10th Chapter. [The Three Phantoms]

1.4K 70 1
                                    

  SCARLET'S POV

Hindi parin ako maka-paniwala na kasali ako sa pwedeng sumubok na mapasama sa HGR. Bakit ako pa? Eh transferee lang naman ako ah! Haist.. Kasama ko naman sina Samantha at Alexxandra. Pero wala lang para sa kanila. Sanay na kasi eh. Ako? Siguro.

Naglalakad na ko papunta sa classroom ko. I'm wearing my uniform.. Ano ang uniform ng mga babae dito? A 1-inched above the knee skirt na color black. Ang pang-itaas naman ay collared top na color white with a light brown colored vest. Naka-long white socks din ako with 2-inched black high heels shoes. Kaya pag taga-labas ka aakalain mo napaka desente ng tao dito. Well.. Medyo naman.

Sa lalaki naman ay black pants lang at katulad ng top naming babae. Sa HGR.. Kaparehas lang pero may gold sa gilid ung sa kanila. That simply means and informs everyone that their the precious HGR.

Nakarating na ko sa room at iisa lang ang student dito. At ayun ay si Kenzho.. Nakaupo sya sa front seat malapit sakin. 6:30 pa lang kasi kaya wala pa ang ibang students. Nakatayo parin ako dito sa pinto habang hawak-hawak ang blue Gucci bag ko. Bigla naman syang tumingin sakin mula sa pagbabasa nya ng libro.

"Good Morning Spar.."

"Ahm.. Whose Spar? Ang pangalan ko kasi ay Scarlet. Pwede pa sana kung Scar eh."

"Hahaha. Ang slow mo rin pala?" sabay tayo nya at lapit sakin. Bigla naman nyang sinara ang pinto.

"Bakit naman ako naging slow?" tanong ko sa kanya. He stepped forward while I stepped backwards. Uh-oh. I'm trapped at nilagay nya na sa magkabilang side ko ang kamay nya.

"Your name is Scarlet Pearl Afferyon Rannaya right? So that means your initials are.. S.P.A.R.. So that's why I called you Spar."

"Kaya binigyan mo na ko ng nickname. Haist.. Kenzho di naman tayo close kaya stop giving me weird names.." I said looking straight to his eyes.

"So.. Is this close enough?" sabay lapit nya sa mukha ko na halos 3 inches away lang.

"L-lumayo ka nga.." hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit? Naiilang ka ba?"

"N-no. W-why would I?"

"Kasi malapit ang mukha ko sa mukha mo.." At mas nilapit nya pa ang mukha nya at tumingin sa labi ko. "Or more on.. Mas malapit ang labi ko sa labi mo."

"K-Kenzho you better s-stop.. T-this is not f-funny anymore." I said ng hindi gumagalaw. One wrong move and I'm dead.

"Hahaha. Bakit nagloloko ba ko para matawa ka? Spar, I am dead serious here."

"Kenzho.. I'm warning you. Tigilan mo na to or else.. You're dead."

"Talaga lang ha?"

"O-oo!" bigla naman kaming napalingon ng may nagsalita.

"Kung maglalandian lang din kayo siguraduhin nyong walang makakakita. Pumunta kayo sa lugar na kayong dalawa lang." sabi ni Yukino na kasalukuyang nakaupo na sa upuan nya. Lumayo naman sakin si Kenzho at umayos na ng tayo.

"Hahaha. Panira ka naman Yukino eh." sabi ni Kenzho.

"As if I care. And you.." sabay tingin nya sakin. "Wag ka ngang malandi. Di ko malaman ang dahilan ni Keith at ikaw pa ang nagustuhan nya."

Dumiretso naman ako sa upuan ko at bago umupo ay.. "Ako malandi? Hindi rin. Kasi sayo pa lang at sa make up mong makapal ay talo na ko. Wala na kong balak agawin yang titulo mo." at tuluyan na kong umupo.

Gangster Royalties (Meet the HGR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon