandra. "Are you all ready?"

"Yup! So can we put our things in the van?"

"Yeah. Go ahead." Rain replied to his girlfriend. "Hey, Hendrix! Tulungan natin silang maglagay ng gamit nila sa van." Lumabas na ko dala ang gamit ko at nakita ko sa hallway sina Hendrix, Alex and Kenzho.

Nilapitan ako ni Kenzho and carried my bag. I mouthed ' thanks' to him and he smiled in return. Pumunta na kami sa parking lot at nilapitan ang isang black van. Binuksan nya ang likod at niligay ang mga gamit ko. Nagpaalam sya na tutulungan daw nya sina Hera at pumasok na lang ako sa loob. Binuksan ko ung pinto at malaki naman ung van. Uupo dapat ako sa gitna nang biglang may narinig akong boses.

"Dito ka na tumabi sakin."

"Keith? Bat di ka lumabas kanina?" I hopped in at tumabi sa kanya sa likod. Naka-upo kasi sya dun habang may earphones.

"Tinatamad ako. Dapat nga hindi ako sasama." Napangiti naman ako from that thought. Dapat din hindi ako sasama diba? With same reasons pa. "But I realized if I won't come, Kenz may hit on you." At natameme naman ako dahil sa sinabi nya.

"So.. How's your arm?" Pagbabago ko ng topic namin.

"Okay na sya. Hindi na naman sumasakit. Sabi ko nga sayo kahapon, malayo to sa bituka."

"Really? How many miles far?" I joked. Pero binigyan nya lang ako ng poker face. Okay, I know it sucks and I'm not even a joker.

"Seriously Scarlet? You, having jokes is terrible. It doesn't suit you at all."

"Yeah, I know right. " I said.

Dumating maman sina Hera kasama ang iba pang member ng HGR. Pumasok sila at nagkanya kanyang pwesto. Si Hendrix ang magdadrive at katabi nya si Kenzho. Dapat talaga katabi namin si Kenzho kaso napilitan syang umupo dun since sya ang may alam ng daan. Nasa second row naman sina Alex, Samantha, Xandra at Rain. At kami nga nina Keith at Hera ang magkatabi dito sa last.

30 minutes na mula nung umalis kami. Naka-earphones lang ako habang ung iba may sari-sariling ginagawa. Si Xandra naka-sandal kay Rain habang tulog sila. Si Kenzho nagse-cellphone lang. Si Samantha naglalaro ng Candy Crush at si Alex ay naglalaro ng COC. Si Hera tulog din pala. Si Keith? Nakatingin sa labas. I was in the middle of listening ng may naramdaman akong mabigat sa balikat ko. Napatingin ako at nakita ko si Keith na naka-sandal.

"Can I?" He asked.

"Sige lang." Sagot ko sakanya. "Keith?"

"Hmm?"

"Why me?" At dahil sa tanong na lumabas na lang bigla sa effin' mouth ko napamulat sya.

"What?"

"A-ahh wala. S-sige tulog ka na."

Pinabayaan ko na lang sya na ganun sa byahe. Pero ramdam kong may nakatingin samin... Si Kenzho... Nakatingin samin sa may salamin.

~~~~~•~~~~~

"Yehey! We're here!" Masiglang sigaw ni Samantha.

"Shut up. So noisy!" Saway naman ni Alex. Nagpout naman si Sam.

"Ang ganda dito grabe!" Hera commented.

"Kaya nga eh noh?" Sabay akbay ni Hendrix.

"Tss. Back off play boy!" Sabay tulak naman ni Hera. Inalis ko naman ung shades ko.

"Enjoying the view?" Tanong ni Kenzho.

"Yeah.. It's relaxing here."

"Good to hear."

"Guys! Halika na. Punta na tayo sa kwarto. Kain nadin tayo." Sigaw ni Rain samin.

Pumunta na kami sa kanya-kanyang kwarto. Ang magkakasama sa kwarto ay sina Hendrix, Hera at Samantha. Tapos sina Alex, Rain at Xandra.. So it leaves me, Kenzho and Keith together. Oh my.. I think this won't work. Pero ayos lang naman siguro. Inayos na namin ung mga gamit namin at pumunta na sa isang cottage. Dun kami kumain.

"Here Spar, try this.. Masarap yang fish fillet nila." Sabay lagay ni Kenzho ng fish fillet sa plato ko.

"Eto oh masarap to... Baby." Nilagay nya ung sinigang sa bowl. Pero wait... Baby?!

"Baby?!" Sabay-sabay na sigaw naming mga babae. Sina Rain naman napatigil sa pagkain.

"Hahaha. Why? Kenz called her Spar. So I should give her an endearment, too."

"But why Baby?" Tanong ni Sam.

"Ayaw nyo? I'll call her 'Baby S' then." My gosh! Palala ng palala.

"Hahahaha. Corny mo Couz."

"Palibhasa inlove ka lang kay-" Napatigil si Keith ng takpan ni Sam ang bibig nito. Oooh. She's hiding something.

"Shut it Couz!" Tinawanan lang sya ni Keith.

~~~~~•~~~~~

Nasa may seashore na kami at nagsa-sun bathing lang kaming mga babae. Ung mga lalaki naman naglalaro lang. Magkaka-close talaga sila.

"Hey. Scarlet, can I ask you something?" Tanong ni Hera. Mas lumapit naman sina Xandra at Sam.

"Ano yun?"

"Do you like Keith even a little?"

Tiningnan ko sila isa-isa at huminga ng malalim. "No..." At parang nanlumo sila.

"Cuz' I like him alot." pahabol ko.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon