23rd Chapter. [Demon Under The Mask]

1.1K 53 4
                                    

  YUKINO'S POV

Two days had passed mula nung nangyari ang pag-atake ng outsiders dito sa school. Unang beses itong mangyari. And I think the Mafia is behind this. Yes, I don't belong to any Mafia group but my friends do. Chelsie and Cheska do. Sa totoo lang anak sila ng isang leader sa mafia na isa sa pinaka malakas. Pero dahil nga sa babae sila at iba ang gusto nila, hindi sila ang magmamana nito at wala silang pake rito. Si Ched ang mamumuno non balang araw, kapatid nila.

Ngayon pa lang magre-resume ang regular classes. Nasa classroom na ako at magisa pa lang ako. Bakit kasi hindi section A yung kambal. Magisa lang tuloy ako dito. Sumubsob ako sa desk ko at siguro ay aayos na lamang pag magsisimula na ang klase. I was about to close my eyes when I heard someone walking inside the room. Napatunghay ako at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng nakita ko si Keith na nasa harapan at dala dala ang bag niya. Andito na pala siya.

"So.. H-how are you?" Medyo nahihiya ako and at the same naman ay kinakabahan dahil di ko alam kung di niya ba ko papansinin o sasagot siya.

"I'm doing fine." Sagot niya sakin sabay tingin.

"Nakita ko kasi lahat. Nasa rooftop kasi ako. Mukhang natamaan ka sa tagiliran." I tried to talk casually.

"Ah oo. But it's gotten better. Nakakagalaw na ko ng ayos." Okay, go with the flow Yukino.

"Do you know who was the outsiders?" I curiously asked. Sa totoo lang gusto ko rin kasi malaman kung anong meron. Umayos naman siya at tumayo na. Sumandal sa teacher's table at naka-pamulsa. Why is he darn hot?

"I think it's the Anodyne. Alam ko namang labas ka ron at di mo sasabihin sa kambal ito." Tumigil siya ng saglit at nagsalitang muli. "Kaya nga pinigilan ko sila. Alam kong hindi ko handle ang mga yon dahil sinabihan ko na ang Allure na walang pwedeng makialam sa Hellian Academy. At tama nga ako. Ang mga Anodyne nga yon."

"So sino ang pakay nila? Ikaw ba?"

"No. It was-"

"Keith!" He was cut off when someone entered the room. It's the bitch's friend.

"Xandra." And he looked at her still in his hot position. "What is it?"

"I was just glad that you're alright and Scarlet's already here. Buti nakapasok kayo dito kaninang madaling araw." What?! They were together all the time?

"No big deal, Xandra. Just sit at your chair and stop being noisy. I hate noisy people."

"You hate noisy people yet you like Scar." Xandra murmured. But I think Keith heard it. "Sige una na ko. Punta muna kong cafeteria. I'm hungry." At sabay alis ni Xandra.

Umupo na naman si Keith at naglabas ng libro. As if I know kaya lang yan nagbabasa ay dahil wala siyang magawa. "So you two were together?" I asked. My curiosity attacked me and I hate it because I know I'll get hurt again.

"Yeah." He answered without even taking a glimpse on me. "And you don't care." Mariin niyang sabi.

Pumikit ako. Stopping myself from crying. I know I'm already breaking inside but I'm Yukino. A snow. I should be cold. I shouldn't show my weakness. "Oh, I see. You must had fun after you finished the outsiders while some of us were in misery." At dahil sa sinabi ko nilingon niya ko.

"What do you mean by-"

"Nothing. I was just injured because of the bullet. It hit my shoulder." And I smiled. Bitterly. "Diba nga nakita kita? Nasa rooftop ako. At saktong pagsipa mo sa isang outsider, di mo alam naputok niya parin yung baril na hawak niya. At saktong pagbagsak niya, tsaka niya nakalabit ang baril. And lucky me.. I got hit." Sasagot na sana siya pero inunahan ko siya. "When you  left, may buhay pa palang isa. He was insane. He held someone and blackmailed us. Gusto niyang ilabas ka namin. Dahil wala nga ang HGR at ang ibang Top sa Battle Field, kami nina Cheska ang naghandle ng sitwasyon. Someone got hit, luckily minor lang at nahablot namin ung baril and napatay namin ung baliw na oustider." At tinapos ko na yung kwento ko.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon